EMRICK
"Wake up sleepy head." Bulong ko sa natutulog na si maridel. Litaw ang likod nito habang nakadapang nakayakap sa unan.
Kitang kita ang mga love bites nya sa katawan na ginawa ko kanina. Yumuko ako at hinalikan ang nasa balikat nito.
"Wake up na yam." Umupo ako sa tabi nito at nilandas ang kamay ko sa likod nya.
Bahagya itong gumalaw. "Stop it Emrick i'm tired." Sabay talukbong ng kumot.
"Tatayo ka dyan o papagurin ulit kita." Natatawa kong sabi dito.
Umupo naman ito at itinakip sa katawan nya ang kumot at masamang tumingin sa akin. Hinampas pa ako nito ng unan. Natatawa kong sinalo ang unan.
"Ang bango mo yam my scent is all over you." I sniffed her hair it makes me calm.
"Ewan ko sayo emrick para paraan ka. Bakit mo ba ako iniistorbo sa pagtulog ko?" Inis nitong tanong sa akin.
"Itutuloy na natin yung date natin." Nakangiti kong titig dito habang inipon ang nagkalat nyang buhok at isinipit sa tenga nya. Tinitigan ko ang mukha nya na tila kinakabisado ito, hindi ako magsasawang titigan ito. "I love you maridel, always." At hinalikan mo ito sa noo. Saka niyakap ito at hinilig nya ang ulo nya sa dibdib ko.
Kinuha ko ang kamay nito at itinapat sa sinag ng araw na lumulusot sa bintana. Nilalaro ko ito sa sinag ng araw. Sana hindi na matapos ang araw na to at hindi na dumating ang araw na ikinatatakot ko.
Ibinaba ko ang kamay nya. "Mag ayos kana para hindi tayo gabihin pag punta sa pupuntahan natin." Bumaba ako ng kama at binuhat ito at dinala sa bathroom. Pagdating sa pinto ay nagpababa na ito at pumasok na.
Pagkatapos nya maligo ay nagbihis na ito at isang floral dress ang suot nito. Bagay na bagay sa kanya para sya manika.
Sabay na kami lumabas ng bahay. Pinagbukas ko sya ng shotgun seat at lumipat ako sa driver seat at nagmaneho na papuntang sa isang beach resort.
Umabot din ng ilang oras ang byahe namin. Tulog na tulog ito sa upuan. Hindi ko na sya inabala gisingin pa at binuhat ko na lang ito papuntang hotel room.
MARIDEL
Nagising akong nasa isang kwarto na ako. Napaupo ako sa pagkabigla at iginala ang paningin ko. "Emrick?" Tawag mo pero walang sumagot.
Bumaba ako sa kama at isinuot ang sapatos ko. Nakita kong may note sa side table kaya mabilis ko itong kinuha at binasa.
Meet me at the seashore.
-EmrickHinaplos ko ang buhok ko at pumunta sa tabing dagat.
Malayo pa lang ay nakikita ko na ang hinanda ni Emrick. Mula sa bukana ng path walk na daan papunta sa tabing dagat ay may naka sabit na mga balloons at may nagkalat na rose petals sa sahig.
Hinubad ko ang sapatos ko at umapak sa mga rose petals. Nararamdaman ko sa talampakan mo ang lambot ng mga petals. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang malapit na ako sa dulo ng path walk pero wala parin si Emrick. Hanggang may naglagay ng blind fold sa mata ko.
Hindi ko na kaylangan alamin kung sino dahil pabango pa lang nya alam ko na kung sino.
"Emrick ano ba to?" Tanong ko dito habang tinatali ang blind fold sa likod.
"Surprise." Bulong nito sabay buhat sa akin. Kumapit na lang ako dito at hinintay ang susunod na mangyayari.
Naramdama ko na lang ng ibaba ako nito at tinanggal ang piring ko. Nag adjust pa ang mata ko sa liwanag ng papalubog na araw. Nang makapag adjust ang mata ko ay tumingin ako sa nakangiting si Emrick. Tumingin ako sa paligid, maliit itong cottage na nasa gitna ng dagat at may mahabang pathway papunta dito.
