Capítulo Cinco

23 6 2
                                    

Kasalukuyan kaming nagrereview ni Nico ngayon dito sa library, excused kami sa klase dahil kailangan naming mag aral, hindi biro ang contest na yon. 

Hindi ako nakatulog kagabi kaya ngayon ay lutang akong nakatitig kay Nico habang nakikinig sa kanya, ang dami niya talagang alam sa history ng Pilipinas, mukang bihasa na talaga siya.

"January 3, 1891 was the time when Grand Master Miguel Morayta granted authority to Jose Rizal to represent the Gran Oriente Español before the Grand Orient of France and lodges in Germany. Siguro naman ay alam na ito, diba?" Tila ako'y natulala sa kanya, bakit ba ang pamilyar ng itsura niya?

"Huy Amor, ayos ka lang ba? Wala ka bang balak manalo? Hindi dapat ganyan, makinig ka naman sa akin. Baka nakakalimutan mo na bukas na ang contest na ito." Para akong nasampal ng katotohanan sa kanyang sinabi. 

"Nico, pwede bang magpahinga muna tayo kahit ilang minuto lang? Andami na kasi, andami ko ring iniisip."

Napabuntong-hininga siya, "ano ba yang iniisip mo? At mukang napakalalim na hindi mo na magawang ipasok sa isip mo itong mga inaaral natin."

"Nico, nung una mo ba kong nakita, naramdaman mo ba na kilala mo na ko?"

"A-ah, hindi ko alam, bakit?"

Napailing naman ako bilang sagot, "Wala naman."

"Ilang linggo na nga pala tayong nagrerehersa para sa contest na ito no? Talagang kailangan manalo tayo." Pag iiba ko ng usapan

"Kaya ikaw..." Kinurot niya ang pisngi ko, "Makinig ka sa akin, lagot tayo kay ma'am pag tayo natalo, nako!"

"Makakurot ka naman jan." Sinamaan ko siya ng tingin.

"Bakit? Wag mong sabihin na sa ilang linggong magkasama tayo eh hindi pa tayo magkaibigan." 

"Sinabi ko ba?" Depensa ko.

"Hindi. Pero Amor, wala ka ba talagang kaibigan dito? Ilang linggo na nga tayong magsama pero ni isang beses ay wala akong nakitang lumapit sa iyo."

"Wala, kailangan ko kasing unahin ang pag aaral ko, kailangan kong magtapos para kila nanay at tatay."

"Kung sa ganon ay ako lang kaibigan mo dito? Loyal ka pala ha!" Aba! Kinindatan ako ng loko.

"Tigilan mo nga ako." 

Tumawa siya kaya tumawa nalang rin ako.

"Tama na nga, mag aral nalang muli tayo." 


Nasa kwarto ako, tulala at nakatingin sa kisame. Bakit parang balewala lang kay Nico lahat? Bakit ako, nakakaramdam ng ganitong sakit. Kailangan ko na bang magpakonsulta sa doctor? Ngunit bakit kanina, habang nakatitig ako kay Nico ay iba ang nararamdaman ko? Bukod sa masakit sa pakiramdam ay animo'y nasa langit ang pakiramdam ko na parang tumigil ang mundo, hindi ko pa ito nararanasan noon.

Pinikit ko ang mata ko, kailangan kong magpahinga dahil meron pang kaming contest bukas, sana ay manalo kami. 

Destino (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon