CH. 18 : Escape for a Date ♥

548 11 6
                                    

A/N:

Wahahahahaha! Ayan mag-uupdate ako ngayon at bukas… Bakit? Kasi inspired ako. Ayun eh!

Sige Enjoy reading ..

Erinn :)

Hay! Buhay! Monday na ngayon. Bakit ba ang bilis ng araw? Mabilis ba ang araw dahil may hinihintay akong dumating? Grabe!

“Erinn!” nilingon ko yung tumawag sa akin si Bims tumatakbo.

“Oh! Bims? Bakit ka ba tumatakbo?”

“Kanina pa kaya kita tinatawag. Hindi mo ako pinapansin. May malalim ka atang iniisip eh!”

“Ay ganun ba? Sorry naman. Hahahah! An gaga mo ata ngayon? Lagi kang later dati ah.” Sabi ko naman sakanya.

Actually kasabay ko si Lianne. Nauna lang siya sa akin pumunta sa room dahil may kinuha pa ako sa locker ko.

“Ah—ksi—ano?—a” utal utal na sagot ni Bims. Wahahaha! Alam ko kung bakit nagkakaganyan yan.

“Kasi hinatid ka ni Kevin? Nakoo! Iba nay an. Mukang future pinsan kita.” Bigla naman siyang namula dun sa sinabi ko.

“Uy! Hindi ah! Friends lang naman kami ng pinsan mo.” Ganting sagot naman niya sa sinabi ko.

“Guilty. Hahahah! Tara na nga baka malate tayo.” Aya ko sa kanya sabay na kaming naglakad papunta sa building naming.

*English class

“Why To Kill A mocking Bird is the title of the novel” sabi nung teacher namin. Grabe. Inaantok ako ngayon sa English. Mas gusto ko talaga ang math and H.E class. Buti na lang last subject na to ngayong umaga.

*tuk*

Naramadaman kong may pumitik sa akin sa tabi ko. Nilingon ko naman si Nigel na pasimpleng naglagay ng notebook sa desk ko.

Antok ka?? Yan ang nakalagay dun sa likod ng notebook niya.

Kinuha ko naman yung ballpen ko. At sumulat dun sa notebook.

Oo, Wag mo akong kulitin.

Binasa naman niya kaagad yun at sumulat ulit.

Gusto mo labas tayo?

Huh? Labas daw. Pwede naman kaya yun. Wala naman kaming excuse. Tsaka kahit di naman ako nakikinig ayoko mgcut ng class no. Nagsulat naman ako.

Sabi ko wag mo akong kulitin. Bawal lumabas alang excuse letter.

Binasa naman ni Nigel yung sulat ko tapos tumayo. Akala ko sasagot siya dun sa tanong. Tinawag naman siya ni ma’am lumapit siya tapos may inabot na papel.

“Ms. Franco and Mr. Aguilar, you may go” pinirmahan naman ni ma’am yung papel tapos kinuha na ni Nigel yung gamit niya kinalabit niya ako kaya inayos ko na rin yung gamit ko at lumabas na kami.

----SA LABAS

“Huy! San tayo pupunta? Bakit tayo pinalabas?” tanong ko kay Nigel na nagtatali ng sintas. Nagpalit kasi siya ng rubber shoes.

“Sa mall magdedate. Bait talaga ni ma’am.” Sagot niya tapos nagpagpag ng kamay  at nginitian niya ako.

Hala! Nabaliw na ako! Parang biglang gusto ko rin ngumiti nung ngumiti siya. No! no! no! hindi pwede to. Ano bang nangyayari sa akin.

Pinilit kong magsungit. “Anong magdedate. Magcucutting class tayo para magdate?! Asa ka! Babalik na ako sa room!”

“Oi! Frances di pwede! Nakalagay sa excuse slip ng student council na ikaw ang secretary ko. Wala kasi yung secretary namin may sakit kaya ikaw ang substitute.”

“Ano?! Paano ako nagging substitute ng secretary nyo na di ako napapaabisuhan ha?!”

“Sabi ko. Hehe!” sagot niya na parang wala lang.

Nasapo ko na lang yung ulo ko. Maloloka ako sa lalaking to.

Tiningnan ko siya ng masama. “Sabihin mo nga? Bakit mo ginawa yun?”

Nilagay niya yung kamay niya sa baba niya na parang nag-iisip. “ah--- kasi ano?..”

“Ano?!” sabi ko ng nakasigaw.

“Kasi nagtatampo ako sayo kasi di mo naappreciate yung flowers kaya magdedate tayo” biglang sabi niya.

O__O ß-- ako

“Wag ka na mag-alala mamaya pa naman yun pagkatapos natin bilin sa mall yung mga kelangan namin para sa student council. Remember ikaw ang secretary ko.” Dagdag pa niya dahil nagulat talaga ako dun sa sinabi niya.

Wala naman akong magagawa kundi sumama. Yung totoo? Hindi ko alam pero parang natutuwa ako .

*****

Yayyyyyy! Woooo! magdedate sila! hahah! natuwa ako! Edi sila na... 

vote.comment.like.recommend :) 

Thanks!

-Lej :)

Sungit Meets Kulit (Patiently Waiting)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon