Chapter 2.

2 0 0
                                    

Marami pa kaming napagkwentohan . Nalaman kong may apat siyang anak. Mga inampon niya nga lang sa iba't ibang rason at pagkakataon.

Mas matanda daw sila kaysa sakin bukod sa isa na 17 years old pa. At lahat sila lalaki kaya kinabahan ako.

Malugod niya akong tinanggap. Akala ko mahihirapan ako pero sobrang thankful ko sa lakas ng genes ni papa dahil di siya nagduda na anak niya ako.

" So nag-aaral ka pa ba? " tanong niya.

" 2 years ago po nung mag graduate ako ng high school. 2 years pong nagkasakit si mama at ako lang po ang kasama niya kaya napagpasyahan kong huminto para alagaan siya at magtrabaho para sa aming dalawa "

" at a young age ? nagtrabaho ka? I'm sorry anak kung di ko nagawa ang responsibilidad ko ."  seryusong sabi niya.

" Ano ka ba pa . Haha. di mo kasalanan , siguro meron ka ngang kasalanan  kayo ni nanay pero past is past. Itutuloy ko nalang po yun sa susunod "

ngumiti siya at tumango.

" Mabuti nalang at napalaki kang mabuting tao ni Dani. Masaya akong malaman na may anak akong totoo "

" Masaya po akong nagka papa na po ako. "

Ngumiti siya at syempre nagyakapan ulit kami.

" What going on here? " tanong ng isang boses ng lalaki .
Napalingon ako at parang nalaglag ang panga ko sa nakita.

Ang gwapo niya.

Hindi, kulang ang salitang gwapo para sa kaniya.

" Oh Dylan , andyan kana pala. Asan ang tatlo? " tanong ni papa.

Hindi pa siya nakakasagot ng may pumasok na tatlong----

Tatlong ang gwagwapo na lalaki. Nagtatawanan sila pero agad silang napatigil ng tignan nila ang direksyon ko.

" Tamang tama , let's have dinner. I have something to announce "

Nagbigay agad sila ng curious-look.

Tinignan ko ulit silang apat at dun ko napagtantong ang gwagwapo ng mga kapatid ko.

Dining Table.

"So, who is she dad? " tanong ng lalaking naka medyo light blue na long sleeve .

" Dylan, France , Dale , Archi. I want you to meet Alyana. My Daughter"

napatigil sila sa sinabi ni papa.
Napatingin silang kahat sakin at ako naman tong nakaramdam agad ng hiya.

" I'm Archi , pinakabunso sa amin. Pwede bang malaman kung ilang taon ka na? Adopted ka rin ba gaya namin? " tanong sakin ng isa . Gwapo pero mukhang abnormal sa messy hair niya.

" Hindi ko siya adopted mga anak. "

Lalo silang nagulat sa sinabi ni papa. Hindi ko na rin alam kung ano pa ang sasabihin ko. Nahihiya ako sa kanila.

" How come? " tanong nang medyu pinaka maputi sa kanila na sa tingin ko ay pangalawa sa pinakamatanda sa kanila, si France.

uminom muna si papa ng juice bago nagsalita.

" It's been 18 years nung naghiwalay kami ni Dani , mama ni Alyana.
Nahuli niya kasi akong may kasamang ibang babae. Yeah , i admit kasalanan ko kasi nagtaksil ako. Pero simula nang mawala siya di na ako nagmahal ulit. Kaya masaya ako na may anak pala ako sa kaniya "

*katahimikan*

"so do you mean dad, kapatid namin siya? 18 years old na ba siya? so ate ko pala siya " masayang sabi ni Archi.

" Ah eh-ih oh uh? " -ako

"Tsk" napatingin ako bigla kay Dylan.

Natapos kaming mag usap usap. Napagkasunduan din namin na pag aaralin niya ako , pambawi daw .

Pagkatapos ng haponan....

" Anak, dalawa ang guestroom dito. Dun ka muna sa isa. Bukas na bukas din ipapaayos ko yun para maging sarili mo nang kwarto "

Nakasunod lang ako sa kaniya paakyat.
Manghang mangha parin talaga ako sa mga gamit dito. Ayukong maglikot!

Huminto kami sa harap ng isang pinto at binuksan yun ni papa.

Laglag ang panga ko dahil sa pagka surprice.

Ang ganda kahit guest room.

"magpahinga kana, Goodnight princess " nakangiting paalam ni papa.

" Goodnight po pa. Salamat po " saka ko siya niyakap.

Ganito pala ang feeling ng merong ama. Ang saya. Pero medyo malungkot parin kasi may papa na nga ako pero si mama naman ang wala.

Pumasok lang ako sa kwarto. Isa-isang tinignan ang mga gamit.

Napakaganda talaga....

Matapos mag tingin tingin , naligo  nalang din ako at saka natulog.

-------

Naalimpungatan ako bigla ng maka ramdam ako ng uhaw.

alas 2 pa.

Bumaba ako at saka naglakad papuntang kusina. Madilim pero may maliit parin namang liwanag.

Binuksan ko ang ref at saka kumuha ng tubig sa pitchel at uminom.

" Bakit gising ka pa? "

muntik ko nang mabitawan ang baso ko dahil sa pagka gulat. Ang husky naman kasi ng boses.

Lumingon ako sa kaniya.

ito yung Dylan. Wait, half naked siya.
Oh my virgin eyes .
Napatingin ako sa abs niya.
Feeling ko kailangan ko pa ng mas maraming malamig na tubig. Ang init na hooo.

" Enjoying the view huh! "

at saka pa ako nakabalik sa reality...

Naku napansin niya atang napagnanasaan na siya.

" Ah eh ih' hehe nauhaw lang ako . Sige balik na ako ha? "

Di ko na siya pinagsalita at nilapag ko ang baso sa lamesa saka kumaripas ng takbo papuntang kwarto.

Grabe , hindi ako sanay sa ganito. Nakakaloka. Makakita ba naman ako ng naka topless , sobra pa ang abs. Anim kasi dapat yun dba? 8 kasi kaniya. Shiiit!!

Ano ba Alyana.

erase

erase

erase.

wag kang manyak. Kapatid mo yan .

"Tama kapatid ko siya "

Di na ako ulit nakatulog sa kakaisip.
First time ko talaga kasi makakita ng lalaking nakahubad.
Babae nga kasi si mama dba?
Well , sa picture or magazine ko lang talaga nakita yun pero yung live as in live na live ko talagang makita?
Feeling ko sasabog na ang ulo ko dahil sa pag akyatan ng dugo.

------

Nang magliwanag , nagpasiya nalang akong bumangon. Humarap ako sa salamin at hindi ako nagkamali dahil mukha akong timang sa itsura ko.
Naligo nalang ako saka bumaba.

"Good morning princess " bati ni papa. Lumapit ako sa kaniya saka ko siya hinalikan sa chicks.

"Good morning po pa. Good morning mga kapatid " masayang bati ko naman sa tatlong adonis.

" good morning ate Yana " - si Archi

" Good morning Yana" -si france at Dale.

Ilang segundo pa at sumuko narin ako sa paghintay na bumati din si Dylan.
Oo. Psh. sungit!

♤♡♢♧

End of Chapter 2

My Four Unreal BrothersWhere stories live. Discover now