Binaliwala ko ang mga sinabi sa akin ng aking tatay kahapon, siguro ay pinangaralan niya lang ako lalo na't malapit na kong tumayo sa sarili kong mga paa dahil sa ako'y nagdadalaga na.
Ngayon ay naghahanda na ako sa aking pagpasok sa iskwela. Biyernes ngayon at kailangan kong maging maaga dahil 7:00 ang una naming klase.
Maaga akong nakarating at kasalukuyan akong nakaupo dito habang nakatulala lamang ako. Bakit nagiging kakaiba ang nangyayari at pakiramdam ko nitong mga nakaraang araw?
"Ah excuse me, are there any vacant seats available? For sure kasi itong mga to ay occupied na since may mga gamit sa ilalim ng upuan nila." Tanong sa akin ng isang boses lalaki, pamilyar ito. Ni hindi ko manlang napansin ang pagpasok niya dahil sa aking pagkalutang. Hindi man ako hasa sa salitang ingles ay nakakaintindi at nakakapagsalita naman ako ng ayos.
Bago ako sumagot ay tumingin muna ako sa kanya, ang lalaking iyon ay yung lalaking nakasabayan ko sa pagbili ko ng bigas noong nakaraang araw.
Agad namang tumibok ang puso ko ngunit katulad noon, masakit at masikip sa dibdib ang pagkakatibok nito.
"I-I'm not s-sure. Pero siguro naman m-meron." Nautal kong sagot sa kanya.
Bakit ba ganito ang aking nararamdaman? Hindi kaya kailangan kong kumonsulta sa doktor? Baka naman malala na to?
"S-sige salamat." Agad naman niyang tugon.
Hindi ko alam kung guni guni ngunit bakit siya umiiwas ng tingin? Ang muka niya.... parang kilalang kilala ko na. Alam ko na nagkatagpo na kami nung nakaraang araw ngunit bakit parang dekada ko na siyang kilala? Ano ba tong nangyayari sa akin? Baka naman may kamuka lang na kaklase ko nung elementary pa lamang ako. Hayy Amor, sa susunod ay subukan mong makipagkaibigan upang di ka nalilito sa mga taong nakakasalamuha mo.
Natapos ang klase at sinabi ng aming guro na may bagong lipat na estudyante. Ito ay si Dominic Angelo "Nico" Villafuerte, dito niya pala ipagpapatuloy ang kanyang pag aaral dahil matatagalan daw ng uwi ang kanyang pamilya na nagbabakasyon lamang dito sa probinsya.
Dominic.... napakapamilyar na pangalan. Ito nanaman ang puso ko na animo'y nakikipagkarera sa bilis ng tibok ngunit di ako komportable sa pakiramdam na ito, masakit ang nararamdaman ko.
Uwian nanaman, inayos ko ang gamit ko at napagpasyahan kong umuwi upang ipagluto sana ng hapunan sila nanay at tatay. Siguradong may natira pang rekado para sa iluluto kong bulanglang.
Kasalukuyan akong naglalakad patungo sa gate ng unibersidad nung ako'y salubungin ni Ma'am Sanchez.
"Ms. Concepcion? Can I talk to you?" Kinabahan ako, wala naman akong kasalanan at wari ko'y wala pa naman akong record sa school na ito.
"U-uh, tungkol po s-san?"
"Don't be nervous, my dear. I just want to inform you na I chose you and Mr. Villafuerte para maging representative ng batch niyo this upcoming event ng school. Ikaw lang kasi itong top 1 at scholar ng batch niyo. While, the reason why I chose Mr. Villafuerte ay dahil maganda ang record niya sa history, He's really good at it. Katunayan ay malaki ang tiyansa nating manalo kung kayong dalawa ang lalaban. Isa itong history contest kung saan makakalaban mo ang iba't ibang representative from other schools." Nakangiting paliwanag sa akin ng aking adviser.
"History po? U-uh hindi po ba ako mahihirapan jan? Di hamak na mas marami hong alam ang ibang unibersidad kaysa sakin, baka ikatalo lang po natin kung ako ang ilalaban." Nginitian niya naman ako ng mas malapad.
"No, you won't. Mr. Villafuerte will help you anyway." Oo nga pala, galing Manila si Nico. Sa madaling salita ay mas advance ang mga pinag aaral nila kaysa sa amin dito sa probinsya. Kahit naman kasi kilala itong unibersidad na aking pinapasukan ay hindi parin nito kayang pantayan ang mga unibersidad sa Manila.
"Bakit hindi nalang ho si Nico ang representative? Hindi po ba't meron namang pang isahan na pwedeng salihan?" Nakakapagtaka lang. Mas may kakayahan niyang mag isa ngunit bakit kasama pa ko sa ilalaban nila?
"Naiintindihan ko ang pinupunto mo, Amor. Ngunit kayo talaga ang pinili ko dahil alam kong mas kaya niyo at mas kakayanin niyo. I told Mr. Villafuerte about this and he's willing to help you naman. Don't you worry, magmomonitor naman ako if there's something wrong." Wala naman akong nagawa at pumayag nalang sa offer sa akin ni ma'am. Sayang, baka may dagdag grades din ito.
Kaagad kong binalita kila nanay at tatay ang sinabi sa akin ni ma'am. Hindi naman sila nagtanong pa tungkol sa contest na sasalihan ko. Ngunit isang tanong lamang ang kanilang itinanong bago sila tumahimik. 'Villafuerte ba kamo?', hindi ko alam kung may masama ba sa sinabi ko ngunit nung sinabi kong oo ay natahimik naman sila kaagad at nagkatinginan. Hindi ko na tinanong kung bakit, ngunit alam kong may laman ang mga palitan ng tingin ng mga magulang ko habang kumakain kami.
Nagsimula tuloy akong mapaisip sa kung ano mang dahilan sa likod ng mga yon. Siguro ay kakilala lamang nila ang pamilya na iyon at hindi nalang kinwento pa sakin, tama siguro ay yun nga ang dahilan. Pero posible kayang may alam sila sa pamilya ni Nico? Ngunit imposible, kakalipat lang nila rito at ang balita ko ay plano lamang nila magbakasyon ngunit dito na niyang piniling mag aral upang sila ay makatipid. Bakit ganon nalang ang reaksyon ng magulang ko? May alam ba silang hindi ko nalalaman?
BINABASA MO ANG
Destino (On-Going)
Historical FictionKilalanin natin si Amorita, Isang babaeng nabuhay sa nakaraan, Nagmahal ngunit iniwan Mangyari kaya ang naging sumpa niya sa kasalukuyan? Amor, Simpleng babae, makadiyos, Siya'y mabait at sadyang may angking talino. Sa di inaasahan ay nagtagpo ang...