Kitang kita mo ang reflect ng araw sa tubig. Tinignan ko ulit sya, all i can see is how much he loves me. Hinawakan nya ako sa bewang at nilapit nya sa katawan nya sinandal ko sa dibdib nya ang ulo ko. Idinikit nya ang pisngi nya sa ulo ko.
Nagsimula kami sumayaw kahit walang tugtog. Iisa ang galaw namin sa tugtog na kami lang ang nakakarinig. Parang gusto sumabog ng puso ko sa sobrang kasiyahan.
Masuyo nya akong hinalikan sa noo. Napapikit ako sa emosyon na hatid ng halik nya. Hinalikan nya ako sa tuktok ng ilong at sa pisngi bago nya dinampian ng halik ang labi ko. Puno ng pagsuyo ang halik nya kahit dampi lang ito madadama mo ang emosyon na gusto nya iparating.
Pagkatapos nun ay niyakap nya ako. "Lagi mong tatandaan mahal na mahal kita maridel, ano man ang mangyari sayo lang ang puso ko."
Naiyak na lang ako sa sinabi nya. Hindi ko alam para saan ang luha ko.
Tumagal kami ng ilang minuto ng ganun at kumalas ito ng pagkakayakap sa akin at hinawakan ang mukha ko saka pinunasan ang luha ko.
"Wag kana umiyak sayang ang date natin." Nakangiting sabi nito at inaya ako sa duyan na naka kabit sa cottage. Umupo ito at pinaupo ako sa tabi nya at pinasandal sa kanya.
Parehas kaming nakatingin sa papalubog na araw. Kinuha nya ang kamay ko at nilaro ito, at may isinuot sa daliri ko na singsing at hinalikan nya ito.
Gabi na ng naglakad kami pabalik sa tabing dagat. Pasan ako nito sa likod nya habang naglalakad kami sa buhanginan.
"Ganyan ka parin kaya sakin Emrick kahit matanda na tayo?" Wala sa loob kong tanong dito.
Tumawa naman ito." Oo naman kahit matanda kana bubuhatin parin kita ng ganto."
"Grabe di kaya mabali ang likod mo nun parehas na tayo matanda nun." Natatawa kong sabi habang nakayakap sa leeg nya.
Hindi na ito sumagot at tuloy lang sa paglakad. Inihilig ko ang ulo ko sa likod nya habang buhat ako.
Pagkarating namin sa hotel ay kumain lang kami at umuwi na rin. Nag ba byahe na kami pauwi.
"Matulog kana muna gigisingin kita pag nasa bahay na tayo. Nakangiting sabi nito sa akin at tumango ako at umayos ng upo.
"Yam wake up. Nandito na tayo" bulong sa akin ni Emrick na nagpagising sa akin. Hindi ko alam kung ilang oras ang byahe namin. Tinanggal nito ang seatbelt ko at lumabas para pagbuksan ako. Pagkasara ng pinto ng kotse nya ay tumungo na kami sa bahay. Bago ko pa lang ilulusot ang susi ng pihitin ko ay bukas ito. Pag bukas ko ay bumungad sa akin ang galit na mukha ni mama at nalipat ang tingin nya kay Emrick na lalong nagpagalit sa itsura ni mama.
"Bakit kasama mo ang demonyong yan!" Galit na turan ni mama at gigil na gigil na sumugod sa amin.
Agad kong hinarang si mama na susugod sana kay Emrick. "Ma! Tama na yan, wala naman ginawa masama sa inyo si Emrick."
Galit na bumaling sa akin si mama at malakas na sinampal ako. "Wala kang alam maridel!"
BINABASA MO ANG
Crimson Love
VampirgeschichtenMaridel Laurice is a realistic person. Hindi sya umaasa sa mga bagay na tingin nya ay madalang pa sa patak ng ulan mangyari . Destiny? Love at first sight? Fairytale like love story? Forever? Ilan lang yan sa mga bagay na hindi inaasahan ni Maridel...