Ara's POVIlang araw na din ang nakalipas pagkatapos naming mag usap at magkaayos ni mika. Unti unti na rin kaming bumabalik sa dati. Yung kulitan, bullyhan, pagiging clingy at gala.
At unti unti na ring bumabalik yung feelings ko sakanya. pero di ko alam baka nabigla lang ako kasi diba na miss ko siya, na miss ko yung bestfriend ko.Buti nalang at pumunta sa America si bang kaya ayun nakakapagbonding kami ni mika kahit kelan namin gustuhin. Ngayon nga ay nasa Dome kami para kumain.
Dumating na yung waiter para kunin yung oorderin namin.
"Ano ye? May napili ka na?"
"Yup meron na hahaha. Uhm isang shrimp pasta, chicken, cheesy fries and iced tea. Ikaw vic?" Takaw nento hahaha
"Palitan mo lang yung shrimp pasta ng carbonara tapos yung iba ganon na rin sakin. Thank you"
After 20 minutes ay dumating na yung food namin.
"Shemay! Ang sarap talaga nentong shrimp pasta! Da best! Hmm!" Sabi ni yeye at takam na takam na parang bata. Ano ba yan may dumi pa sa gilid ng labi. Haha
"Ano ba yan ye, halika nga dito" at kumuha ako ng tissue at pinahiran yung dumi sa gilid ng labi nya. At ang loka ay namula. Hahahaha
"Dat sinabi mo nalang na may dumi para ako na ang nagtanggal hahaha thank you ara" ngumiti lang ako at tinuloy na namin ang kwentuhan.
-----
Mika's POV
Dinala ako ngayon ni ara sa may dome, kakain daw kami. Ayos na kami at unti unti na kamong bumabalik sa dati hahaha di ko nga naiisip na may jowa syang psycho HAHA char. Busy ata si bang.
Grabe sarap na sarap talaga ako dito sa shrimp pasta nila! Tuloy tuloy lang ako sa pagkain na parang first time ko ito, bigla namang nagsalita si ara.
" Ano ba yan ye, halika nga dito" lumapit sya ng kaonti at pinunasan yung gilid ng labi ko. Jusko bat parang nakuryente ako sa ginawa nya? Ramdam ko yung pag init ng pisngi ko at hindi ko pinahalata kay ara kasi alam nyo na nakakahiya. Nagsalita nalang ako para mawala yung kilig ko hahaha
" Dat sinabi mo nalang na may dumi para ako na ang nagtanggal hahaha thank you ara" at nginitian nya lang ako.
Nag kkwentuhan lang kami ng kung ano ano. Pero dahil sa kadaldalan ko ay di ko napigilang tanungin kung anong nangyari kay bang.
"Asan ba si bang?" Tanong ko kay ara at parang nagulat sya sa tanong ko.
"Nasa america, may inasikaso sa work nya. Bat mo naman biglang natanong?" Diretsong sagot nya.
"Wala naman hahaha kasi baka mamaya may sumugod dito pag nakita tayong magkasama"
"Baliw hahaha basta kasama mo ako, walang mangyayareng masama sayo" tangina biglang nagkaroon ng karera sa puso ko. Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko. Yun lang yung sinabi nya pero grabe yung impact! Lalabas na ata yung puso ko. Juicecolored! Balak pa atang kunin ni ara.
Pero teka, matagal na nyang kinuha yung puso ko....
********
HELLOOOOO hahahaha Dahil madaming ganap ang kara sa M&G masyadong masaya ang puso ko kaya nag update ako pero maikli lang hihihi! Kilig na kilig pa rin ako shemay 🙈 sayang nga lang at di ako nakapagpapicture kasi sobrang daming tao as in :(( pero worth it lahat ng pagod nung nakita ko na sila ♥ haha pag magkasama talaga si mika at ara nagiging girly si ara hahaha alam nyo yun meron talaga e kahit anong sabihing #NOMALICE wala, wala kaming magagawa kasi mismong puso namin ang nagsasabi na meron hahaha pero syempre respect parin para masaya dibuuuuh! Ang daldal ko na! haha paramdam naman kayo :((
feel free to vote and comment! Lab lab 😘
-bbq
BINABASA MO ANG
Euphoria (Mika Reyes And Ara Galang Ff)
FanfictionIn every love story there will be always an unexpected and unpredictable happennings that will surely change the flow of their own story, but maybe because of these, their lovestory will be more interesting and exciting - we will never know... until...