Chapter Six

286 25 17
                                    

goddylieflor as promised. This chap is for you. 😊😊

MARIDEL

Napabalikwas ako n bangon ng magising ako. Napaupo ako sa kama at tiningnan ang orasan ten o'clock na ng umaga.

"Bakit ako tinanghali ng gising ano bang nangyari. First time to." Pilit kong inalala ang nangyari pero wala akong maalala. Napa hilamos ako ng mukha ko diretso haplos ng buhok ng sumakit naman ang kaliwang kamay ko.

Tiningnan ko ang kaliwang pulsuhan ko, naka benda ito. Napakunot ang noo ko. Wala akong maalala na may ganto ako kahapon. Kaya mabilis kong kinalas ang benta sa kamay ko.

Meron itong dalawang butas na maliit at mukhang namumula pa ito. Mukhang malalim ito. "San ko to nakuha?" Nagtataka man ay binalik ko ang gasa na nakatakip dito. Nagtungo ako sa bathroom para mag simula ng ritwal ko sa umaga.

Mula pagkagising ko ay ginugulo na ako ng parang weird na nangyari sa akin pero hindi ko naalala. Inabala ko na lang ang sarili ko sa paglilinis ng kwarto ko at inipon ang mga maruming damit ko para maglaba.

Mag aalas dose na ng matapos ako sa pag lilinis at kumakalam na rin ang tyan ko sa gutom kaya naman nag pasya na ako bumaba dala ang mga labahan kong damit.

Iniwan ko ang labahan ko sa puno ng hagdan at dumiretso ako sa kusina para kumain. Pagbukas ko ng ref ay nakita ko yung ulam kagabi. Naalala ko kagabi si Emrick yung usapan namin kagabi.

"I'll fetch you at three PM. Okay lang ba." Naalala kong sabi ni Emrick kagabi.

"Oh my God! Nakalimutan ko!" Nagpapadyak ako sa inis. Makakaen na nga at makapag prepare na. Ininit ko na lang sa microwave yung ulam kagabi at tinanggal na rin pagkakasaksak ng rice cooker na isinalang ko kanina. Almost one na rin ako ng matapos kumain at maghugas ng pinagkainan.

Mabilis akong umakyat pataas para mag asikaso na ng sarili. "Maliligo ulit ako pinagpawisan na ako kanina nung naglinis ako.

Ilang minuto din akong tumapat sa shower, kinuha ko na rin ang straberry shower gel ko. Favorite ko ang strawberry flavor na shower gel ko sa special occasion ko lang ginagamit to.

Pagkatapos ko naligo ay nag lagay ako ng lotion bago namili ng damit. Ang hirap mamili. Wala naman sinabi kung saan man lang kami pupunta.

"Ano ba yan ano ba isusuot ko." Sa kinapipili ko ay napili ko na lang ang black bodycon dress. Sleek stretch sleeveless bodice v neck and strappy open back ang design nya. Magdadala na lang siguro ako ng cardigan in case na malamig sa labas.

Nag lagay muna ako ng light make up para naman hindi ako mukhang plain lang at inayos ko ng fishtail braid ang buhok ko. Nang ma satisfy na ako sa itsura ko ay  nagbihis na ako at nagsuot ng heels. Napatingin ako sa orasan three twenty na wala pa si Emrick. Kinuha ko ang pouch ko at bumaba na. Sa sala ko na lang sya hihintayin.

Naupo ako sa sala at naghintay pero walang emrick na dumating. "Baka na traffic lang." Sumandal ako sa sofa at napahikab ako. Hindi ko na namalayan nakatulog na ako.




EMRICK

Hindi mawala sa isip ko ang ginawa ko kagabi kay Maridel. Sana lang hindi malaman ng Elder ang ginawa ko.  Paliko na ako ng makita ko ang ilan sa Death Dealer, isa itong military forces ng coven. Kaya napahinto ako sa pag dadrive.

"Emrick bumaba ka dyan." Kalmadong sigaw ni alesandro.

Napahilamos ako ng mukha ko mukhang alam na nila ang ginawa ko. Kaya wala akong nagawa kung ang bumaba. Binuksan ko ang pinto ng sasakyan ko at lumapit sa kanila.

Crimson LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon