Capítulo Tres

28 8 3
                                    

Hindi ako nakatulog sa mga palaisipang aking nabubuo. Bakit parang kilala ng mga magulang ko si Nico? Siguro ay sa tamang panahon ay masasagot ko rin tong katanungan na to. Wag kang mag isip muna, Amor.

"Nay, aalis lang ho ako. Mayroon po kasi kaming aaralin ni Nico para sa quiz bee." Nagpaalam ako pagkababa ko sa maliit naming hagdanan. Siguro ay hinihintay na ko ni Nico sa tagpuan namin-sa tapat ng unibersidad.

"Ah, Divina? Maari ba tayong mag usap kahit limang minuto lamang?" Agad akong hinawakan ni nanay.

"Nay, hinihintay-" Di ko natapos ang sasabihin ko.

"DIVINA! HINDI BA PWEDENG MAKINIG KA MUNA SA AKIN SAGLIT?!" Nagulat naman ako sa pagsigaw ni nanay sa akin.

"Pasensya po, tungkol po saan?"

"Anak, sorry. Pero gusto ko lamang mag ingat ka kay Nico. Ang taong iyan ay baka magbigay disgrasya at malas sa buhay mo." Naisip ko naman ang bilin ang aking tatay noong nakaraang linggo.

"Nay, ano po bang alam niyo kay Nico?"

"Mamaya mag usap tayo. Maaari bang kaunin mo na lamang si Nico at dito nalang kayo mag aral sa bahay?" Nagmamakaawang tugon ni nanay sa akin.

"Masusunod po. Alis na po ako." Hinagkan ko siya sa pisngi at dali daling pumunta sa unibersidad."


"Why are you late?" Iritang tanong sa akin ni Nico.

Ito nanaman ang puso kong malakabayang nakikipagkarera sa bilis. Bakit nga ba? Siguro ay sa tensyon lamang ito nung nakausap ko si inay.

"May importanteng pinag usapan lang kami ng nanay ko. Uh... Nico?" Maikling paliwanag ko.

"Oh?" Masungit na tugon niya sabay tingin sa relos niya. Ang yaman niya talaga.

"Maaari bang sa bahay nalang namin tayo magsimula ng pag aaral? Hindi kasi sampalataya ang nanay ko na nasa labas ako." Umiwas ako ng tingin sa kanya, nagsinungaling lamang ako dahil ayokong malaman niya na may nalalaman ako sa kanya.

"Saan ka ba nakatira?" Ang iritable naman ng isang to.

"Isang sakay lamang ang layo ng tirahan namin. Doon lamang sa kabilang kanto." Napatango naman siya at nauna na siyang pumunta sa terminal ng pedicab at sumakay, sa bayan namin ay hindi uso ang tricycle sapagkat mahirap lamang ang bayan namin kung kaya't lahat ng sakayan dito ay pedicab lamang.


"Magandang umaga ho." Tingnan mo tong lalaking to, kung kanina ay muntik na niya akong isumpa dahil sa napatagal lamang ako, ngayon ay ang galang galang sa magulang ko.

"Villafuerte...." Bulong ng nanay ko.

"Ah opo, Dominic Angelo Villafuerte po. Nico nalang po." Sabi niya habang nakangiti na animo'y naiilang.

"Ikaw nga... Ah sige upo ka muna at paggagawa ko muna kayo ng merienda." Balisang pumunta sa kusina si nanay. Ano ba talagang meron?

Sinumulan namin ang pag aaral ng maayos at isa lamang ang masasabi ko, talagang matalino si Nico at marami siyang alam sa history ng Pilipinas. Nakakabilib dahil matibay ang samahan nila ng kanilang pamilya, umabot kami sa usapan ng mga ninuno ng Villafuerte.

Nagsimula pala ang henerasyon nila nung natapos ang pag iibigan ng kaniyang lolo sa tuhod at ang kasintahan nito. Kinweto niya ang masakit na sinapit ng kanyang lolo dahil sapilitang pinalayo ang dalawang magkasintahan. Nabanggit ni Nico na kahit kailan man ay hindi pinutol ng kanyang lolo sa tuhod ang pagmamahal sa babaeng tunay na nagpapatibok sa puso nito ngunit ang pamilya ng babae at pamilya nito ang tutol dito dahil ang kanyang lolo sa tuhod ay nakatakdang ikasal sa iba.

Ang saklap naman pala ng naging istorya ng pag iibigan nila. Ito ang ayaw kong maranasan.

Destino (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon