Nariah Eirene Rivera-Sarmiento POV
"Sinong gusto mo?"
Napalingon ako dahil sa isang boses na tumaginting sa aking mga tenga. Kilalang-kilala ko yung boses na 'yun.
Napapunas ako ng salamin ng wala sa oras. Hala, si Kurt Louie
"You know what Kurt you shouldn't be here it's a girl talk and about what you heard just forget it."
Ang sungit talaga nitong babae na 'to, mamaya niyan baka na offend na niya si Kurt sa pinagsasabi niya.
Tsk.
"Woah. Your still Aliyah that I used to know."
Nakangiting sabi ni Kurt.
Nakakainggit naman sya nginingitian ng isang Kurt.
Erase Erase Erase
"Chee."
Inirapan ni Hayila si Kurt at hinablot ang braso ko papaalis kay Kurt.
"Aliyah, wait may sasabihin ako sa empliyado ko."
Lumingon kami at nakita ko siya nakangiti nang malapad.
Tinignan ko sya para sabihin na yung dapat sabihin.
"Ms. Sarmiento every saturday and sunday ka na lang magtra-trabaho sa Cafe 'en Grande. Don't worry hindi mababawasan ang sweldo mo."
Seryosong sabi niya sa akin. Ramdam ko yung pagiging malamig niya sa akin.
Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan sa pagkakasabi niyang iyon.
Bakit kanina nung kausap niya si Hayila parang ang saya-saya niya pero sa akin parang isa lang akong hamak naempliyado niya.
"Thank you."
Sambit ko na lang.Agad na akong naglakad papalayo.
Masakit pala na iniignore ka lang taong gusto mo. Siguro dapat ko nang malaman na ang ganitong itsura hinding-hindi magugustuhan ng kagaya niya.
Kasi mahirap akong matanggap.Kahit anong pagpupursigi ko wala makakaappreciate at walang makakapansin.
Kapag nga may mga award akong tatanggapin sa school wala man lang pumapalakpak, sumusuporta at bumabati.
Ganito ako. Magisa lang.
Kaya ngayon palang dapat mawala na sa isip ko si Kurt.
Tuloy-tuloy lang akong naglalakad naiwan ko na nga si Hayila.
Pumunta na ako sa room pagdating ko dun marami rami na rin naman ang tao.
Umupo na ako sa upuan ko, tumingin ako sa mga katabi kong upuan.
Naisip ko lang na araw araw ko nang magkakatabi ang tatlong ugok na yun dito sa room na 'to.
KRINGGGGGGG
Nagbell na, ilang segundo dumating na rin ang iba.
Huminga ako ng malalim nang makita kong pumasok si Kurt. Tumingin lang ako ng diretso sa board.
Nakita ko na lang sa sulok ng mata ko na umupo sa tabi ko si Kurt at yung dalawa naman naupo na rin.
Napatingin ako kay Liam kasi natutulog sya.
Patay. Terror pa naman yung teacher namin sa Trigonometry.
Sinundot ko sya sa tagiliran para magising, pero waepek sa kanya.
So ang ginawa ko kinurot ko sya sa braso nya.
"Aray!"
Hiyaw niya sa akin. Pero mabuti na lang at di narinig ni Sir Terror kasabay kasi ng pag-aray niya yung pagGood Morning namin. Hehe
BINABASA MO ANG
Absolutely Nerd
Teen FictionMay pagkakataon kayang may magmahal sa akin ng totoo. May posibilidad bang tanggapin ako ng lahat. Maari ba akong maging masaya. Mararanasan ko pa kaya ang purihin at hangaan O baka hanggang pangarap na lang talaga. Hindi ko alam kung paano, saan...