CH 12: He's Sweet ...

668 18 9
                                    

An act of goodness is of itself an act of happiness. No reward coming after the event can compare with the sweet reward that went with it.

-Maurice Maeterlinck

Erinn :)



Hayyy! eto lang hirap sa walang talent. Nabubulok sa bahay kapag weekend.

Syempre dahil sabado ngayon. Gusto ko naman gumala. Too bad wala akong kasama kasi since member si Bes ng glee club may practice sila ng saturday.

Hindi ko naman pwde ayain si Bims dahil nga kunwari na may sakit sya. Di siya pwede lumabas dahil baka may makakita sa kanya na kakilala.


Dahil na rin bagot na bagot ako dito sa bahay. Aalis ako! Hahaha! Pupunta muna ako sa mall tapos pupuntahan ko naman si Lianne sa school.

***

"Ma, punta po akong mall tapos sunduin ko si Lianne sa school."  paalam ko kay mama na nagaayos sa kusina ngayon.

"Sige. Mag-iingat ka ha? Sino palang kasama mo?"

"Ako lang po pero kasabay ko pong uuwi si Lianne." yun lang sinabi ko tapos lumabas na ako ng pinto.

Oo tama kayo dahil iisa nga lang akong anak medyo spoiled ako. Mabait naman daw kasi ako kaya madalas akong pinagbibigyan.

"Erinn!" tawag sa akin nung nakasakay sa kotse sa kabilang side ng kalsada.

"Sino ba yun?" hindi ko masyadong makita kasi kalalabas ko lang ng gate.

Bumaba naman yung lalaki sa may kotse at lumapit sa akin.

"Kuya Gwapo! Ikaw pala! Hahaha! Di kita nakilala ah."

"Ikaw bilog niloloko mo pa ko. Saan ka pupunta?"

Si kuya Justin pala yung kausap ko. Kuya siya ni Lianne kaya parang kuya ko na rin. Bilog tawag niya sa akin kasi daw palagi ko daw siyang binobola. Pero hindi. Ang gwapo talaga nito tapos sobrang bait pa.

"Sa mall kuya. Mukang kadarating mo lang ah."

"Ah. Oo, Nagbaba lang ako ng gamit sa bahay. Pupuntahan ko si Lianne sa school nyo namimiss ko na yun eh. Samahan kita sa mall tapos puntahan natin sya."

Sungit Meets Kulit (Patiently Waiting)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon