Capítulo Cuatro

17 6 4
                                    


Umuwi si Nico at naiwan ako sa sala namin na nakatulala, nakahawak sa aking dibdib. Ang pagtibok ng puso ko ay ayaw tumigil, animo'y ramdam na ramdam ko ang sakit na nadarama ng dating kasintahan ng lolo sa tuhod ni Nico. Sino kaya siya? Napakasakit ng sinapit niya.

"Mabuting tao si Nico, ngunit alam kong mapanganib ka sa kanya Divina. Pagkatapos na pagkatapos ng contest na yan ay layuan mo na siya. Naintindihan mo?" Sumulpot ang nanay ko mula sa kusina, naghugas pala siya ng pinggan.

"Nay, bakit ho ba? Wala po akong maintindihan, hindi ko po maintindihan."

"Hindi mo na dapat pang malaman Amor, sundin mo nalang ako. Maniwala ka sakin, mapapahamak ka lang."

"Nay, kakakilala ko lang po kay Nico, mukang imposible naman po yata ang sinasabi niyo. Pati kahit bago lamang po siya dito sa probinsya ay wala naman po tayong naririnig na masasama tungkol sa kanya ha, tama po ba?"

"MAKINIG KA NALANG SA AKIN! SA NGAYON AY HINDI MO DAPAT MALAMAN KUNG ANO ANG NASA LIKOD NG LAHAT NG ITO. MASYADONG MAGULO DIVINA! NAG AALALA LANG KAMI NG TATAY MO SAYO." May otoridad sa boses ni nanay.

"Nay, naguguluhan—" Di ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang nagsalita si Nico, akala ko'y nakaalis na siya? Hinatid ko na siya sa gate ah. Hindi kaya narinig niya lahat?

"Uh? Sorry po for the interruption nakabukas po kasi ang pinto kaya pumasok na ako, kukunin ko lang po yung notebook ko. Naiwan ko po kasi." Napatango naman si nanay at umakyat pataas. Ngunit bago siya umakyat ay tumingin muna siya sa akin na animo'y pinaparating niya na sundin ko ang bilin niya.

"May narinig ka ba?" Napalapit ako at agad kong tanong.

"Huh? Wala"

"Mabuti naman." Napahawak ako sa puso ko, masyado pala akong malapit kay Nico, kaya umatras ako ng kaunti. 

Napapitlag ako ng bigla muli siyang magsalita, "Pero hindi sa nangingialam ako pero lahat ng bagay may tamang panahon, lahat ng mangyayari ay nakatadhana." Kinilabutan ako sa sinabi niya.

"Anong nangyayari? Wala na akong maintindihan. Bakit halo halo? Sino ka ba talaga Nico?"

"Hindi tayo magkakilala Amor, ngayon lang rin kita nakilala, ngunit sabi ko nga...."

Lumapit siya sakin at napaatras ako, ngunit sa likod ko ay dingding na pala ito. Ngumisi siya at lumapit sa muka ko, agad akong napapikit dahil ramdam ko ang hininga niya sa tenga ko.

"Tulad nga ng sabi nila.." Bulong niya sa tenga ko.

"Ano? Anong sinasabi?"

"Destino, mi amor...." agad dumagundong ang puso ko.

Napamulat ako, at nakita ko si Nico na naglalakad na at sinarado ang aming pinto. Bakit niya sinabi yon? Ano ba talagang pnapahiwatig ng nanay ko kay Nico? Hindi ko maintindihan.

Napaupo nalang ako sa upuan namin habang hawak ang puso ko, eto nanaman ako, nasasaktan parang namatayan, para bang sa sobrang sakit gusto ko nalang tapusin ang buhay ko.

Destino (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon