CH. 16 : Flowers and Appreciation

615 13 2
                                    

A/N:

Hello! Gulat kayo? Hahahaha! Tama! Mag-uupdate ako ngayon? Bakit? Kasi umuulan at sinisipag ako :) malapit na ang aming term exam kaya magiging busy nanaman. Salamat ng marami sa mga sumusuporta sa mga story ko kahit napaka tagal kong mag-update hehehe!

Dedicated to ReinSimangan kasi natuwa ata siya sa story ko na ito. Hello sayo! next time na lang yung soft copy :)

vote.comment pagkatapos basahin.

Enjoy reading :)

Erinn :)

Nababaliw na ako. Ako na talaga! Buti na lang walang pasok. Dito na lang ako sa bahay! At least makakapag isip isip ako. Hayyy!! Uuwi na si Oliver tapos sasabihin ni Nigel sa akin na manliligaw siya? Nanloloko ba sila? Hindi ko alam naiinis kasi ako napapalapit ako kay Nigel. Ang galing niya. Siya lang yung tao na kayang kaya pagsabaysabay yung emosyon ko. Inis,galit,tuwa,kilig. Teka? KILIG ba yung sinabi ko?

Ahhhh! Shet! Oo na. Nakakakilig naman kasi yung ginawa niya talaga kahapon. Speechless tuloy ako. Sabi niya ngayon na daw siya mag-uumpisa manligaw. Wala naman daw akong magagawa kasi yun ang gusto niya. Hinatid niya pa nga ako at nagpaalam pa kila mommy at daddy na manliligaw siya sa akin.

*tok.tok*

May kumakatok. Obvious, Syempre kelengan ko tumayo kasi ako magbubukas nung pinto. Wala naman yung mommy at daddy ko kasi may pinuntahan sila na hindi ko alam kung saan. 9Am pa lang kaya sigurado si Lianne andun pa sa bahay nila tulog. Pupunta namna yun dito mamaya para samahan ako.

*buksan ang pinto*

"Goodmorning ma'am dito po ba nakatira si Ms. Frances Franco?" tanong nung delivery boy na may hawak na isang bouquet na white roses.

"Ako yun. Bakit?" 

"Pakireceive na lang po ma'am" sabi niya sa akin tapos inabot yung bulaklak. Tsaka yung papel na pinapapapirmahan.

Pinirmahan ko yun tapos umalis na yung delivery boy. Pumasok naman ako sa bahay.

Teka?! Kanino galing to?! Hindi ko naitanong! Ano ba yan! 

*BLAG! BLAG BLAG!*

"Erinn! Bes! Buksan mo tong pinto! Wag kang magpakamatay! Pag usapan natin to papasukin mo ako!"

Tumakbo naman agad ako dun sa pinto at binuksan kaagad yun.

"OA mo teh! Mamaya marinig ka ng kapitbahay!"

"Ok lang yun para mataranta ka. Ayoko nga ng naghihintay di ba?"

"Hahaha! Ewan ko sayo! Luto ka na ng breakfast natin. Gutom na ako." sabi ko sakanya habang nakaturo dun sa kitchen namin.

"Wag na! Magdadala daw si kuya Justine ng pagkain dito." sagot niya tapos umupo dun sa sofa.

"Umuwi siya?" tanong ko tapos naglakad papunta dun sa kitchen. Ilalagay ko sana kasi sa vase yung flowers.

"Oo. Weekend eh. Namimiss niya daw tayo!" sagot niya tapos tumingin sa akin. "Ohlala! Wow! Ang ganda bes! Kanino nanggaling?

"Di ko nga alam eh. Pero sure ako na para sa akin yan. Ako yung hinahanap kanina ng delivery boy eh."

"Hala! Tingnan mo kaya yung card para malaman mo."

"Oo nga noh? May card pala. Hahahah! Di ko napansin kanina eh." kinuha ko yung card tapos binasa ko ng malas para marinig ni bes.

