chapter 12

366 9 1
                                    


Mika's Pov

Ilang araw ng di kami nagkikita ni ara. Diko na alam kung anong nangyare sa babaeng yon.

Minsan nga andyan nalang sya bigla. Tapos minsan wala namang paramdam.

Ano bang nangyayare?

Ako lang mag-isa ngayon sa condo kasi may kanya kanyang lakad ang mga bruha, kaya ako buryong na buryong na dito.

Si ara lang kasi yung naiisip kong pwede akong samahan kung saan kaso naisip ko na baka may lakad sila ni bang or nagbonding sila.

Nakita ko kasi kagabi yung tweet nya na nakabalik na sya from US.

"haaaaay nakakatamad naman mag mall ng magisa tapos ang init rin. Haaaay"

Mababaliw na ata ako. Wala akong makausap.

Bumuntong hininga nalang ulit ako dahil wala talaga akong magawa.

Bigla namang bumuhos ang ulan. Buti nalang at di ako tumuloy mag gala kundi super hassle nento.

Nakalipas na ang ilang oras hindi parin tumitigil yung ulan at mas lumakas. Nag text na rin yung mga bruha na matatagalan sila sa pag uwi at magpapatila muna.

Kaya eto ako ngayon mag isa at nilalamig. Na kailangan ng yakap. Charot!

Bigla namang may nag doorbell.

*dingdong*

Binuksan ko agad ang pintuan at nagulat ako sa nakita ko.

"ARA?!" Basang basa si ara ng dahil sa ulan. Mukha syang basang sisiw at lugmok na lugmok.

"Mi--kkkah" nanginginig nyang sabi. Grabe nangangatog talaga sya sa lamig.

"Ara! Omg what happened to you?! Halika nga dito! Pumasok ka nga" pinaupo ko muna sya sa sala at pumunta ako ng kwarto para kumuha ng towel

Pinunasan ko sya at nilagyan ng towel sa katawan.

"Gosh ara! Ano bang pumasok sa isip mo at lumusong ka sa malaks na ulan? Ha?! Nahihibang ka na ba?! Pano kun---" naputol ako sa pagsasalita dahil bigla akong niyakap ni ara

"Mika"

"Hoy bakit ka umiiyak? di ko pa nga tapos yung sinasa----"

"Wala na kami" pinutol nya ulit ang pagsasalita ko na ikinagulat ko

"Huh? anong ibig mong sabihin?"

"Wala na kami ni bang."

Halo halong emosyon ang naramdaman ko. Tuwa,lungkot, awa para kay ara.

"Bakit? Tyaka Kelan pa?"

"Kanina lang." Tulala lang si ara. Grabe ngayon ko lang syang nakitang ganyan after nung kay tito, papa niya.

"Sino... Uh sino ang nakipaghiwalay?" Diko alam kung tama bang itanong ko sakanya yon pero wala na, nasabi ko nanaman.

"Ako..." Tumingin sya sakin "Hindi ko na kasi maramdaman yung love, yung sparks wala na... Parang iba na sa dati. Ibang iba na."

Di ako nagsasalita. Pinapakinggan ko lang sya.

"Kanina nung pinaalis ko sya sa condo ko, parang may kung anong nagsasabi sakin na balikan ko siya pero mas nananaig yung 'ayoko na, tama na yung dalawang taon'."

May tumulong luha sa mata niya pero agad niya ring pinunasan ito.

"Pero tama pala talaga yung ginawa ko kasi nakita ko syang may kahalikang lalaki sa mall kanina. Tangina mika para akong makakapatay kanina! Ginago ako e! Pinagmukha nya akong tanga!"

"Tama pala lahat ng rumors sa social media... Pero ako tong tanga na naging sunod sunuran sa pag-ibig. Hindi pala deserving na mahalin si bang"

Niyakap ko si ara. Ramdam ko yung bigat sa nararamdaman nya.

"Tahan na ara. Atleast ngayon malaya ka na. Malaya ka na sa piling ni bang. Tama na yung 2 years para sa inyo."

"Mika pwede bang dumito muna ako?"

"Oo naman. Welcome ka naman palagi dito."

Ngumiti lang sakin si ara. Sinabihan ko syang pumasok muna sa kwarto ko para makapag pahinga.

Naaawa ako kay ara. Di nya deserve na masaktan ng ganito. Hindi ako papayag na masaktan ulit ng ganito





ang Taong Mahal Ko.






-------

Stay strong kara babbbbbiees 💕

-bbq

Euphoria (Mika Reyes And Ara Galang Ff)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon