chapter 9

46 2 2
                                    

Hi guyss💕 this chapter may kinalaman sa chapter 2. Kung sino ang nakita niya.....
Hahahaha. Salamat sa mga sumoporta sa aking paggawa ng storyang ito.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Nasa Hospital kami ngayon pauwi na. Dinala nila ako dito dahil nawalan nanaman daw ako ng malay. Ngayon pauwi na kami.
Lumabas na kami.

"Danica uuwi na tayo ah baka kasi mapano kapa kaya mas mabuting mag pahinga kanalang sa bahay niyo. Ikamusta mo nalang ako kay tita at tito." Sabi ni rushy pagsakay namin sa kotse. Sumangayon naman sila Randell at Darius sa sinabi ni Rushy kaya wala naman na akong magagawa kundi sumunod sa sinabi ni Rushy.

Nakatingin lang ako sa labas habang ang driver si Darius. Nakahinto ang sasakyan dahilan ng traffic. Habang nakatingin sa labas at sa pumapatak na ulan may napansin akong lalakeng nasa sasakyan hindi ko siya maaninag dahil sa bintana niyang transparent hindi ko maaninag ang mukha nito dahil ng ulan at ng basa sa bintana nitong sasakyan.

Habang inaaninag ko siya hindi ko maipaliwanag tong pakiramdam ko parang alam ko na kung sino siya pero pilit na sinasabi ng utak ko na hindi siya yon.

Nakita kong lumingon siya sa gawi nito alam kong hindi niya ako makikita naaninag ko natalaga ang kanyang  pagmumukha ng biglang humarurot na ang sasakyan namin.

Siya yon alam kong siya yon hindi ako nagkakamali... sinasabi sakin ng utak kong hindi siya yon pero pilit ko talagang alam na siya yon. Paanong?! Sinabi na saakin ng kanyang magulang na siya'y pumanaw na.

Pero paanong? Bat nakita ko siya, siya yon eh as in siya! Nakita ko mukha niya bago pa humarurut itong sasakyan! This is not the first time we met... pangalawa na ito nung una binalewala ko dahil feeling ko kamukha niya lamang ito pilit kong nilimutan yon.

Malilimutan ko na eh kaso bakit naman kung keylan malilimutan ko na saka ko siya makikita muli. Siya ba talaga un? Hindi kaya may kambal siya? Naramdaman ko nalang na tumulo na ang luha sa mata ko. I miss him so much! Damn it.

Lumingon si Rushy sa gawi ko at nagiwas ako ng tingin.

"Ayos ka lang Danica?" Tumango ako bilang sagot.

Sa sobrang pagiisip ko nakatulog pala ako. Nagising nalang ako nang gisingin ako ni Randell.

Pagbaba ko ng kotse bumaba din si Rushy. Nagtaka ako bakit siya bumaba

"Hindi ka sasabay sa kanila?" Tanong ko sakanya. Lumbas din si Randell.

"Hindi ka na sasabay saamin?" Pagtakang tanong niya.

"Hindi na mauna na kayo maguusap pa kami ni Danica" ano namang paguusapan namin? Hayst bala na. Nauna na sila Darius dimeretso ako sa dining area at uminom ng tubig.

Umakyat na kami at pumasok sa kwarto.

"Ano naman paguusapan natin?" Tanong ko rito.

"I have something to tell you" halata sa boses niya na seryoso paguusapan namin pagkasabi niya non kumabog ang aking dibdib.

"What is it Rushy?" Normal na tanong ko. Hindi ko ipinahalata na ako'y kinakabahan.

"We talked to each other" hindi ko maintindihan ang sinasabi ni Rushy. Kinunutan ko siya ng noo.

"What are you talking about? Who?" I asked him wonderfully.

"Stephen" deretsang sagot niya. Nabigla ako sa sinabi niya.

HOLY CRAP!

Not now please! Pinilit kong inintindi ang sinabi niya.

"Who's Stephen?" I asked again. Baka kasi ibang Stephen ang sinasabi niya. Pagsabi ko noon ay napansin ko ang pagtiim ng kanyang bagang

MY STALKERWhere stories live. Discover now