- It takes a minute to have a crush on someone, an hour to like someone and a day to love someone - but it takes a lifetime to forget someone. Please wait for me.

"Yan lang yung nakalagay bes. Wala naman pangalan."

"Baka kay Nigel galing yan?" sagot naman niya.

"Bakit may wait for me?" tanong ko naman.

"Kasi pupunta siya dito?"

Hindi ko siya sinagot. Kinuha ko yung cellphone ko tapos tinawagan ko si Nigel. Isang ring pa lang sinagot na kaagad. Tss.

[Hello? Frances]

"Hello ka diyan! Sayo ba galing yung flowes ha?"

[Ha?Ano di kita masyado marinig.]

"Highschool ka pa lang di ba? tapos nagsasayang ka ng pera magpadala lang bulaklak. Kung manliligaw ka effort kelangan ko!"

[Ah. yung bulaklak ba?]

"Oo! Kaya wag kang pupunta dito! Busy ako!"

[Malapit na kasi ako Frances tsaka wala akong pinapadalang bulaklak]

"Ha?" sagot ko na parang napahiya. "sige bye."

"Grabe bes. Di ka man lang nag thank you dun sa tao binulyaw bulyawan mo pa."

"Hindi daw sakanya galing eh."

"Hahahaha! Joke ko lang naman kasi yung kanina. Feeling ko kasi kay Oliver galing yan."

"Waaaah! Nakakahiya! Bakit di mo sinabi agad?" sabi ko sakanya. Tapos lumapit ako sakanya at inambaan ng kiliti.

"Surprise! Nandito na ako!" biglang sabi naman ni Kuya Justine na kakapasok lang.

"Yess! Gutom na ako!" takbo kaagad naman ni Bes dun sa kuya niya.

Tss. Nakakainggit naman sana may kapatid rin ako. Bakit kasi ang tipid nila mommy mag-anak eh! >___<

"May kasama pala ako. Nakalimutan ko." sabi naman ni Kuya Justin na lumabas ulit ng bahay.

***

"Bakit ka nandito?" tanong ko kay Nigel na kapapasok lang sa bahay namin kasama ni kuya Justin

"Syempre. Nanliligaw ako sayo."

"Bakit pumayag na ba ako?" tanong ko ulit saknya,

"Tinanong ba kita? Di ba sabi ko sa ayaw at gusto mo? Ikaw talaga Frances!" sagot naman niya sa akin

"Psh! Ewan! Bes! Abot mo nga yung fries!"

"Kanino galing yung flowers?" biglang tanong ni kuya Justin

"Kay papa Oliver ni Erinn." sagot ni Bes. "Kaya Nigel bilis bilisan mo na." sabay tawa baliw talaga.

"Bakit ba masyadong big deal yang flowes na yan! Hindi ko kailangan niyan. Effort ang kailangan ko! Bakit hindi na lang siya bumalik dito" biglang biglang sigaw ko naman.

Ewan ko. Mas lalo ata akong nainis nung naisip ko pwedeng kay Oliver galing yun. Ayan nanaman kasi siya. Papaasa.Ako naman hihintay hintay. Di ba niya alam na mas nasasaktan ako? Nahihirapan ako na isipin na sa loob ng dalawang taon hindi niya pa rin tinutupad yung pangako niya.

"Sorry akala ko kasi ma-aappreciate mo. Di ko naman binili yan eh. Pinitas ko lang dun sa garden namin. Sige una na ako. Sorry nasira ko umaga mo."

Parang nabingi ako dun sa sinabi ni Nigel. Hindi ko man lang naappreciate. Naging MEAN ako masyado. Nakatingin lang ako dun sa pinto namin na nilabasan niya. For the first time,sigurado ako na nasaktan ko siya sa sinabi ko.

-Lej

Sungit Meets Kulit (Patiently Waiting)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon