Chapter 33 - Happy Birthday

9 0 0
                                    

Chapter 33 – Happy Birthday

 

(Ian’s POV)

 

 

(-_o)

 

 

(o_-)

 

 

(-o-) *hikab*

 

 

(-_-)7 *kamot sa ulo at umupo sa kama

 

 

Nagmulat ako ng mata at inikot ang ulo sa paligid. Nasa kwarto na pala ako. “Aray, sakit ng ulo ko” sabi ko habang hawak hawak ang ulo ko. Ang sakit ng ulo ko at nahihilo ako, ano ba ginawa ko para sumakit ang ulo? -__-

 

 

Tumayo naman ako at naglakad, nakita kong may nakapatong na gamot sa lamesa, nakita ko namang may note na nakadikit dun sa gamot. Kinuha ko naman ito at binasa.

 

Hoy buwaya, bakulaw at halimaw, inumin mo yan pampatanggal ng hangover. May pagkain na rin dyan sa tabi kainin mo tapos maligo ka agad at magbihis, bilisan mo ha?

 

 

Buwaya? Bakulaw? Halimaw?! Aba teka, sinong buwaya, bakulaw at halimaw? Ako ba? Teka lang, teka lang sumasakit ang ulo ko. Pumikit ako at hinimas ang ulo ng biglang sumabog ang ulo ko, de joke lang. Naalala ko kung ano nangyari. =___=

 

 

*FLASHBACK*

 

“Ahh.. Sarap” sabi ko habang nakasandal sa upuan. Katatapos lang naming kumain sa barbequehan, syempre libre ako ni Austin kaya sinulit ko na. XD

 

“Ang takaw mo” sabi nya.

 

“Eh ang sarap kaya. Nakarami ka rin naman eh” sagot ko sa kanya. Nakarami naman talaga sya eh, parehas lang kami.

 

“Mas marami ka namang nakain”

 

“Parehas lang kaya tayo” sumbat ko. Totoo naman eh. Parehas kami naka-apat na kanin.

 

“At least ako lalake, marami talagang kumain. Eh ikaw ba—“ napatigil sya sa pagsasalita. Ha? Anong ba?

 

“Ako ay ano?” tanong ko ng nakakunot ang noo.

 

“Ahh.. I-ikaw? Ahh—ano… Ikaw ay.. Ikaw ay buwaya! Ang takaw mo, buwaya ka!” sigaw nya tapos nagbelat at nagiwas ng tingin.

 

“Anong ako?! Ikaw kaya dyan, di ka lang buwaya, bakulaw ka pa!” napalingon sya sa sinabi ko.

 

“Hahaha.. Bakulaw! Bakulaw! HAHAHAHA!!” sabi ko habang tinuturo sya at tumatawa. XD

 

“Psh. Bakulaw ka dyan. Pustahan pa tayo mas mukang bakulaw ka. Sa gwapo kong to? Bakulaw?” Sus! Pwet ko gwapo! XD

I Love HIM?!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon