Tatlong linggo na ang nakakalipas nang mapadpad ako rito.Nasa dining area kami ngayon at nag brebreakfast.
" Until now i still can't believed that i really have a daughter " masayang basag ni papa sa katahimikan.
"Masaya po ako" Hihi. feeling close lang!
" Haha by the way Alyana ? When is your birthday? "
Oh. Oo nga pala. Next month na yun!
" Second week of May po pa , 12"
" So next month? 2weeks left! Ano ba gusto mo sa birthday mo? "
napatigil ako. it's my 19th birthday. Di ako nakapag handa nung 18 ko kasi kailangan namin ang pera para sa gamot ni mama. First time ko lang naman nun di nakapaghanda.
" Ah eh. Kahit ano po , kahit yung makasama lang po kayo "
" No. I will make a big party for you. I will also announce about you . " nakangiting sabi niya.
Napangiti nalang ako at tumango.
Samantalang ang apat ay may kanya kanya ding mundo.
"Aalis nga pala ako bukas. Kailangan kong pumunta sa Gensan for some business matters, 1week din akong mawawala . So kayong apat " napalingon naman silang apat.
"I want you to take care of our princess. " dagdag niya pa." Don't worry dad. Ako na bahala kay ate " -Archie
" Good, how about you three ? "
"Okay" -silang tatlo.
Bakit ramdam ko, mabigat ang presensya nila sakin? May kasalan ba ako ? huhu. ayuko nito.
------
At dahil wala akong alam gawin ngayon. Ito ako, tambay!
Nandito ako ngayon sa pool at niluloblob ang paa sa tubig.Hindi ako sanay ng walang ginagawa, parang kailan lang ako ang nagaalaga kay mama.
Miss ko na talaga siya :(
" Ate Yana " sigaw ni Archie.
" Oh Archie? ano atin? "
Umupo siya sa tabi ko at ginaya ang pag lublob ko ng paa sa tubig.
" Ang ganda mo po, kamukha mo talaga si daddy" napangiti ako sa sinabi niya.
" Di ko nga alam na magiging madali pala sakin ang paghahanap sa kaniya. Mahal talaga ako ni mama kasi di niya ako pinahirapan "
Nandun ulit yung sakit ng pagkawala niya.
" Ate ayus ka lang? " pagaalalang tanong niya.
" Ah oo ayus lang, m-may naalala lang" ngumiti ako sa kaniya.
" Mama mo? " tumango ako at tipid na ngumiti.
" Alam mo ate, napaka swerte po namin kay daddy, kahit di namin siya tunay na kadugo, mahal niya kami "
Buti pa sila naramdam yon, pero kailangan ko ng kalimutan ang nuon kasi may papa na ako ngayon.
" Talaga? Uhm. Paano ba kayo nagkakilala? "
" Actually, sa isang orphanage niya kami nakilala. He was a very nice man. I was just 7 years old by that time. Magkaibigan kaming apat pero syempre nagtatawagan din ng kuya based sa age namin. Yun kasi turo sa amin , dapat magalang " nakangiting paliwanag niya at tumango ako.
Pinagpatuloy niya lang ang pagkekwento.
" Napunta ako dun kasi iniwan ako ng nanay ko simula ng baby pa ako, si kuya France naman namatay ang parents niya at walang kahit na sino ang kumopkop sa kaniya kaya siya napunta sa ampunan, si kuya Dale naman natagpuan lang sa basurahan when he was a baby at si kuya Dylan--- "
medyo natigilan siya.
" it's ok kung di ko na malaman ang tungkol sa kaniya kung nag aalinlangan ka " Nakangiting sabi ko sa kaniya.
" He hate girls "
Napatingin ako sa kaniya. Bat yun ang sinabi niya? anong connect?
" Hmm? "
" He was 7 years old nung iniwan siya ng mama niya dun. Kinamuhian niya ang mama niya dahil sa ginawa niya. Kahit mga madre at ilang staff sa ampunan ay hindi niya pinapansin , lalo na kapag babae.
Ang alam niya . Ayaw niya sa babae dahil sa ginawa ng mama niya. "" Ganun? "
" But it was changed when he met Andrea, his first girlfriend. "
" so di na siya galit sa girls ngayon? "
Umiling siya kaya napakunot-noo ako.
" niloko niya si kuya " tipid na ngiting ani niya.
" Bakit? "
" nalaman ni kuya na merong 2years boyfriend si Andrea. Kaya yun, mas naging galit siya sa mga babae. Kaya wag kanang magtaka kung di ka niya papansinin or kaya cold siya or masungit sayo. Actually siya lang dapat ang aampunin ni dad. Pero dahil naging matalik niya kaming kaibigan at ayaw niyang malayo kami sa kaniya sinabi niyang hindi siya sasama nang hindi kami magkasamang apat. Akala ko nga magagalit si daddy pero hindi kasi mas natuwa pa siya at pinagbigyan niya si kuya Dylan ng walang pag aalinlangan "
Nag nood lang ako saka tipid na ngumiti. Ganyan pala siya. Mabuti naman at meron akong kahit maliit na alam tungkol sa kanila.
Natuwa ako at kinwentohan ako ni Archie tungkol sa mga ito. Feeling ko tuloy welcome na welcome talaga ako.
" Tanggap mo ba ako? " biglaag tanong ko.
Ngumiti siya bago sumagot
"Bakit naman hindi? Masaya ako na meron kaming babae dito. ""Masaya ako na marami akong kapatid" yun lang ang naging tugon ko bago humarap ulit sa paa ko.
Marami pa kaming napag usapan.
Kasama na dun ay yung mga tungkol kay mama. Masaya ako na open siya sakin kahit kakakilala palang namin .Pagkatapos namin mag usap , nagpaalam narin si Archie para mupasok ng kwarto niya . Samatalang pumunta naman ako sa kusina para kumuha ng tubig.
Nadatnan ko si Dylan na nakaupo sa may Dining Table at may hawak na cellphone.
Ang gwapo talaga niya. Curious tuloy ako kung ano kaya ang itsura ng mga magulang niya at naging ganito nalang siya ka gwapo.
" stop starring , its annoying" sabi niya na ikibigla ko. nakatingin parin siya sa cellphone.
alien batong isang to? Pano niya nalaman yun?
"Ah e-eh hehe sorry " di siya nagsalita kaya pinagpatuloy ko nalang ang pag inum at hinugasan ang ginamit kong baso bago umakyat papuntang kwarto.
Naayus na ang kwarto ko .
Mas naging pambabae ang istura. Maraming make-ups, sapatos , bags at damit. Hindi ko naman hiningi lahat to pero masaya ako . Para akong prinsesa.Pero mas masaya sana ako kung kasama ko si mama sa ganitong klaseng buhay.
Napatingala ako para pigilan ang nagbabadyang luha ko.
Ayuko ko na munang magdrama. Masaya na dapat ako.
Tama. Masaya ako!♤♡♢♧
End of Chapter 3
![](https://img.wattpad.com/cover/137376350-288-k688412.jpg)
YOU ARE READING
My Four Unreal Brothers
RomanceNamatay ang mama ni Alyana matapos din ang ilang taong pag-aalaga niya dito dahil sa canser. Pero bago paman mawalan ng huling hininga , pinaalam nito ang kinaroroonan ng totoo nitong ama. Napadpad siya sa isang mansyon at nakilala ang amang di niy...