Chapter 43 - Those eyes..

10 0 0
                                    

Chapter 43 – Those eyes..

(Ian’s POV)

Andito kami ngayon sa clinic to get a checkup. Kailangan kasi para sa laban namin na sa isang lingo na. We need medical certificate para makasiguro na pede kaming maglaro sa laban. Andito lang kami sa waiting area at iniintay ang doctor na tawagin kami. I don’t know why pero parang kinakabahan ako, I feel very uneasy o dahil lang dito naganap yung pag-amin nya saken.

*FLASHBACK*

“Ako na lang ang mahalin mo kasi ako mahal na mahal kita” sobrang nanlaki ag mata ko, feeling ko nauubusan na ako ng hininga at nabigla ako ng makaramdam ako ng basa sa pisngi ko. I feel traped. Ito na yung katapusan ko? Ang daming tanong na gumugulo sa isip ko. Paano. Kelan. Bakit. Pero ni isa wala akong nasabi sa mga yun.

Nang mapansin nyang umiiyak ako at sinisipon na dahil sa iyak ay kumawala sa pagkakayakap saken, “Sorry Ian. I’m very sorry. Please wag ka namang umiyak” sambit nya habang pinupunasan ang pisngi kong basa ng luha. Wala parin akong masabi, trauma ba ito? Sorry sya ng sorry pero parang wala akong naririnig, nakatulala lang ako at hindi alam ang gagawin. Anong gagawin ko? Alam nan yang babae ako, may nakakaalam pa ba? Masyado ba akong halata? Tuloy ttuloy parin ang luha sa pagbagsak sa mata ko. Bakit ba hindi ako makaimik?

“Please Ian. I’m sorry talaga. Hindi ko sinasadya. I’m very sorry.. Wag na umiyak. Alam ko it’s so sudden. Hindi kita masisisi pero hindi ko na makayang itago eh lalo na kapag nakikita kitang nnasasaktan dahil kay Austin, nasasa—“

“Pa-paanong—“ nauutal kong putol ko sa kanya habang nanlalaki ang mata ko. Masyado na nga ba talaga akong halata?

“Lagi akong nakatingin sayo habang nakatingin ka sa iba. Alam ko” nakangiti nyang eksplenasyon ngunit may sakit sa kanyang mga mata na hindi nya maitago.

“A-alam—Alam mo ba--“ huminga ako ng malalim at inulit ang tanong, “A-Alam mo ba ang lahat?” malakas kong tanong pero nangiginig ang labi ko.

Tumango sya bilang sagot, napapikit ako at humagulgol ng iyak, “I’m sorry it’s my fault. I shouldn’t have entered here in the first place” naramdaman ko na naman ang pagyakap nya saken at paghagod sa likod ko.

“Shh.. Tahan na. I should have—“

“Ian? Charles?” minulat ko ang mata ko at nakita si James na tumakbo papunta samin.

“Ian!! Bakit ka umii—Charles pinaiyak mo sya no?!” bintang ni James at agad akong inagaw kay Charles at sya naman ang yumakap saken. Tulad ni James hinagod din nya ang likod ko.

Habang hinahagod nya ang likod ko magkatapat kami ni Charles, nagkatingin kami and I mouthed Alam ba nya? Umiling lang sya at tumayo na.

*END OF FLASHBACK*

After that incident we never talk about it again pero awkward na ako kay Charles because of that. Lagi parin syang andyan at sinasamahan ako though alam kong pansin nya na naiilang na ako pero parang wala syang pakealam. Actually, nagging maselan na ako sa mga tao simula ng pangyayaring yun. I don’t know if anyone besides Charles who knows I’m a girl. Napagpasyahan ko narin namang umalis—

I Love HIM?!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon