Capítulo Uno

50 10 1
                                    

Amor Divina Concepcion - ang pangalang siyang ibinigay sa akin ng aking mga magulang mula nung ako'y pinanganak.

Ang Amor na siyang unang pangalan ko ay nagmula sa aking lola sa tuhod -Amorita na siyang sumakabilang buhay na.

Samantalang ang Divina naman ay nagmula sa salitang "divine" na siyang naisip ng aking ama sapagkat ang pamilya ng aking ama ay mga makadiyos.

Simple at payak lamang ang pamumuhay namin ng pamilya namin dito sa bayan ng San Dalisay na kinamulatan kong probinsya magmula ng ako'y bata.

"Divina, ibili mo naman ako ng kaban ng bigas na kakainin natin hanggang mamaya." Agad naman akong lumapit kay nanay at binigyan niya ako ng pera.

Agad akong nagtungo sa sentro ng bayan dahil nandun ang palengke.

"Ale, isang kaban nga po ng bigas."
"Ale, magkano po ang one kilo ng bigas?"

Agad naman akong napalingon sa nakasabayanan ko, ang mukha niya ay parang kilalang kilala ko na. Agad akong natulala sa mga imaheng aking nakita.

Napailing nalang ako sa aking naisip, posibleng magalit sakin si nanay dahil natatagalan na ko sa pagbili.

Agad inabot sa akin nung ale ang kaban ng bigas at binayaran ko na rin, ngunit ikinagulat ko ng kinuha niya ang sukli na para sa akin.

"Ah mawalang galang na po, ang sukli pong iyan ay sa akin." Kinulbit ko siya at sumenyas sa perang kanyang hawak.

"Ah sorry, akala ko akin tong sukli. Nagmamadali kasi ako. Naghihintay kasi ang kotse nila mommy." Sabay abot ng sukli ko. Mukang sa mayamang pamilya nanggaling ang lalaking to.

"Ah wala yon, sige." Kinuha ko naman kaagad at umalis na ako dahil baka hindi na makapaghintay si nanay at pagalitan pa ko. Ngunit bakit hindi ko maunawaan? Bakit ganito ang tibok ng puso ko? Bakit tibok na nasasaktan ako?


Dalawang araw na ang nakalipas simula nung araw na nakita ko ang lalaking pamilyar sa akin. Sinubukan kong kalimutan ngunit kahit panaginip ay hindi niya ako tinatantanan.

"Ang lahat ng bagay ay may kakulangan, ang lahat ng bagay ay may scarcity." Sabi ng aking titser na nagtuturo sa harapan, isa na nga pala akong grade 10 student. Dalawang taon pa at makakapagkolehiyo na rin ako.

"Am I right, Ms. Concepcion?" Nagulat naman ako sa pagtawag ng pangalan ko.

"Po?" Agad kong tugon, pasensya ma'am masyado na akong lutang.

"Lahat ng bagay ay kakapusan dahil mas pinipili natin ang mga bagay na gusto natin ngunit hindi pwedeng balewalain ang mga bagay na kailangan natin, tama ba? This is just a review, Ms. Concepcion. Alam kong alam mo na ito."

"Opo. Tama po."

Minsan, napapaisip ako na bakit ang daya ng buhay ko? Ang ilang kakilala ko na naging kaklase ko nung elementarya, lahat sila nasa Manila at balita ko mga mayayaman na sila at nasa isang sikat na unibersidad na, samantalang ako naiwan dito sa probinsya at naghihirap parin. Kontento ako sa buhay na meron ako, ang aking ama ay isang jeepney driver at ang aking ina ay naglalaba lamang ngunit sapat naman ang kinikita nila sa araw araw lalo na't nag iisa naman akong anak nila. Kahit minsan ay hindi ko naranasang tumawa ng tunay, siguro dahil na rin sa wala akong kaibigan, nasanay akong hindi nakikihalubilo at hindi inaasa ang kaligayahan ko sa ibang tao. Pero may isang bagay akong pinagtataka, bakit pakiramdam ko meron akong naiwan sa nakaraan?



Alas-singko ng hapon ay nagsimula ko ng tahakin ang lugar pauwi sa bahay namin. Ngunit bago ako pumasok sa aming kanto ay may napansin akong lalaki na sumakay ng sasakyan. Ang lalaking iyon ay yung lalaking nakasabayan kong bumili ng bigas sa palengke nung nakaraang araw lamang. Nagsimula akong hapuin at napatigil sa paglalakad, hinawakan koang puso ko, tumitibok ang puso ko sa muling pagkakataon pero kakaiba ito dahil masakit at masikip sa dibdib ang nararamdaman ko. Animo'y kilala ko na siya noon palang.

Nahihibang ka nanaman Amor, siguro ay gutom lang yan

"Oh, Divina, nakauwi ka na pala? Ano ang gusto mong ulam para mamaya sa ating hapunan?" Agad na salubong sa akin ni nanay.

"Kahit ano nalang po nay ay sapat na sa akin." Ngumiti naman si nanay at agad nagtungo sa kusina upang masimulan na ang pagluluto niya.

Nagtungo ako agad sa aking kwarto upang makapagpalit ng damit pambahay at agad akong nagtungo sa kusina upang sana'y tulungan si nanay sa paghahanda ng hapunan.

Tutungo na sana ako sa aming kusina nang kausapin ako ng aking tatay.

"Divina, anak. Maaari ba kitang kausapin muna saglit?" Tanong niya sa akin.

"Opo. Tungkol po saan iyon?"

"Anak, gusto ko lang magpasalamat dahil biniyayaan kami ng anak na tulad mo. Matalino, biruin mo scholar ang anak ko sa kilalang unibersidad dito sa probinsya? Mabait, masunurin, mapagmahal, at malambing. Ngunit anak, gusto ko sana na pagdating ng panahon kayanin mo ang pagsubok na maaaring ilaan sayo ah? Mahal ka namin ng nanay mo, ipangako mong kakayanin mo anak ah? Kung maaari ay lalayo ka sa mga trahedyang nag aabang sayo." Agad namang tumibok ang puso ko sa mga binigkas ng aking tatay.

Magsasalita palang sana ako ngunit agad nagtungo ang aking tatay sa kusina upang tulungan si nanay. Naiwan akong tulala sa sala at pinoproseso ng utak ko ang mga sinabi ni tatay.

Pagsubok? Saan?

Destino (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon