Chapter 2 - Announcement!

108 0 0
                                    

CHAPTER 2 - Announcement!

Paglabas namin sa principals office, nakatulala ako. Magroom mate kami? Akala ko ba wala akong room mate? Ang alam ko ang kinuha kong room, eh yung pang isahan lang. Babalik sana ako sa loob para tanungin ito, pero kinuha ni Austin ang gamit ko at naglakad. Napatulala ako. Bakit nya kinuha bag ko? (?__?)

"Hoy! Bakit mo kinuha yan?"

"Bingi ka ba? O talagang mahina lang ang ulo mo?"

Ang yabang nya talaga. Nakakaasar! Tinadyakan ko sya at kinuha ang bag ko.

"Aray!"

"Ang yabang mo din no! Kaya ko tong dalhin. Parehas lang naman tayo ng sitwatsyon, ayaw ko din makasama ka."

Hindi sya makaimik, nagtitimpi ng galit. Nagsimula na syang maglakad at sinundan ko. Hindi naman ganun kalaki yung room, hindi din naman ganun kaliit, yung tama lang para sa dalawang tao.

"Oh, eto na. Dun ka sa taas (double deck ang bed). May lilinawin lang ako sayo ha. Nagtitimpi lang ako sayo. Pasalamat ka, bago ka lang dito, pero ulitin mo pa saken yun, hindi ka na makakawala. Tandaan mo yun! Isa pa, ayaw ko ng makalat dito sa kwarto dahil ikaw ang paglilinisin ko. Ayaw ko ng maingay pag natutulog. Ayaw ko rin ng maingay kapag nag-aaral ako. Naintindihan mo?"

Ang dami nyang policy ha. Ano to bahay nya?

"Opo sir" *smirk*

Lumabas sya at nagayos na ako ng gamit.

******

(Austin's POV)

Nakakaasar talaga yung Ian na yun. Akala nya ang galing-galing nya. Pero tingnan lang natin ang kagalingan mo, alam kong tulad ka rin ng iba na mahina. Maghanda ka! Lumabas ako ng room at pumunta sa may field, para magpahangin at magbawas ng init ng ulo. Habang naglalakad ako nakasalubong ko si Charles. May dumi sya sa damit na parang mabubuan ng kung ano.

"Ano namang nangyari sayo?" tanong ko

"Nabubuan ako nung pagkain ni Frisky, may nakabundol kasi saken"

"Ah. Ganun ba? Eh, sino ba ang nakabundol sayo?"

"Hindi ko kilala. Nagmamadali kasi sya kanina kaya hindi ko na tinanong. Nga pala san ka ba papunta?"

"Dyan lang. Magbabawas lang ng galit"

"Bakit naman? Parang ngayon na lang kita nakitang magalit ah. Para kang natalo sa laro mo"

"Nakakaasar kasi yung bago kong room mate ang yabang! Akala nya ang galing-galing nya!"

"May bago ka nang room mate? Wow!" (*o*)

"Anong wow dun? Halimaw baka mo" =___=

"Bakit naman?"

"Ang liit liit kayang tao pero kung makaakto parang mas malaki pa sakin"

"Aba! Nakahanap ka rin ng katapat?" (^o^)

"Isa ka pa! Adik neto" -__-

"Joke lang yun. Sige una na ako. Magpapalit pa ako eh"

"Sige"

"Punta ako mamaya sa room mo ha" ^___^

"Sige bahala ka"

Umalis na si Charles. Si Charles ang matalik kong kaibigan. Nang pumasok kasi ako dito, sya na palagi ang kasama ko, di ko nga alam kung pano basta sabay kami palagi. Ang pinagkaiba lang namin ako mahilig sa sports, pero sya wala ginawa kundi mag-alaga ng kung anu-anong hayop. Kamuka na nga nya yung nasa Animal Planet.

I Love HIM?!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon