Chapter 3

33.4K 872 30
                                    

Please vote and comment.

PADABOG kong binuksan ang pinto ng opisina ko dahil sa inis na nararamdaman.

Walang hiya talaga ang babaeng 'yon, pangalawang beses pa lang kaming nagkita tapos kung umasta parang asawa ko sya. Kinkilabutan ako. Damn!

"Woah! Binata na ang kapatid natin may first kiss na." Sigaw ni Fifth pagkakita sa'kin. Pare pareho silang may mga ngisi sa labi.

"How did you know?" Bumalik ako sa aking swivel chair, bahagya pa akong natigilan dahil nanuot sa ilong ko ang mabangong amoy. Amoy lavander.

Inupuan nga pala ito ng babaeng 'yon. Kainis, dumikit ang amoy niya.

"May lipstick ka sa labi." Inulan na naman ako ng kantiyaw.

Pinunasan ko ang labi ko gamit ang panyo at totoo ngang may lipstick.

"Her name is Desiree Gale Ancho Park, 29 years old no boyfriend since birth so never been kiss never been touch, hundred percent virgin. She's an agent." Salubong ang kilay na bumaling ako kay Second na nakangisi habang may binabasa sa cellphone niya. "Mula kay King ang impormasyon na 'to kaya alam kong totoo."

"She's an agent?" Ako.

"Yup, hindi lang basta agent dahil isa siya sa pinakamagaling sa kanilang buong departamento, kaya niyang pumatay in a snap. Confidential ang information na 'yan kaya wag niyong ipagsasabi sa iba."

"As if interesado ako." Hindi ko na sila pinansin at bumalik na sa pagtatrabaho.

"Hindi ka nga interesado, hindi ka talaga interesado." Pang-aalaska nila pero hindi ko pinansin.

"Kita niyo kung paano siya mainis kay bayaw, normal lang sana dahil talagang makulit ang babae pero si Third Castillion 'yan e. Kasing haba ng Great Wall of China ang pasensya tapos naubos 'yon sa simpleng pagdating lang ni bayaw. Woah! Exciting mga 'bro." Boses ni Fifth.

"Yeah, yeah pero ang hot niya at ang ganda pa. Halatang magiging magaling sa kama 'yon kapag naturuan."

Doon na ulit ako napaangat ng tingin sa kanila dahil kung mag-usap usap ay parang wala ako dito.

"Shut up, Six! Hindi tamang pag-usapan ang isa babae sa ganyang paraan isipin mong may ina tayo, may sister in law at may pamangkin na puro babae. Paano kung sila ang malagay sa ganyang sitwasyon na pinag-uusapan ng walang kamalay malay?"

"Easy, easy dude sorry naman." Depensa niya pero may pang-aasar pa rin na ngisi.

"Tama nga naman si Kuya Third niyo brothers, siya nga sa isip niya lang pinagnanasaan si bayaw tapos kayo bulgaran." Si Second.

Tumayo si Fifth habang nakapamulsa. "Nah uh hindi ako kasali, she's hot and gorgeous but hindi ko siya pinagnanasaan kay Kuya Third siya 'no kaya hands off ako." Naglakad siya papalabas na parang modelo sa Men's magazine. "But I like her to be my sister in law too."

"Me too." Si Fourth syaka sumunod kay Fifth.

Nagsitayo na rin ang iba ko pang kapatid pero si Second ay nananatiling nasa sofa habang abala sa kanyang cellphone.

"Good luck sa lovelife 'bro padalhan mo nalang kami ng wedding invitation medyo magiging busy kasi tayo this coming days." Tugon ni Six, sabay silang umalis ni Seven. Wala si Kuya First, ang panganay namin dahil palaging nakabuntot sa asawa nito.

"Not gonna happen." Bulong ko.

Tutok ang mata ko sa laptop ng magsialisan ang mga kapatid ko ng magsalita si Second.

Castillion Brothers Series 3: Third CastillionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon