Simpleng away lamang
Ngunit nauwi sa sakitan
Lubha ng nasugatan
Dahil isa na pala itong digmaan
Naitanong sa sarili..
Bakit hinayaan?
Galit na nauwi sa muhi
Pagnanais na tumabla sa labanan
Ngunit di nababatid
Habang nasasaktan
Di lamang siya ang..
Nasusugatan!
Kung titingin lamang sa paligid
Mababatid
Mga mahal sa buhay
Lugmok na sa lumbay
Sana'y matutunang gusot ay
Madadaan
Ng isang mabuting
Palinawagan
Upang wala ng
Masaktan
