CH. 14 : love and jealousy part 1

623 17 4
                                    

BESTFRIEND: "the one you can get mad at only for a short period because you have important stuff to tell them."

Lianne :)

Anong meron bakit kaya hindi sumabay sa akin si Erinn pumasok ngayon? Pinauna nya kasi ako ngayon pumasok baka malate daw siya ng kaunti. Ang lungkot tuloy ihahatid na sana ako sa school ni kuya kaso sabi ko maglalakad na lang ako. Mamimiss ko lang kasi sya pag nagpahatid pa ako. Ayokong pumasok sa school na umiiyak.

"Madadapa ka nyan kung di ka titingin sa daanan." sabi nung sumabay sa akin. Naglalakad kasi ako ng nakayuko.

"Tss. Concern ka." sabi ko kay Kevin na mukang papasok na rin sa MSU.

"Hahah! Oo naman at dahil concern ako ihahatid kita."

"talaga? Bakit naman? Namiss mo ako noh!" sabi ko sakanya tapos tinusok tusok ko yung tagiliran nya.

"Tch! Tigilan mo nga ko. Di ba kila  Erinn ako kumain kagabi ayun nabanggit nya na baka malate daw sya ng kaunti. Kaya sabayan daw kita."

"Eh? Kaya ko naman! Bahala ka nga." inunahan ko naman sya maglakad kaso naabutan nya pa rin ako.

"Oo na. Namiss na kita! Nagtampo ka naman agad. Hehe! Pati yung ibang kaibigan natin sa MSU miss ka na rin."

"Oh? Kamusta naman sila Amie? si Janelle?  si Sandy? Miss ko na rin sila sabihin mo ah!" 

tapos lumapit ako kay Kevin sinabit ko yung braso ko sa braso nya. Close kami nito lagi kaming partner sa kalokohan. Madalas ko rin kaaway at kaasaran.

"Osige pati pala si HANS miss ka na rin." halatang idiniin nya yung pangalan ni Hans. Tiningnan ko siya ng masama tapos nginitian nya pa ako ng todo. Halata naman na inaasar nya ako.

"Hahaha! Panget mo! Joke lang yun! Pero minsan kasi napag-usapan ka namin."

Close kami dati ni Hans as in super close. Kaso niligawan niya ako. Hindi ko siya gusto para lang kaming magkapatid tapos simula nung sinabi ko na di nya ako pwede ligawan. Nag-iwasan na kami pero madalas pa rin siya mag-iwan ng kung ano ano sa locker ko. Akala nya di ko alam na siya yung naglalagay ng mga stuff toy, flowers, cookies sa locker ko noon kaso one time nahuli ko siya.

"Buset ka talaga. O ayan na yung school ko. Lumiko ka dyan may shortcut dyan sa likod nun MSU na." sabi ko kay Kevin habang tinuturo ko yung likuan tapos inaalis ko na yung kamay ko sa braso nya.

Hinila nya ulit yung kamay ko tapos nilagay niya ulit sa braso niya. "Gusto mo ata akong bugbugin ni Erinn eh. Ihatid ka nga daw di ba? Ibig sabihin sa gate. Halika na nga."

Naglakad pa kami ng konti actually mga 20 steps na lang school ko na. Masyado lang OA tongf si Kevin namiss nya lang ako ayaw pa kasing umamin.

"Lianne?"

"Ui! mikz! Andyan ka pala! Hehe!" bati ko kay Miko na nakatayo dun sa may gilid ng gate ng school mukang may hinihintay.

Tiningnan niya lang yung kamay ko na nakasabit dun sa braso ni Kevin tapos tumingin ulit sa akin at kumunot ang noo.

"Ay! Oo nga pala. Kevin si Miko bestfriend ko. Miko si Kevin kulit taga MSU siya." pakilala ko sa kanilang dalawa.

"Nice to meet you dre" inabot ni Kevin yung kamay niya ka Miko. Tinanggap naman ni Miko.

Sungit Meets Kulit (Patiently Waiting)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon