CH. 21: Meeting Again

536 12 0
                                    

Erinn :)

Medyo late na kaming pumasok ni Lianne sa school ngayon.

Ewan ko. Mukang may iniiwasan tong babae na to. Kahit alam ko naman ang totoo na ayaw niya lang makasabay o makita si Miko.

Halos isang linggo niya na rin ginagawa to. Nakakapanibago nga kasi hindi na sila nagpapansinan. Ay mali pala. Hindi na pinapansin ni lianne si Miko.

“Bes, dadaan pa ako ng locker room. Una ka na sa buliding natin.” Sabi ni Lianne habang hinahanap yung susi ng locker nya  sa bag niya.

“Hindi. Sama na rin ako. Naiwan ko din sa lacker ko yung book ko ng physics.”

“Gusto mo ako na lang kumuha? Medyo late na kai tayong pumasok baka dumating si ma’am para maiexcuse mo ako pag nagcheck ng attendance.”

Tatanggi sana ko kaso nakita ko si Miko na nagtatago sa isang poste dun sa gilid ng hallway. Mukang inaabangan niya talaga si Lianne.

Sige, bes. Thank you ah. Eto na yung susi.” Tumalikod na ak at naglakad papunta sa building.

Lianne…

“Sige, bes. Thank you ah. Eto na yung susi.” Sabi ni Erinn sa akin na ngiting ngiti.

Naglakad na ako papunta sa locker room. Kaso nararamdaman ko parang may sumusunod sa akin.

Lumingon ako dun sa likod ko. Wala namang tao. Syempre pumasok na sila dahil time na para sa 1st subject.

Pagkadating ko sa locker rooom. Binuksan ko kaagad yung locker ni Erinn at kinuha ko na yung pinapakuha niya. Tapos pumunta naman kaagad ako dun sa locker ko kinuha ko yung notebook na binigay ni Hans sa bag ko tapos nilagay ko dun sa locker. Hindi ko alam kun ani yung naksulat dun. Hindi ko pa binabasa. Mamaya na lang siguro.

"Lianne"

Lumingon ako sa likod ko. Dun sa tumawag sa akin.

"Oh. Mikz. Ikaw pala. Time na ah." sabi ko tapos sinara ko yung locker ko. Pinipilit ko magpanormal ng pakikitungo ko sakanya.

Nagulat ata siya nung bigla ko siyang pinansin. Ang totoo iniiwasan ko talaga siya. Hindi ko siya kinkausap. Pag maysasabihin siya makikinig lang ako. Tatango at iiling lang ako para sa sagot ko.

"A-ano k-kase inaantay talaga kita." sabi niya

Ngumiti ako. "Mauna ka na. May babalik pa kasi ako sa gate. Hinihintay ako ni Hans dun may ibibigay daw siya eh."

Bigla naman lumunkot yung mukha niya. "A-ah ganun ba. S-sige."

Miko ....

"Wow Bes! Ang ganda naman niyan! Sige si Hans na talaga sweet!"

"Haba ng buhok mo girl! Biruin mo naman pinuntahan ka pa dito para ibigay lang yang mga bulaklak na yan!"  -Bims

"Heh! Tumigil nga kayo! Nag-iisip ako." sabi naman ni Lianne.

Tch! Maganda daw? Roses na red? Hindi naman yun yung gusto ni Lianne. Mas prefer niya ang white. Hindi naman siya mahilig dyan tsaka gusto niya kapag binigyan siya ng flowers yung may card na may nakalagay na dedication! 

"Frances di ba sabi mo stalker ni Lianne yung Hans na yun?" tanong ni Nigel kay Erinn.

"Ikaw rin naman ah. Stalker ko. Bakit hindi ba pwedeng manligaw ang stalker sa iniistalk niya?"

"Hindi mo ako stalker. Admirer mo ako" -____-

"Wag kang makulit! Tanong ka ng tanong!"

"Bims." Kinalabit ko si Bims na katabi ko.

"Oh bakit?" tanong niya na hindi ako nililingon dahil nagtetext siya.

"Nililigawan talaga nung Hans yung bestfriend ko?" tanong ko.

"OMG! Di mo alam?" 

Tiningnan ko lang siya ng nagtataka.

"Yes. Binigyan na niya ng chance si Hans. Ang hina mo kasi. Hmp!" 

Nabingi ata ako dun sa sinabi ni Bims. Binigyan niya ng chance yung Hans na yun? Akala ko ba ayaw niya dun sa lalaking yun? Bakit hindi niya sinabi sa akin. Ilang araw niya na kong iniiwasan tapos ganito? Wala man lang akong kaalam alam?

"Ano niya ba ako?" nasabo ko ng mahina.

"Best Friend ka LANG" sagot naman no Bims inemphasize niya talaga yung word na LANG sabay irap sa akin.

"Excuse me. CR lang ako saglit." sabi ko tapos tumayo na.

"Fafa! Wait! Sama ko" sabi naman ni Nigel.

***

"Alam mo na ba yun fafa?" biglang sabi ni Nigel sa akin nung naglalakad na kami pabalik.

"Yung ano?" 

"Na nililigawan na yung best friend mo. Patay tayo dyan. Mawawalan na ng oras sayo yun!"

"Tumigil ka nga! Siraulo ka talaga. Best friend lang ako syempre kapag nagkaboyfriend na yun sa aming dalawa yun ang priority niya."

"Hahahaha! Eh di ligawan mo rin si Lianne! Para ikaw na lang ang priority!"

"Gago! May nililigawan na ako."

"So, Fafa kung wala kang nililigawan liligawan mo nga si Lianne."

"Baliw! Tara na!" sabi ko tapos nauna na kong maglakad sa kanya.

"Miko!" tawag nung babae na nasa harap ko. Nakangiti siya tapos kumakaway.

"Uy! Anong ginagawa mo dito?"

"Wala dumadalaw lang. Halfday lang ksi sa school namin ngayon. May faculty meeting." sabi niya

"A-ah gan--" hindi ko natapos yung sasabihin ko kasi biglang dumating si Nigel at kinabog ako.

"Hoy tara na! May batok nanaman ako kay Fran---"

"Nigel...." Lorraine said with a weak smile.

 TBC

Waaaaah!

 vote,comment na lang.

-Lej

Sungit Meets Kulit (Patiently Waiting)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon