Chapter 29 - The Past

14 0 0
                                    

Chapter 29- The past

(Austin’s POV)

You should have seem their faces. XD Di parin ako makaget over sa nangyari. Actually, di ko naman pinlano to. Gusto ko lang naman makatabi si Ian eh, this past few days kasi hindi na sya makausap ng matino parang lagi na lang nasa Mars ang utak, nung una akala ko dahil lang sa 3 days lang kami sa field trip kaya sya ganyan pero ang OA naman diba? More than a day ang pagtatantrum. Kaya I know na there’s something more, may problema sya na hindi nya masabi. I tried asking her pero lagi syang iwas kaya naisipan ko na lang na icomfort sya. Maybe hindi sya handa na sabihin saken ang problema nya pero ako handing maging tissue para sa kanya.

Nagstart na ang byahe pero sya nakatingin lang sa bintana. Ang iingay na ng mga tao sa paligid namin pero sya parang wala lang. Kung normal na araw lang to yung wala syang problema siguro nag-iingay din yan. At baka pasimuno pa ng ingay. =__=

Kinulbit ko sya pero hindi sya lumingon. Ah ah patagal ng patagal gusto ko na syang yakapin at sabihin na ok lang ang lahat, kaasar naman kasi Ian, bakit di mo pa sabihin ang problema mo malay mo makatulong ako.

Tumingin na lang ako sa harap baka di ko pa mapigilan ang sarili ko eh. Kinuha ko ang mp3 ko at nakinig na lang ng music. Next ako ng next ng kanta pano ba naman puro mga patama syempre ayokong matamaan. Pinakinggan ko  na lang yung sa Simple Plan yung Summer Paradise, masaya yung kanta eh. (nasa tabi po yung music kung gsto nyo pakinggan :) -Hayoung) Naalala ko tuloy yung childhood bestfriend ko. Haha, napangiti ako sa naisip ko. Napakapayat nya at napakalumpo, tatakbo pa nga lang lagi nang nadadapa. XD Pero kahit ganun ang saya nyang kasama o ang sayang ibully. Hahaha. XD Ang bully ko talaga eh kasi naman sya ang lumpo lumpo ayan tuloy napagtripan pa ng bully na ako. Pero kahit ganun ako sa kanya ang bait bait pa rin nya saken. Actually, crush ko nga sya eh. Ang cute nya kasi. >___< Tapos ang cute nya pa umiyak. Lagi yun naiyak saken, minsan binubully ko sya pag naiyak pero loko din yung payatot na yun binubully ko na nga sya lapit pa rin ng lapit saken. Siguro yun din ang dahilan kung bakit ko sya naging crush kasi napagtyatyagaan nya ako kahit na ganun ako sa kanya. Pilya talaga ako nung bata pa eh, lagi kasing busy sa work ang parents ko kaya siguro dahil din dun kaya ako naging pilya, walang nagsasaway? Hahaha. XD Lahat nga nilalayasan ako, yung mga maids sa bahay nalayas gawa ko sabi nila di na daw nila ako kaya. Pinagtritripan ko kasi sila, naglalagay ako ng ipis, palaka sa mga drawer nila tapos minsan pagbukas ng pinto my bubuhos na tubig. Hahaha. XD Grabe nagthrothrowback na ako. Ngayon alam nyo na kung gano ako kapilya nung bata pero lahat ng yun nawala nung nawala na lang sya bigla. Umiyak ako nung nawala sya. Dun ko lang din narealize na crush ko na pala sya simula noong una pa lang na napakaimportante nyang tao para saken. Hayy, asan na kaya sya sana nasa maayos syang kalagayan.

“Austin”

“Oh sh*t!”

“Oh sh*t oh sh*t ka dyan, tabi nga gutom na ako” sabi ni Ian at tinabig ako at naglakad na. Natulala ako. Si Ian? Ok na kaya sya? Si Ian ba talaga yung umimik? O___O

“Hoy! Kung gusto mong kumain tumayo ka na dyan” sabi nya nung lumingon. Natauhan naman ako, napalingon ako sa paligid. Wala nang tao lahat sila nasa labas na. Nasa Tiaong na pala kami. Ang bilis naman di ko napansin. =___=

Bumaba na ako at pumasok sa Mcdo, nagorder na din ako at hinanap si Ian. Nasa isang table naman sya kasama sina Charles at James, ngumingiti naman si Ian pero alam ko kahit ganun sya may dinadala parin syang mabigat.

Lumapit naman ako sa kanila at pinatong sa table yung pagkain ko.

“Grabe nakakahilo yung byahe” sabi ni James “Ian na hilo ka ba sa byahe? Eto oh iyo na lang yung ice cream ko” dagdag ni James at inabot yung ice cream.

I Love HIM?!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon