Kasalukuyan kaming nasa contest ni Nico at ilang tanong nalang ay matatapos na rin ito. Sa 49 na tanong ay naitama naming dalawa lahat. Mukang bihasa na talaga itong si Nico sa mga contest, biruin mo nasagot niya ang halos kalahati sa mga tanong. Ang galing niya talaga.
"Ito na ang huling round ng competition na ito." Sinabi ng aming proktor.
Tumingin ako sa kanya, "Kinakabahan ako, Nico." Sabi ko sa kanya.
"Kaya natin 'to, Amor. Trust me. Pati nagreview kaya tayo!" Ngumiti naman siya sa akin.
"Ang huling tanong: Ano ang meaning ng 'eu te amo'? 1... 2... 3... Go!" Sinabi ng proktor.
"I love you." Ibinulong ni Nico.
"Teka... ano?" Napaisip ako.
"I LOVE YOU, AMOR! I LOVE YOU ANG IBIG SABIHIN NON! JACKPOT NA TO AMOR! I LOVE YOU! MAHAL KITA YUHOOOO!" Natulala ako sa sinabi niya, huwag kang mahibang Amor, ayun laang ang ibig sabihin ng eu te amo.
Kasalukuyan ng sinasabi ang mga nanalo, kaunti nalang ay championship na ang sasabihin. Sa totoo lang ay kahit nagawa naming maitama ang lahat ay hindi parin magawang kumalma ng puso ko, lalo na ngayo't magkahawak kami ng kamay ni Nico.
Tumingin siya sa akin at ngumiti, para bang sinasabi na hindi ko dapat maramdaman ang kabahan, Bakit mo ba ginagawa ito sa akin Nico? Sino ka ba talaga?
"No doubts, Ms. Concepcion and Mr. Villafuerte! CHAMPIONSHIP!" Natuwa naman ako sa announcement.
"Ang galing natin, Nico!" Niyakap ko siya sa sobrang tuwa. Nabigla naman si Nico sa aking ginawa, kaya bigla akong napabitaw.
"Ay... sorry. Masyado kasi akong natuwa." Sinabi ko sa kanya.
"No... okay lang!" Sabi ni Nico sakin. Napahiya naman ako kaya agad akong tumalikod.
"Nahihiya ba si Amor?" Alam kong sa pagkakataon na ito ay nakangiti siya na tila ba nang aasar.
"Ikaw talaga! Pero salamat ha, siguradong kundi dahil sayo ay di na tayo nanalo! Isa pa, matutuwa si ma'am neto!" Tumawa siya at tumawa naman ako.
Natigilan kaming dalawa ng marinig ko si nanay, "Amor, uuwi na tayo."
Napatingin naman ako kay Nico, tumango siya sakin at tumango na rin ako, hudyat na nagpapaalam kami sa isa't isa.
"Tapos na ang contest na yan, tigilan mo na ang paglapit sa lalaking iyon ha?"
Napayuko naman ako, "hindi ko parin po ba dapat malaman?"
Lumapit si tatay ay bumuntong hinga, "Amor, anak. Wag muna ngayon ha? Makakaapekto pa sa iyo eh. May tamang panahon anak at sigurado akong malalaman mo yun, sundin mo nalang muna ang nanay mo ha? O sige na, magbihis ka na dun at pinagluto ko kayo ng nanay mo ng paborito mong sinigang. Pagkatapos ay magpahinga ka na at may pasok ka pa kinabukasan."
Niyakap ko si tatay, "opo"
"Congrats Amor, mahal ka namin."
"Mahal ko din po kayo."
-
Special thanks to Tashi, sa paggawa ng chap na ito. Inedit ko para di masyadong quick 😉
BINABASA MO ANG
Destino (On-Going)
Historical FictionKilalanin natin si Amorita, Isang babaeng nabuhay sa nakaraan, Nagmahal ngunit iniwan Mangyari kaya ang naging sumpa niya sa kasalukuyan? Amor, Simpleng babae, makadiyos, Siya'y mabait at sadyang may angking talino. Sa di inaasahan ay nagtagpo ang...