Murang isipan mga matang kababakasan ng kainosentihan
Tanging hangad ay laruang baril barilan
O makakain sa Jollibee kahit minsan lang
Palaging umaasam ngunit kailanman ay hindi mapagbigyanDala ng kahirapan kahit hindi dapat, kumakayod upang maging sapat
Pagkain sa hapagkainan na papawi panandalian sa kumakalam na tiyan
Tuwing umaga babangon ng maaga, hindi upang pumasok sa eskwela
Kundi upang magtinda ng sampaguita o mangalakal ng basuraMapapatingin sa isang pamilyang masaganang kumakain
Sa loob ng mamahaling kainan na madalas madaanan
Butil butil ang pawis sa dumi ay nanlilimahid
Ilang beses mapapalunok sa sobrang pagkatakam at pagodMadalas matigilan habang pinagmamasdan mga batang kaidaran
Malilinis ang kasuotan habang masayang naghahabulan patungong paaralan
Mapapayuko ng ulo hindi makatingin ng diretso
Sa kadahilanang.. Pilit ikinukubli munting panibugho sa pusoPangarap na makapag aral tulad ng ibang bata
Na kay ilap makamit, nawawalan na ng pag asa
Mithiing matutong sumulat at bumigkas ng mga letrang...
A BA KA DAA ...
Awit ng buhay sa panig niya'y kay lumbay
Ba..
Batang yagit na salat sa pamumuhay
Ka..
Kailanman ay hindi tumitigil mangarap
Da..
Dalangin nya sa maykapal...
Kumita ng maraming salapi upang makapag aralMarunong magpahalaga sa bawat butil ng kanin
At sa maliit na sentimong kikitain
Edukasyon ay kayamanan, batid ng isipan
Hindi malabong sa isang pagkakataon kung magkakaroon lamangMunting yagit ay lalabong tulad ng isang mayabong na puno
Huwag lamang madurog ng paulit ulit sa pagkabigo ang batang puso
Ngunit sino ba ang makatutulong sa kinakapos?
Kung wala man lang isang lilingon dito sa batang musmos