Kailan Pa?

62 3 0
                                    


Kailan pa?

Kailan pa naglaho ang damdaming inakala kong mananatili sa atin?
Kailan pa?
Kailan pa nagbago ang ihip ng hangin?
Kailan pa?
Kailan pa nagsimulang lumamig ang ating dating maiinit na titig?
Kailan pa?
Kailan pa nagsimulang tumibok ang puso natin sa iba?

Kailan nga ba?

Hindi ko na maalala..
Dahil nagsimula na ding maglaho ang ating masasayang alaala
Ang ating pag iibigan na nauwi sa hiwalayan
Sino ba ang may kasalanan? Wala ni isa sa atin ang may alam..

Kung kailan?

Kung kailan ang dating kasalukuyan ay naging nakaraan
Kung kailan ikaw ay nag paalam
Kung kailan ako nama'y lumisan
Kung kailan nagsimula nating tinahak ang ating magkahiwalay na daan

Bakit nga ba?

Bakit nga ba may pag ibig na hindi laan sa isat isa?
Nagsimula naman tayong dalawa ng masaya
Ikaw at ako nama'y seryoso
Pero hindi padin naging tayo hanggang sa dulo

Nakalulungkot..

Nakalulungkot alahanin ang ating mga masasayang pinagsamahan
Na nararapat ng kalimutan
Ang ating mga larawang dapat ng itago
May kurot man ito sa puso

Dahil ngayon..

Dahil ngayon hindi na ako ang dahilan ng kislap ng iyong mga mata
At hindi na ikaw ang nasa aking mga bisig...

Tama lang na tuldukan na...

ang huling pahina ng ating istorya .

POEM LOVERWhere stories live. Discover now