Chapter 15

483 22 15
                                    

THIRD PERSON

Sa isang mahaba at madilim na pasilyo kung saan tanging liwanag na galing sa ilaw na nasa dingding nito ang nagsisilbing gabay patungo sa daan papunta sa dulong bahagi nito. May mga yabag ng paparating na tao ang maririnig mo.

Patungo sila sa dulong bahagi ng pasilyo kung saan nakalagak ang mga bihag nila.

Kalansing ng mga susi at langitngit ng binuksang bakal na punto ang maririnig.

Huminto ang isa sa mga lalake sa harap ng walang malay na si Adriana. Malakas na sinipa niya ito sa tyan na syang nagpagising dito. Napaigik at namilipit sya sa sakit dahil sa sipa.

May mga natuyong dugo ito sa gilid ng labi at sa bandang sintido nito. Nang hindi pa ito tumayo ay sinabunutan sya nang isa pang lalake at hinatak patayo.

Inangat nito ang ulo ni adriana at iniharap sa lalakeng sumipa dito. Pero imbes makakitaan ng takot si Adriana ay ngumisi lamang siya sa lalakeng nasa harapan nya na syang ikinagalit nito.

Isang malakas na sampal ang lumapat sa pisngi ni Adriana na naging dahilan ng pagdugong muli ng gilid ng labi ni Adriana.

"Matapang ka parin sa kabila ng kalagayan mo ngayon ha." Mayabang na sabi nito kay adriana.

"Yan lang naman ang kaya nyo diba ang manakit ng walang laban." Pang uuyam ni Adriana at idinura ang dugong nasa bibig nito.

Humalakhak ang dalawang lalake sa sinabi ni Adriana. "Tutal nabanggit mo na lang din ang walang laban na yan. May surpresa sayo su pinuno na siguradong ikatutuwa mo." Nagtawanan ulit sila at tila natuwa sa pagkabigla ni Adriana.

Naisip nya agad ang anak nya. Wag naman sana ang anak ko. Ngayong makakaharap ko na ang pinuno ng aming angkan.

"Lakad! Kung ayaw mong kaladkarin ka namin papunta si harap ni pinuno." Tinulak nito palabas ng selda si Adriana at pinauna lumakad habang naka antabay sila sa likod.

Nang pumunta ako dito kahapon ay sinadya kong hindi lumaban at magpahuli. Wala akong dapat sayangin na lakas at kapangyarihan para sa hinihintay kong pagkakataon.

Kaylangan ko makaharap ang dating pinuno ng aming angkan para ako mismo ang kumitil ng buhay nya bago pa man niya makuha at magawan ng masama si Maridel.

Ngayon na ang ika isaan daang siglo ang pinaka hihintay nilang pagkakataon para buhayin ang pinaka unang itim na mangkukulam.

Ayon sa mga kwento ay sa kanya nagmula ang lahat nang kaguluhan dati itong mabait naanggagamot dahil sa kasakiman sa kapangyarihan ay naging ganid ito. Ginamit niya ang kaalaman niya sa mahika para pumatay at kunin ang kapangyarihan ng ibang nilalang sa mundo.

Nagsakripisyo sya ng mga walang malay na mga bata at kadalagahan na anak ng mga mabuting manggagamot kapalit ng kapangyarihan at buhay na walang hanggan.

Kailangan nya magsakripisyo ng isang daang buhay ng mga susunod na tagapag mana ng kapangyarihan ng mga manggagamot.

Kaya gumawa agad ng aksyon ang mga manggagamot para supilin ang itim na mangkukulam. Nagsakripisyo ang mga naturang pinunong manggagamot ng mga bayan para lang masupil ang kasamaan nito. Gumawa sila nang seal ang naturang libingan nito kapalit ng buhay nila. Walang sino man ang nakakaalam ng seal na yon maliban sa taga pangalaga ng Grimoire.

Isa itong spell book kung saan nakarecord ang mga Spell, Rituals, potion at kaalaman sa mga gamot pero naglalaman din ito ng mga hexes, curses at mga dark magics. Depende ito kung sino ang hahawak sa kanya kaya delikado kung isang masamang witch ang makakahawak dito.

Mabigat na responsibilidad kung sino man ang mapipiling taga pangalaga dito. Dahil sa oras na naising buhayin muli ang nasabing mangkukulam ay buhay mismo ng tagapangalaga ang magiging alay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 09, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Crimson LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon