Chapter 42

6 1 0
                                    

Chapter 42

(Ian’s POV)

Pagkatapos nilang umalis ay nagpatuloy ang  pagiinspect ng bawat room, nakikinig ko pa ang iba na pinupuri at ina-idolized si Austin. Kung alam lang nila ang totoo, alam na din kaya nya? I mean, alam ko na akin yun pero alam nya ba? Paano magkakaganun sa room naming kung parehas kaming lalake? Maniwala din kaya syang kay Trixie yun? Pero alam nyang wala namang nangyari. At bakit nya ako niligtas kung ayaw naman nya sa akin? Sobrang daming tanong sa utak ko at hindi ko na maintindihan, isa pa nahihilo na ako. Siguro dahil hindi ako kumain simula pa kaninang tanghali at pagod dahil sa training. Akmang hahakbang na ako para pumuntang canteen ng may umakbay saken.

“Hey, Ian! Roommate mo si Austin bakit hindi mo sinabi samin na may nagaganap na pala sa kanila? Alam mo ba?” nilingon ko kung sino ito at nakita ko na naman si Gibi.

“Ha?” alam ko kung anong tinutukoy nya pero hindi ko alam kung bakit tumututol ang nasa isip ko kahit alam kong hindi naman yun nangyari. O ang puso ko ang tumututol?

“Malakas ba? Mabilis? Ano? Pano nangyari? Kagabi lang ba yun?” excited nyang tanong. Boys. Hayy.. Dapat sanay na ako pero anong magagawa ko, babae parin ako at nakakaawkward ang usapang ito.

“Hindi ko alam. Bye” pagiwas ko sa usapang yun at humakbang na paalis ngunit hinabol nya ako at inakbayan ulit.

“Hindi ko naman sasabihin kay Austin. Secret lang natin, dali na. Para namang hindi tayo naging magkateam dati eh” pangungulit nya. Ang kulit din ng isang to. Ano bang sasabihin ko? Hindi, akin yun. Walang nangyari sa kanila. Akin yun. Aalis na ako ha? Di pede yun no! Huminga ako ng malalim. Nakalam na ang sikmura ko.

“Hindi ko alam. Baka wala ako dun nung nangyari yun” pahina ng pahina kong sagot. Bakit nya ba kasi inangkin yun?! Galit sya saken ah! Syemay sasabog ako nito.

“Ay. Ganun? Sige salamat. Sayang no? Sana navideohan mo. Woo..” tinapik nya ang likod ko at muntik na akong maout of balance dahil sa ginawa nya. Mga lalake nga naman. Bakit ganun sila? Dapat narin ba akong maging ganun dahil nagpapanggap akong lalake? Hmm.. NO.

Nasa labas na ako ng dorm at nabigla ako ng makita ko sila, nanigas ako sa kinatatayuan ko. Syemay, Ian umalis ka na! Ang gaga mo talaga! Gusto mo talaga yung nasasaktan no? Bobo.

Nanginig ang buong katawan ko ng magtama ang mata naming ni Trixie. At para akong sinabugan ng bomba ng maghalikan sila. Shemay! shemay! Agad akong tumalikod at tumakbo palayo. Ang bobo bobo mo talaga! Alam mo naman na masasaktan ka pero nanatili ka pa dun at tiningnan sila, tingnan mo tuloy nakita mo yun! Ang gaga mo talaga!

Patuloy lang ako sa pagtakbo habang patuloy lang din ang luha ko sa pagtakbo palabas sa aking mga mata. Ayun, racing kami ng luha ko. Syete, nakuha ko pang magjoke? Shemay talaga! Ang sakit! Tae, ang sakit sakit.

Natigil lang ako ng may mabangga ako. “Ian?”

Tumingala ako at bigla na lang bumuhos ang mga luha ko. Shemay, nakita na naman nya na mahina ako. Niyakap nya ako at hinagod ang likod ko.

I Love HIM?!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon