Chapter 3

51 7 4
                                    

Happy death day, Marco Balmeo!

June 17, Friday

Marco's POV

"Enzo!!"paulit ulit na sigaw ng isang babae, ang tining ng boses

Ang ingay ingay, umagang umaga eh

"Gumising kana, malelate ka na!"

binuksan ko mga mata ko,

MAY PASOK PALA!

bigla akong bumangon sa kama, at napatitig ako sa orasan, 4:32 am na! Late na ako!! tumayo na ako at tatakbo na sana ako sa banyo, nang sumigaw ulit si mama

"Happy Birthday! Enzo ko!!"

lumingon ako, at nagtaka

"So, wala talagang pasok ngayon?" Tanong ko rito

"anong wala? Meron! Bilisan mo na, ilang oras pa biyahe mo,"

Birthday ko ngayon? .. OMG June 17 na pala!  I'm 16 years old na!! YEHEYYYYY

Dali dali akong naligo at dumiretso na ako sa kusina para kumain ng,

"Pancakes! for the birthday boy," wika ni mama at inilapag nya ang platong punong puno ng pancakes

Aww, ang sweet ni mama. Pancakes! My favorite! sana araw araw birthday ko. Sana lagi eh, noh

Tapos ko maghanda hinatid na ako sa sasakyan papuntang Pasay, mula pa sa Taguig. Hays

5:15 na ako nakaalis sa bahay at nakarating na ako sa Southville ng 6:19. Muntikan na ako malate dun ah

Ricci's POV

"Uy, tara na kasi" sambit ko dito sa kapatid ko na ang bagal bagal kumilos.

"Wait lang, last na to ate" bumalik pa sya sa kwarto dahil may kukunin pa daw to.

"Bilisan mo nga dyan, alam mo bang 6:57 na, at nasa bahay pa rin tayo" mahinahon ko namang sinabi at biglang sumagot tong kapatid ko

"alam na nasa kabilang kanto lang tayo ng Southville eh. Ang oa mo ah" sumagot pa tong bruhang ito.

"Bruha ka, tara na." hinila ko na sya palabas ng bahay at palabas ng gate. Tumakbo na kaming dalawa dahil exactly 7:00 am na sa orasan ko.

"Wait lang ate, dahan dahan lang. Hindi mawawala yung school" binitawan ko ito,

"Ah sige! bahala ka, bahala kang malate at mabigyan ng red slip!" minadalian ko lakad ko dahil ilang hakbang na rin school na namin

Omg.omg.omg.omg. 7:05 na!!!

Pumasok na ako kaagad sa back gate at minadali kong lumakad papasok sa isa pang gate,

Napaka thankful ko dahil late talaga ng 5 minutes ang orasan ng Southville.

Sighed.

Tumakbo na ako sa pilahan namin, at nilapag na ang bag ko sa lapag dahil nagsecond bell na.

--

Nakaakyat na kami sa room tapos ng flag ceremony, homeroon time na namin kaya naglocker na ako, lumabas ako at pumunta sa locker room at inunlocked ang padlock. Dahil share kami ni Hailey, kinuha ko na rin ang journal, Ap notes, ISN & book, SAA at graphing notebook, at lahat ng notebooks at books sa lahat ng subject ngayong araw.

Pumasok na ako sa loob ng room at naabutan ko lahat ng Arlighet kumakanta

"Happy Birthday to youu! Happy Birthday to youu!!~"

An EnvoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon