Chapter 34 - Childhood Bestfriend

8 0 0
                                    

Chapter 34- Childhood Bestfriend

Short update po. –Hayoung. ^__^

_______________________________

(Austin’s POV)

Hindi na ako kumain pa sa handaan ni Ian. Ako naman ang nagpahanda nun eh. =__= Nakita ko na syang naging masaya kaya masaya narin ako. Kahit pa hindi na ako nakatulog dahil sa pagaayos ng mga yun. 

Pumunta muna ako ng room para magimpake saka hinanap si Principal.

“Sir” tawag ko sa kanya.

“Oh Austin, ikaw pala. Kumain ka na rin dito, birthday mo rin naman. Happy Birthday ulit. Haha” nakailang bati na yan saken. =__=

“Salamat po. Ah sir may pupuntahan po sana ako”

“Ha? Saan naman? Birthday na birthday mo aalis ka? Tsaka babalik na kayo ni Ian mamaya sa school”

“Pupuntahan ko po sana si Tito sa Home for the Aged para po icelebrate yung birthday ko”

“Ah. Ganun ba? Maya maya ay aalis na tayo”

“Umm.. Susunod na lang po sana ako”

“Ano? Sigurado ka ba dyan? Makakapagcommute ka, isang van lang gagamitin natin”

“Opo. Ok lang po yun”

“Sige, magingat ka ha?”

“Opo. Salamat po. Ah nga pala Sir, ok na po yung gamit ko sa room”

“Tapos?”

“Padala po?” sabi ko na medyo patanong para kasing.. galit ba sya?

“Ayoko nga” sabi nya tapos nagismid pa. Seryoso?! =__=

“Ok?” akmang aalis na sana sya ng bigla syang tumawa.

“HAHAHAHAHA. Joke lang! XDD Sige sige. HAHAHAHA. Dadalhin namin. HAHA. XD” sabi nya na patawa tawa. Si principal nga ito. =____=

“Sige po, alis na ako”

“Ingat!” sabi nya na parang bata. =__=

~~~

Nakarating din naman agad ako sa Home for the Aged at sinalubong agad ni Tito ng kanta, narinig naman ito ng iba kaya kumanta narin. Nagpasalamat naman ako sa lahat at nakiusap na ilabas si Tito. Pumayag naman sila at nailabas ko si Tito, dinala ko muna sya sa isang restaurant  para maglunch. Nagkwentuhan na naman kami at hindi ko alam kung bakit lagi syang may bagong kwento. Sinadya ko talagang bumisita sa kanya, hindi dahil birthday ko pero dahil may magandang balita ako sa kanya. :) After lunch ay pumunta kami mall, at tuwang tuwa sya dahil namili kami ng bagong damit. Tuwang tuwa sya dahil amoy matanda na daw ang kanyang mga damit. Haha. XD Si Tito talaga. Parang niloko na rin nya ang sarili nya. XD Nang mga 3 na ng hapon, nagpunta ulit kami sa park at naguli-uli. Binili ko naman sya ng ice cream at masayang kinain ito.

I Love HIM?!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon