(Please read my note!)
——-
Dalawang taon na. Dalawang taon na ang nakalipas simula ng mangyare ang lahat ng iyon. Ang pagkawala sakin ni mika, ang pagkawala ng bestfriend ko at ng taong mahal ko.
Alam ko naman na kasalanan ko din kung bakit siya nawala sakin. Hinayaan ko siyang mawala sakin. Inisip ko lang ang sarili ko at sinalba ang sarili ko kahit na alam kong pwedeng mawala sakin si mika.
Sobra na akong nahihirapan. Sa sarili ko, kay bang. Hindi ko alam pero hindi ko naipaglaban si mika ng mga oras na kaya ko pa siyang ipaglaban. Unti unti nalang siyang nawala sa pagkakahawak ko kahit Alam ko naman kung paano siya hawakan ng mahigpit.
Ang hirap. Ang hirap na makita siyang nasasaktan ng dahil sakin. Pero bakit ang tanga tanga ko. Kahit alam ko yung nararamdaman niya hindi ko siya ipinaglaban.
Kaya isang araw. Nagising nalang ako na handa ng ipaglaban si mika. Na kaya ko ng panindigan ang nararamdaman ko. Pero tangina, huli na ang lahat. Masaya na siya, sa piling ng iba. Hindi na ako ang dahilan ng pag ngiti niya, ng pag tawa niya. Hindi na ako. Siya na.
Ng makita ko kung gaano kasaya si mika kay woojin, hindi ko na siya ginulo. Kasi kasalanan ko naman din kung bakit siya nawala at deserve niya yung happiness na iyon.
Pero halos ikamatay ko nung nalaman ko na naaksidente si mika at woojin. Kahit nasa manila ako non wala akong sinayang na oras at pinuntahan ko kagad sila. Nanghina lalo ako nung nakita ko si mika na naliligo sa sarili niyang dugo. Nakita ko din si woojin pero mas marami ang dugo na nasa katawan niya. Pinasok kagad sila sa ER at inasikaso. Diko nagawang tawagan ang ibang kaibigan namin at ang pamilya ng dalawa dahil sa sobrang pagkabigla.
16 hrs akong nagintay kay mika at woojin. Inoobserbahan parin silang dalawa dahil sa aksidenteng nangyari. Maraming nawalang dugo kay mika lalo na kay woojin.
Nakausap ko din ang police na nag check sa aksidente. Sabi nila bago pa daw ito mabangga ng truck ay mukhang may sira na yung break ng kotse kaya malakas ang naging impact nila mika sa truck. Mas grabe rin ang natamo ng pwesto ni mika kesa sa driver's seat. Alam kong may mali sa mga nangyari. At yung ang aalamin ko.
Unang lumabas sa ICU si mika at dinala sa private room. Nabalitaan ko rin na kukunin daw si woojin at ililipat sa hospital sa manila bago ilipad papuntang korea.
Nakita ko kung paano nadurog si mika pero mas nanaig yung kagustuhan niyang lumaban para sa anak nila. Sinamahan ko si mika, never ko siyang iniwan. Kasama niya ako ng lumaban siya para sakanila ni seonyul. At hanggang ngayon wala parin kaming balita sa tatay ni seonyul. Lumalaki na si seonyul pero alam ko at ni mika na hindi kami nagkulang sa pagmamahal sakanya.
Hindi ko parin alam kung ano yung nararamdaman ko kay mika pero gusto ko siyang i win back pero natatakot ako. Andyan na si seonyul, ayokong maisipan ng iba si seonyul kaya hanggang ngayon hindi ko parin alam ang dapat kong gawin sa relationship namin.
Pero sa ngayon, masaya na ako sa kung ano mang meron kami ni mika. Ayokong magtanong o magsabi ng ikasisira o ikaiiba ng tungo sakin ni mika. Magiging kuntento na ako at susuportahan ko si mika.
Hanggang sa dulo sasamahan ko siya. Kahit bilang bestfriend o higit pa.
—————
LONG Bbq's Note:After 8 months im here again with an update! Sabaw update! Choz pero i truly missed yall :(( sorry sobrang na writers block (damn) talaga ako tapos wala na akong mapiga sa utak ko hindi ko na madugtungan yung story. tapos problems sa acads and lovelife charot. Pero eto na nga, this will be the first chapter for the second part. Which also means that the whole second part will be ARA's Point of View. And im really sorry for the late update kasi to be honest parang gusto ko nalang i end yung story ng ganon lang, kasi sobrang nagulo na nga yung plot but ofc i wanted to give justice to this story :(( and to the readers. I also can't promise that i can update from time to time since im a graduating student and I don't always have the idea for the new chap butttt i wanted yall to know that im trying my best to continue this story kahit super sabaw :< kaya please stay and samahan niyo ako sa journey ng kara and woojin with the new baby seonyul :> Ayun lang! Thank you sa lahat, sa pag iintay! Any feedbacks and suggestions are much appreciated <3 lovelotss!!
BINABASA MO ANG
Euphoria (Mika Reyes And Ara Galang Ff)
FanfictionIn every love story there will be always an unexpected and unpredictable happennings that will surely change the flow of their own story, but maybe because of these, their lovestory will be more interesting and exciting - we will never know... until...