Alyana POV
" Ma please wag mo naman akong iwan "
pag susumamo ko kay mama. May brain cancer kasi siya at kahit ramdam kong iiwan niya na ako , hindi ko parin matanggap. Mahal na mahal ko siya, siya nalang ang meron ako at hindi ko na alam ang gagawin ko pag nawala siya.
"a-anak. Bago ako mawala may sasabihin sana ako tungkol sa tatay mo "
" Ma naman , saka niyo na yan sabihin pag magaling ka na. Pakatatag ka para sakin please. Please ma please "
" Jules Fuenteriano , tatandaan mo ang pangalan niya. Siya ang tatay mo at hanapin mo siya. Ipangako mong hahanapin at tatanggapin mo siya. M-mahalin mo siya anak gaya ng pagmamahal mo sakin. K-kasalanan ko naman talaga kung bakit d-di mo siya nakilala. Lumayo ako at hindi pinaalam sa kaniya ang tungkol sayo. Nasa lagayan ng damit. Nandun ang lahat ng t-tungkol sa kaniya.
H-hindi k-ko na kaya anak. Mangako ka pakiusap " pagsusumamo niya kahit mahina na. Tagaktak narin ang luha sa gilid ng mga mata niya." P-promise ma . Mahal na mahal kita ma "
"Babantayan kita palagi. Gagabayan kita. M-mahal na m-mahal ka ni mama Alyana . Mahal na mahal . Patawad " habang pahina ng pahina at boses niya at siya ring paglakas ng iyak ko.
Hanggang sa tuluyan ng ideneklarang wala na siyang buhay.
Masakit , hindi ko alam kung san ako magsisimula . Hindi ko alam kung pano hanapin ang tatay ko.
Sa ngayon ito nalang ang pinanghahawakan ko.Jules Fuenteriano , hahanapin kita pa.
------
Isang linggo bago nailibing si nanay. Salamat sa ibang mag anak namin dahil sila ang naging katulong ko sa pag aasikaso ng lamay at libing.
Hindi parin ako makapaniwalang wala na siya , na iniwan na niya ako.
Nararamdam ko na naman ang nangingilid na luha sa mata ko.
Agad kong naalala ang binilin ni mama. Nagtungo ako kaagad sa kwarto niya at hinanap ang bagay na tungkol daw sa tatay ko.
Ilang minuto akong naghanap hanggang sa makita ko ang isang maliit na kahon.
Ito na nga siguro yun.
At hindi nga ako nagkamali dahil nandun ang picture ng isang lalaking matipuno at mukhang mayaman. Siya ang tatay ko, tsk kamukha ko eh!
Meron ding isang maliit na papel at nakasulat ang sa tingin ko ay address niya.
Dito kaya talaga siya nakatira?
Pinagmasdan ko pa ang iba pang litrato na hindi naman ganun karami. Merong magkatabi sila ni nanay at mukhang masayang masaya.
Bakit kaya nangyari yun sa kanila. Ba't kaya iniwan niya si Papa?
At dahil wala naman akong sagot at walang sasagot sa tanong ko , naghanda nalang ako ng haponan.
Malungkot akong kumain mag isa.
Hindi ko parin mapigilang mapaluha pero iniisip ko nalang na atleast ngayon, hindi na siya naghihirap.pagkatapos kumain...
Naligo ako at saka natulog.-------
"Ito po ba ang bahay ni Jules Fuenteriano? " tanong ko sa isang mamang sa tingin ko ay guard.
" Sino po sila ? " tanong niya.
" Ako po si Alyana Estrada , gusto ko po sana siyang makausap . Pakisabi naman po anak ko ni Alnida Estrada "
" Pasensya na po ma'am pero hindi po kami sigurado sa inyo. "
Aba , mahirap bang gawin yun? parang kakausapin lang e.
" Please na Guard na pogi. Please? " nag puppy eyes pa ako. Sana naman effective. Hays.
" oh sige, maghintay ka diyan" sabay talikod.
Yes!
Ilang minuto ng paghihintay at dumating na ang guard kasabay ang isang medyo may edad na lalaki.
" Anong kailangan mo? " mautoridad niyang tanong. Nakakatakot tuloy.
" ah sabi po kasi sakin ni mama dito daw po nakatira ang papa ko, si Jules Fuenteriano " nanlaki ang mata niya sa pagkagulat. At agad naman itong napakunot ng nuo.
" Who's your mother? "
" Alnida Estrada po " magalang na sagot ko.
" Are you sure? "
" Yes or No? Yes! " masiglang sagot ko.
" sir Anak niyo po? magkamukha nga kayo sir " singit ni mamang guard.
" Let's talk about it inside. Let her in" sabay talikod.
Sumunod naman ako sa kaniya. Ganun nalang ang pagka mangha ko pagpasok.
Ang ganda. Napakamahalin ng mga gamit. Nakakatakot tuloy gumalaw baka may mabasag.
"Take a sit"
Nasa tingin ko ay sala kami ngayon.
Manghang mangha parin talaga ako sa ganda ng bahay." Thank you po sir , ikaw po pala si Jules Fuenteriano . Nice meeting you po papa " masaya ako, oo tama ang saya ko. Naiiyak ako sa saya dahil nakilala ko na siya. Ang tagal ko ring pinangarap magka ama.
" Paano nangyaring may anak ako kay Dina?, Bakit ikaw lang ang nandito ngayon? asan siya? " takang tanong niya.
" Hinay hinay naman po , Hehe lakas kasi maka miss universe ng tanong niyo. "
" Just spell it"
" Namatay na po si mama Dalawang linggo na ang nakakaraan because of Brain Canser. Saka ko lang po nalaman ang pangalan niyo at san kayo nakatira. Sabi ni mama iniwan ka daw niya at di pinaalam sa inyo na buntis siya. Kilala ko po si mama , i know there's a big reason kung bat niya din nagawa yun " pinilit kong maging normal ang boses kahit na medyo nangingig ako kasi nakatitig siya sakin na naka kunot nuo.
" Kung ganun, wala na siya? " hindi ko alam pero may nakita akong lungkot sa mata niya.
" opo, kaya po kita hinanap kasi yun po yung huling habilin niya "
" Hindi na ako magtataka , she's my girlfriend before and hindi ko na kailangan ng DNA test kasi nakikita ko ang sarili kong mukha sa iyo nung kabataan ko in girl version. Medyo mas maganda nga lang. Mula ngayon dito kana titira anak "
Walang paglagyan ang saya ko ng marinig kong tinawag niya akong anak. Hindi na ako nag atubili .Lumapit ako sa kaniya at mahigpit na yumakap. Di ko rin mapigilan ang umiyak. Masaya ako, masayang masaya.
♤♡♢♧
End of Chapter 1
YOU ARE READING
My Four Unreal Brothers
RomanceNamatay ang mama ni Alyana matapos din ang ilang taong pag-aalaga niya dito dahil sa canser. Pero bago paman mawalan ng huling hininga , pinaalam nito ang kinaroroonan ng totoo nitong ama. Napadpad siya sa isang mansyon at nakilala ang amang di niy...