Chapter 12

36 5 0
                                    

Featuring, her footsteps

Monday,

Homeroom time 2:45 pm

Keana's POV

Magpipili na pala kami ng club ngayon, kailangan ko na magdesisyon kung saan bang club gusto ko ngayong sy.

Pumasok na si Ms trinidad sa loob ng kwarto namin, and as usual nakasimangot pa rin. at mukha paring bangkay.

"Mag ayos nga kayo, maya maya na kay alyssa na yung usb para makapagpili na kayo ng club ninyo" sabay masamang tingin saaming lahat.

"kai, ano club mo?" tanong ko dito kay Kaizan na malapit lang yung pwesto nya sa upuan ko.

"drum and lyre naman ako palagi beh eh" sagot nya

eh wala naman akong lyre. kung magflag ako, wala rin akong gamit.

bumukas ang pinto at pumasok na si Alyssa

"mam eto na po" at inabot nya sa mukhang bangkay na nasa harap namin.

sinet up na ni bungo yung presentation at binigyan kami lahat ng maliit na papel na nakalagay

name:
section:

1st choice:
2nd choice:

dun sa choices, dun lang namin isusulat kung ano gusto naming club, ang first and second choice namin.

pinatakbo na ni mam yung powerpoint at as usual ayun lang din naman palagi pinapakita eh every year nag iiba lang ng moderators, pero infairness ah si sir Orgado na yung moderator ng drum and lyre, sya pala yung math teacher namin nung grade9 kami, aaminin ko na naging crush ko si sir kaso kasi napaghahalataan namin syang beki, sayang naman yung face, gwapings.

matapos yung presentation napagisipan ko na yung gusto ko, magcocooking nalang ako

at bigla bigla nalang nangalabit si kaizan at bumulong

"uy beh! mag drum and lyre ka ah" yaya ni kaizan

"ha? uhm.. sige try ko" sagot ko dito

siguro nga magdrum and lyre na ako andun naman si sir orgado, atsaka para magkasama na kami palagi ni kaizan

at sinulat ko na sa first choice ko yung drum and lyre corp. at sa second naman yung cooking.

lahat kami pinasa na yung papel sa harapan at binigay na kay mam, para malaman na namin bukas ang club namin.

"hahahaahaha yung moderator pala ng horizon si bungo" narinig ko yung mga bulungan sa likod ko, lumingon ako at sila wurz at alyssa lang pala nag uusap.

yabangs ni bungo, moderator ng horizon, aba malupet.

...

dismissal time

pinastay kami ni helsei at alyssa dito sa room dahil gusto ni bungo ibahin yung bulletin board namin, ang ganda ganda pa naman dahil cherry blossoms yun at mukhang nasa japan kaya kami, at si sir Ordonia pa nageffort dyan at sinabing wag na wag namin sisirain yan. :(

"mag ayos kayo dyan ah, may aasikasuhin lang ako sa faculty" sabi ni mam at lumabas na ng pinto at dumiretso sa loob ng campus.

"parang nakakawalang gana ito sirain, ang ganda ganda tapos sisirain lang, eto na nga lang ala ala natin kay sir ordonia eh" wika ni alyssa

"oo nga alyssa, kaso wala na tayo magagawa si bungo na yung nasa posisyon hindi na si sir, tatanggapin nalang natin yun" ani ko

"tara na ayusin nalang natin to" yaya ni helsie

An EnvoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon