Nariah Eirene Rivera- Sarmiento POV
Ako lang naman ang mukhang mangkukulam sa kwentong ‘to. Mukhang ako pa ata ang kontrabida.
Isa akong babaeng Nerd na nagiging sikat hindi dahil sa dinudumog ako ng FANS (Electric Fan XD) kundi naglipana ang ugly face ko sa Social Media sandamakmak ba naman ng likes at comment mabuti kung ang comments puro papuri pero hindi INSULTO ang nakukuha ko.
Di ko alam kung paano nila ako na kukuhanan ng picture pero infairness ang panget ko dun, di man lang nila inedit o kaya ginamit ng Camera360 o di kaya Retrica(mga walang hiya) -.-
Daig ko pa ang CELEBRITY sa HOLLYWOOD. (Tama na nga , describe ko na ang sarili ko)
Bukod sa face ko, may maganda naman sa akin. Lagi ako nasa first rank every quarter and the end of the school year - means MATALINO ako.
MABAIT ako ‘di naman ako nangkukulam.
TAHIMIK akong tao masyado akong TAGO sa lahat kumbaga MAHIYAIN.
Mahilig lang siguro akong mag-aral o baka talagang nagiging MAILAP ako.
May mga kakilala naman ako pero ‘di ko sila CLOSE. Oi I'M NOT CHOOSY, maaarte lang talaga ang iba. Ayaw nila sa mukha ko. Di naman ‘to contagious.
May nagiging crush ‘di ako (TAO din kasi ako) pero panandalian lang kasi hindi ko pa nga nasasabi lumalayo na sila. Paano na kaya kung nalaman nila baka isipin pa nila ipakulam ko sila. (Duh hindi ako magiging OBSESS)
SELF-SUPPORT na lang ako, kasi itinakwil ako ng aking PAMILYA. At lastly isa akong malaking DUWAG.
Ayan so PHYSICAL naman ayoko ng paulit-ulit kaya balik kayo sa Intro joke lang.
NERD WITH BRACES, BUHAGHAG NA HAIR parang mangkukulam kaya lagi akong naka Ponytail.
MADAMING PIMPLES at biruin mong ang pupula’t ang lalaki pa. Ang BADUY ko at ang MANANG kung magsuot at kumilos.
Sa kabila ng pagiging PANGET ko, may good hygiene pa rin ako. Kahit anong gawin kong alis sa mga PIMPLES ko at irisulba ang BUHAGHAG NA BUHOK ko ay wala pa rin.
Hindi ko kaya AFFORD ang mga pamganda products, pagkain na rin yun noh, kaya magtitiis na lang ako na maapi. (Ang EMO ko masyado)
Ohsya tama na nga eto.
Ako si Nariah Eirene Rivera- Sarmiento. I am 17 years old, 4th year student. Nag-stop ako ng isang taon kaya 17 na ako.
At syempre---
BOOGSHHH!!!!
Aray ang sakit ng pwet ko. Hinihimas-himas ko ‘to habang tumatayo ng may narinig ako.
“Ouchhhhhhhhhhhhhhhhhhh.”
Ang haba naman ng “ouch” nya. Hala napukaw namin ata ang attention ng lahat dami pa naman tao dito sa corridor. Maganda sana sya pero mukhang BITCH.
Andaming bulungan pero rinig ko pa rin sila.
“She’s really IDIOT.”
“Gosh, she’s too plain."
“Better to run, ugly.”
“You’re gonna be a dead meat.”
Napalunok naman ako ng laway dun. (Yakkk naman LAWAY eewww)
“You know what fugly your such a burden here so you better get lost.”
Ang taray niyang magsalita kaya di ako nakasagot. SPEECHLESS kumbaga.

BINABASA MO ANG
Absolutely Nerd
Novela JuvenilMay pagkakataon kayang may magmahal sa akin ng totoo. May posibilidad bang tanggapin ako ng lahat. Maari ba akong maging masaya. Mararanasan ko pa kaya ang purihin at hangaan O baka hanggang pangarap na lang talaga. Hindi ko alam kung paano, saan...