CH. 19 : The Date

541 14 0
                                    

A/N:

Napakatagal kong mag-update pasensya na busy talaga. Pero promise sa sembreak araw araw may update eto na!

The date :)

Erinn :)

"10 cartolina red, 10 cartolina white, 10 cartolina blue, colors, oil pastel, water color, glue," isa isa kong hinaylight yung mga nakuha na ni Nigel.Nandito kami sa isang department store sa isang mall. Dahil ako nga ang secretary ng mokong na to. Ako nagchecheck ng mga kailangan naming bilhin.

“Frances, pagkatapos nito yung date natin ha?” sabi nya sa akin habang kinakalabit ako.

“Anong date? Sinasabi mo dyan?! Wala tayong uspan noh?” sagot ko naman sakanya.

“Anong wala?! Ah! Basta magdedate tayo sa ayaw at gusto mo.”

“Asa ka men!hahahaha! Oh kunin mo na lahat yan ng makabalik na tayo sa school.”

“Hindi iiwanan natin yan! Babalikan na lang natin pagkatapos ng date!” sabay hila sa akin at binilin nya sa counter yung maga pinamili namin.

“Oi! Saan tayo pupunta!” tanong ko habang hinihila nya ako.

“Di ba sabi ko nga sayo Frances magdedate tayo. Planado na ang lahat ng to.”

“Bakit pumayag ba ako ha?! tsaka wag mo nga akong kaladkarin!”

“Hindi mo naman kelangan pumayag dahil alam kong gusto mo rin.” sabi nya habang naka smirk.

After 30 minutes

“Hoy! Ano ba?! Ang sakit na ng paa ko ah! Saan ba tayo pupunta?! Akala ko ba planado mo na ang date na to?” sigaw ko sakanya

Naiinis ako kay Nigel kanina pa kami lakad ng lakad. Hindi nya naman na ako kinakladkad pero hawak nya pa rin yung kamay ko.

“Yes! Di ka kasi nagsasalita kaya akala ko ayaw mo talaga makipagdate since pumayag ka na. Umpisahan na natin.”

AKO---> ?___?

“Kelan ako pumayag?” tanong ko sa kanya.

“Tara na!” sabi nya sabay hila sa akin

Pumasok kami sa ice cream parlor. Waaaaah! namiss ko ng kumain ng ice cream. Hindi na kasi kami nakakalabas ni Lianne tsaka si Miko palagi kasama nya.

"Ano gusto mong flavor?" tanong sa akin ni Nigel

"cookies and cream tsaka strawberry" ^___^  sagot ko sakanya. "Upo na ako ah. Sakit na ng paa ko." dagdag ko pa.

"Sige, Antayin mo ako." ^___^ sabi nya na nakangiti sa akin.

Ako ?____? " Bitawan mo na yung kamay ko." sabi ko sakanya. Hawak nya pa rin kasi yung kamay ko.

 "Hahahahah! Sorry! Naenjoy ko eh. Sige upo ka na. ako na lang oorder."sabi nya.

Umupo ako dun sa may malapit na glass window. Pinapanuod ko yung mga nalalakad na tao.

Nagulat ako dun sa nasaksihan kong eksena ng isang couple. Ang ganda nung babae mukhang dyosa kaso umiiyak siya. Yung lalaki mukang pinipilt na makipag usap sakanya. May tinanggal yung babae sa kamay nya tapos binato dun sa lalaki. Singsing ata. Biglang lumapit yung lalaki dun sa babae at niyakap nya. Kaso sinampal sya nung babae at tumakbo palyo.

"Frances, Eto naaaa~" napalingon ako kay Nigel na kadarating lang habang binababa yung ice cream and cake dun sa table namin.

"Bakit tulala ka dyan." tanong nya. Tapos tinuro ko naman yung lalaki na nakasalampak na ngayon at nakayuko.

"Ikaw ba nagpaiyak dun?" tanong nya.

"Baliw! Di ko nga kilala yan eh!" sabi ko tsaka ko kinuha yung strawberry na ice cream.

****

Madami kaming ginawa ni Nigel. Nanood ng sine, kumain, naglaro sa arcade, kumain ulit tapos nagkwentuhan nung napagod na. Sa totoo lang nag-enjoy talaga ako. Tawa ako ng tawa dahil puro kalokohan ang ginagawa simula pa kanina.

Binilhan nya pa ako ng stuff toy. Thank you gift daw dahil pumayag akong makipagdate kahit hindi naman.

Naglalakad na kami palabas ng mall. Hawak hawak ko yung stuff toy na bigay nya tapos sya naman dala nya yung mga pinamili namin sa department store kanina.

"Dito ka lang ha. Tatawag lang ako ng taxi para di ka na maglakad" sabi nya. Natutuwa naman ako kasi gentlwman naman pala talaga tong mokong na to. 

"Sige, Bilisan mo ah." sabi ko naman. tapos umalis na sya.

Habang naghihintay nakakarinig ako ng humihikbi na babae. Holo! Natatakot ako! Baka may multo dito. 

Teka! Maraming tao tsaka may araw pa tapos multo? Lumingon lingon ako Nakita ko yung babaeng dyosa kanina na sinampal yung boyfriend nya. Umiiyak pa rin sya hanggang ngayon.

Kinuha ko yung panyo ko sa bag ko tapos lumapit ako sa kanya at inabot yung panyo.

"Miss, are you okay?" heheh! Napapa english ako dahil muka syang korean baka di ako maintindihan.

"Thank you... magiging ok din ako." sabi nya na mahinang mahina habang nakayuko.

Nginitian ko lang siya tsaka ako tumango. "Wag ka ng umiyak ang ganda mo pa naman." sabi ko

"Salamat." pinunasan nya yung luha nya tapos ngumiti ng konti.

"Ako nga pala si Erinn" sabi ko.

"Lorraine here." sabi nya. Ang ganda ng pangalan niya. Pang dyosa, Narinig ko na yun dati di ko lang marinig kung saan.

"Frances!" nilingon ko yung tumawag sa akin. Si Nigel mukhang kababalik lang.

"Nigel, Lika!"  tawag ko naman sa kanya

Papalapit na sana siya sa akin kaso bigla siyang huminto. Nawala yung mga ngitin sa labi nya tapos parang nag-iba yung aura nya.

Umiling lang sya sa akin. "Nandyan na yung taxi. Sunod ka na lang" sabi nya tapos tumalikod na at naglakad ng mabilis.

Tiningnan ko si Lorraine mukang gulat na gulat siya.

"Lorraine, una na ako ah? Inaantay na kasi ako ng kasama ko."  sabi ko sa kanya.

Tumango lang siya ng marahan tapos yumuko na ulit.

TBC

vote, comment, recommend,like

Be a fan!

-LEJ

Sungit Meets Kulit (Patiently Waiting)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon