PATAWAD
Simpleng salita na naglalaman ng pitong letra
PATAWAD
Isang salita na ilang daang beses ko ng binigkas
PATAWARIN MO AKO
Mga salitang ayaw mo ng marinig
PATAWARIN MO AKO
Mga salitang paulit ulit kong ipinaririnig
Ilang beses mo mang ipagtabuyan
Pilit pa ding bumabalik
Ilang ulit mo mang saktan
Hindi parin tinatablan
Hindi ako si superman
O isang superhuman
Alam ko lang na ako'y may kasalanan
Kaya dapat humingi ng kapatawaran
Dinggin mo sana o aking hirang
Mga salitang binitiwan
Na nilalaman
Ng aking puso at isipan
Mahal kita walang duda
Ngunit ako'y tao lamang at hindi isang santa
May pagkakataong ako'y magkakamali
Maaring bukas o mamayang gabi
Paulit ulit na parang batang makulit
Pagpasensyahan mo na lamang
Ang iyong iniibig
Ngunit isang bagay na malupit
Tanda ng aking tunay na pag ibig
Dito sa aking dibdib
Pangalan mo'y pina ukit
Kaya't patawarin mo na sana giliw
Ang iyong magiting na kabalyero
Di na muling uulit promise!
Joke lang bukas ulit!
