Chapter 1

48 3 0
                                    

"Ang hirap naman sumakay" sabi ko sa sarili ko.

Jusko anong oras na late na ako bakit kasi ang tanga-tanga ko at hindi ko na-iset ang alarm clock ko. Nakakabwiset.

10 minuto na akong nakatayo dito pero wala pa ring dumadaang jeep tapos ang rami pang tao kasi alas-7 na.

***

Nakadating na ako ng school.

Oo masaya akong nakarating na ako pero ang problema.... Isang oras akong late.

*katok katok*

" Excuse me ma'am, sorry I'm late may I join your class?" Mahinang pagtatanong ko pagbukas ko ng pintuan.

"Wow! Ms. Enriquez, ang galing naman ng pagka late mo. Isang oras." Pagtataray ng matandang dalaga kong Physic teacher na si Ms. Dumatayo

"Well, ano pa kaya magagawa ko. Pumasok ka na. Bahala ka kung magets mo ang lesson" hayyyyyy! Ang terror talaga

Dumiretso na ako sa aking upuan.

"Kaya walang nagkakagusto sayo eh. Ang sungit sungit mo" sabi ko. Pero syempre sa sarili ko lang baka matuluyan ako eh

Pagka-upo ko

*boogsh*

"a-aray" ako.

Nagtawanan ng malakas ang mga kaklase ko, as in malakas talaga.

Pagkaupo ko lang naman, nasira ang upuan ko kaya ayun dumiretso ako sa napakatigas na sahig.

"Class! Quiet." Sigaw ni Ms. Dumatayo.

Tumahimik naman silang lahat.

"And you Ms. Enriquez find your seat" sungit.

Yumuko na lang ako at dumiretso sa isa pang bakanteng upuan sa likod.

Sobrang sakit ng balakang ko.

Tumulo na ng tuluyan ang aking mga luha, pinigilan ko ang mga hikbi na gustong kumawala sa akin mga labi.

Umupo na lang, kinuha ang aking libro at umiyak lang ng umiyak.

Ako nga pala si Laica Rie( pronounced as Ree) Enriquez, 16 years old. Ang nag-iisang commoner sa pinaka pang-mayamang school dito sa Pilipinas, ang Moñette High. Ako ang dakilang laging pinagtritripan ng mga tao dito in short binubully. Wala akong kaibigan, syempre pano ako magkakaroon ng kaibigan kung ang batayan nila sa pagkakaibigan ay kung gano ka kayaman. Kung nagtataka kayo kung pano ako nakapasok dito, scholar lang naman kasi ako dito, di dahil matalino ako kundi dahil sa tita ko. Dito kasi siya nagtratrabaho kaya ni-sponsor niya ako.

Ang Moñette High ay isa sa pinaka-prestigious school sa ating bansa. Kilala ito sa buong mundo, maganda rin ang mga facilities nila, canteen palang feeling mo nasa fine dining ka na, mahal ang mga pagkain, 500+ per meal, kung nasa normal lang akong eskwelahan baka pang isang linggo ko na ang mga kinakain ng mga tao dito, kaya nga ako nagbabaon ako kasi di naman kami ganong kayaman para makabili ako ng ganung kamahal na pagkain araw-araw. Ang mga classrooms ay malalaki, each section may lamang 30 students na may sariling malaking desk at swivel chair, yung parang sa mga offices, pataas din ang sahig sa bawat classroom. Mayroon ding sobrang laking field para sa mga soccer player, kahit may malaking field na, mayroon ding napakalaking gymnasium na mayroong basketball court, volleyball court, tennis court, table tennis room, badminton court, malaking lapping pool sa rooftop at sobra pang rami pa. Mayroon ding lounge building, may shower room at coffee shop, pero mga members lang ang nakakapasok dun, kailangan mong magbayad ng 20,000 a month para ma-retain ang membership mo.....

"Okay class that's all, see you tomorrow"

Ay tapos na pala haha di ko na napansin.

Naglabasan na ang mga kaklase ko, may 15 minutes break kasi kami bago ang next subject.

Ako na lang ang natira, tumayo na rin ako para kunin yung iba ko pang gamit sa locker ko

Nagkalat ang mga studyante sa hallway.

Nung nasa locker na ako.....

"Hoy."

Biglang may nagsara ng pintuan ng locker ko

To be continued.....

I'm inlove with my BULLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon