Chapter Ten

254 21 12
                                    

noy143 thank you sa pag bbasa at pag vote. 😊😊

ADRIANA

Nakaharang si Maridel kay Emrick. Pinoprotektahan nya ito laban sa akin.Nakita kong suot nito ang ginawa kong daylight amulet na ginawa para sa kaibigan kong ahas na kanyang ina.

Mabilis akong nagcast ng spell para masira na ito. "Sul opraem chele kouzlo." At bigla na lang nabasag ang singsing na suot ni Emrick.

Ako ang gumawa ng vampire ring nitong suot. Kung kaya ko gawin mas lalong kaya ko sirain. Nagulat ito sa ginawa ko. Napangisi naman ako.

Ito ang magpoprotekta at dahilan kung bakit sila nakakalakad sila sa gitna ng sa sinag ng araw.

"Umalis ka sa demonyong yan Maridel sinasabi ko sayo!" Galit kong utos kay Maridel na pilit hinaharangan si Emrick.

Mabilis kong nag cast ng isang spell at humagis ito palabas ng bahay. "Ma! Ano ba tama na?!"

Umiiyak na pagmamakaawa nito at tumalikod sa akin pupuntahan nya sana ito pero bago pa man sya makalabas ay nag cast ulit ako ng isa pang spell "Apné sà mene". Isa itong room isolation spell kung saan hindi makakalabas o makakapasok ang sino man sa isang may spell na lugar.

"Kahit anong gawin mo dyan hindi ka makakalabas Maridel." Galit na tumingin ito sa akin.

"Ang laki ng problema mo Ma! Walang ginagawa sayo yung tao tapos ginaganyan mo." Galit nitong sumbat sa akin.

"Kung ganun hindi mo pala alam kung anong klaseng nilalang yang pinagtatanggol mo." Napangisi akong tumingin kay Emrick na nasa labas. Mukhang natakot ito at tumingin si Maridel sa kanya na tila naguguluhan.

"A-anong ibig mong sabihin Ma?" Napatigil ito sa pag iyak at nagpalipat lipat na tingin sa akin at kay Emrick.

"Hayaan mong ipakita ko sayo kung anong klaseng nilalang yang pinagtatanggol mong lalake." May kinuha akong maliit na bote at itinaktak ko ang laman sa kamay ko at may sinabing munting dasal at hinipan ang powder sa kamay ko,sumama ito papunta sa hangin maya maya pa ay napa hawak sa dibdib si Emrick mukhang nahihirapang huminga.

Pagtingin nito sa pwesto naman ay kitang kita kung gano ka pula ang mata nito at humaba na ang  pangil nito pati ang mga kuko.

Makikita mo ang pagkagulat sa mukha ng anak ko. Napaatras pa ito sa takot. Pilit nilalabanan ni  Emrick ang pagpapalit anyo nya pero hindi nito magawa. Malalim ang hinga nito at matalim ang tingin nito sa akin.

Tinusok  ni emrick ang balikat nya ng matalas nyang kuko paraan ito ng bampira mabawasan ang dugo nila at manghina at hindi lumabas ang halimaw nilang pagkatao.

Mukhang nanlalabot na si Emrick at malalim ang mga hinga nito.

"Tama na!" Umiiyak na sigaw ni Maridel habang naka salampak na nakatakip ang mata. Dahil sa pagsigaw nito ay nabasag ang nilagay ko spell. Mabilis itong tumayo at nilapitan si Emrick na nagsisimula ng manghina.

"E-emrick." Umiiyak  nitong tawag at hinawakan ang mukha ni Emrick na maputla na at mukhang nanghihina na. "Uminom ka ng dugo ko." Itinapat nito ang pupulsuhan nya sa bibig nito.

Pag kinagat ni Emrick si Maridel sa ganung sitwasyon maari itong matuyuan ng dugo at maging katulad nila hindi ko papayagan.

Lalapit sana ako para pigilan pero niyakap lang ni Emrick si Maridel. "no yam.."

Napaiwas ako ng tingin dito at lumapit ako. Hinatak ko sa kamay si maridel patayo. Bumulong ako ng dasal at biglang nawalan ng malay si maridel inilalayan ko ito sa bewang at inilagay ang kamay sa balikat at dinala ko ito papasok.

Crimson LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon