Chapter 5

131 5 2
                                    

VOICE OVER

Nag-aayos na ng gamit si Prince na dadalhin nya sa bakasyon nila nang biglang magring ang cellphone ni Prince.

Kring, kring, kring.

"Hello?" sagot ni Prince.

"Tol, san tayo magkikita?" tanong ni Patrick.

"Sa school na lang tayo magkita-kita." sagot ko.

"Sige tol. Text mo na lang ako 'pag nandun ka na. Medyo malelate lang ako ng konte." sagot ni Patrick.

"O sige tol. Dadaanan mo pa ba si Cassandra?" tanong ni Prince.

"Tatawagan ko muna siya tol. Baka mamaya magkasalisi kami." sagot ni Patrick.

" Ah ok sige." sagot ni Prince.

SA SCHOOL

Unang dumating sila France, Michael at Frenchesca. Sabay-sabay silang dumating dahil makapitbahay lang sila. Si Michael ay katabing bahay lang nila France at Frenchesca. Si France at Frenchesca naman ay magkapatid kaya sabay-sabay na silang dumating sa tagpuan nila.

5 minutes passed ay dumating naman sina Jeoffrey at Mica. Itong dalawa naman na to ay kambal. Sila ay identical twins. Babeng version ni Jeoffrey si Mica. Pero di siya kasing kulit nito. Pagdating na pagdating ng dalawa ay nag-ingay na agad itong si Jeoffrey. Siya kasi ang kalog sa grupo. Kabaliktaran naman ito ni Mica. Tahimik lang si Mica at medyo mahiyain. Medyo nerdy ang porma pero maganda.

"Woahhh! Tol! Ang aga nyo ah...Usapan 3am. Mukhang dito na kayo natulog ah. Excited lang mga Bro? haha.." Pangungulit ni Jeoffrey.

" Wahaha...Kadarating lang namin for your info." sagot naman ni Frenchesca.

"Hahaha. Wala pa ba yung iba? Ang tagal naman nila." inip na tanong ni Jeoffrey.

"Ikaw pala tong excited eh." asar na sagot ni Frenchesca.

"Ano ka ba mahal? (sabay yakap sa likod ni Frenchesca) Di naman sa ganon. Hehe. Pero pano mo nahulaan.? haha." pangungulit nya kay Mica.

"Tumigil ka nga jan! Nakakainis ka talaga!" sagot ni Frenchesca. Pero kinilig ng tawagin sayang mahal.

"Eto talagang si mahal oh. Tara nga dito." (sabay hatak kay Frenchesca at dahilan para mapaupo ito sa kandungan ni Jeoffrey.

" Tumigil ka nga!'"(sabay kurot sa hita ni Jeoffrey.)

"Nandyan si kuya oh."(sabay nguso sa kapatid nyang nasa gilid lang nila.)

Eto namang si Jeoffrey, sa sobrang kakulitan eh idinikit nya ang labi sa nakangusong labi ni Frenchesca.

"Jeoffrey!" saway ni Frenchesca.

At siya namang dating ni Prince.

"O mga repapips, kumusta naman? Nakatulog ba kayo ng maayos? tanong ng bagong dating na si Prince.

"Malamang Pre, hindi. Haha!! sagot ng pilosopong si Jeoffrey.

"Haha. Huwag ka mag-alala. Makakatulog ka din sa biyahe natin dahil mahaba-haba ang biyahe.

"Wait tol, nasaan na ba yang si Patrick?" tanong ni Jeoffrey.

"Parating na din siguro yun. Medyo male-late lang daw sya ng konti." sagot ni Prince.

"Malapit na kayang lumabas si haring araw. Usapm natin 3am. Talaga tong si Patrick oh..Tsk tsk." Sagot ni Jeoffrey.

"Tumigil ka nga sa kakareklamo mo dyan! Nakakairita ka na. Ang ingay-ingay mo! saway ni Frenchesca.

Bakasyon (UPDATING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon