Dear Crush
Heto na naman ako
Nakatingin sayoBinabantayan bawat kilos mo
Nakatatlong candy Max na ako
Pang apat na sindi ng MarlboroNgunit di parin mawala-wala
Daga sa dibdib koSa tuwing ika'y lalapitan..
Tuhod ko'y nanginginig
Ako ay nanlalamig
Palad ko'y namamawis
At dila ko'y nauumidInuulan tuloy ng tukso
Ng mga kolokoy na barkada koTORPE daw ako!
Sabi ko..
Hindi naman masyado!Paano nga ba maipagtatapat?
Damdamin ko sayong matapat
Kung tumayo lang sa harapan mo'y
Tinatakasan na ng uliratAng totoo'y matagal ko ng ninanais
Na ika'y kausapin
Upang sayo'y maamin
Damdaming di na maililihimNakakatawa mang isipin
Tatlong taon ko ng hinihiling
Na puso mo'y mapasa akin
Na hindi na yata mangyayariKung palagi na ay natotorpe
Sa ganda mong nakakatoreteIsang paraan
Ang pumasok sa isipan ko
Upang
Maipagtapat ang damdamin koGagawan ko ng tula
Ang mahal ko...At ito'y iaalay ng buong puso sayo
Sa taong inspirasyon ng tulang ito.. Oy pards sana magkaroon ka na ng lakas ng loob na umamin kay crush hahaha! Mention mo na sya dito 😝 😂 😁