Chapter 14

202 15 4
                                    

makabagongrosa25 thank you sa pagbabasa sorry kung late. Mahina net ko kagabi. Pero as promise. this chapter is for you, enjoy reading. 😊😊

PAULINE

Sunod sunod na katok ang nagpagising sa akin. Pagdilat ko ng mata ko ay sinag ng araw ang sumalubong sa paningin ko kaya napapikit agad ako.

Nagpalipas ako nang ilang sandali bago ako ulit dumilat at napatingin sa orasan na nakapatong sa side table.

"Ala sais pa lang ah? Sino kaya yon?" Nagtataka man ay umupo na ako at narinig ko nanaman ang pag katok.  Hinaplos ko ang buhok ko at inabot ang pang ipit ko ng buhok. Napagpasyahan ko ng bumaba para tingnan kung sino ang bisita.

Isinuot ko ang tsinelas ko na nasa gilid ng aking kama at tumayo ngunit napaupo lang ulit ako ng makaramdam ako ng biglang pagkahilo.

Pakiramdam ko ay nagdilim ang paligid ko at sumakit ang ulo ko kaya napahilot ako ng sintido ko. Nanatili ako nang ilang sandali pero tuloy parin sa pag katok ang tao sa baba.

"Hindi ba alam ng taong to ang salitang hintay." Inis akong tumayo at tinungo ang pinto. Hilo man ay mas nanaig sa akin ang inis.

Pagkabukas ko ng pinto ay familiar na mukha sumalubong sa akin. Napakunot ang noo ko sa inis at pagtataka. San ko nga ba nakita ang lalakeng to?

May matamis na ngiti itong nakatingin sa akin.  At inabot nito sa akin ang isang pumpon ng pulang rosas. Napataas ang kilay ko at tiningnan ang hawak nya.

"For you." Nakangiti nitong sabi at hinihintay na abutin ang bulaklak.

"Seryoso? Inistorbo mo ako para lang dito?" Naiinis kong sabi at inabot ang bulaklak at isinulsol sa dibdib nya.

Pero hindi manlang sya nagulat sa ginawa ko at parang giliw na giliw pa sa ginawa ko. Hindi ko maintindihan kung anong emosyon ang nakita ko sa mata nya para akong napaso kaya napaiwas ako ng tingin.

Ilang minutong katahimikan ang namayani sa amin bago sya nagsalita ulit.

"Kamusta kana?" Malumanay nitong tanong sa akin habang nakatingin sa mga mata ko at tila kinakabisado ang mukha ko.

Napaiwas ako ng tingin sa ginawa nya. "A-ayos lang. Salamat." Malamig kong sagot dito pero ang totoo ay todo kaba ng dibdib ko nang marinig ko ang boses nya. Pakiramdam ko ay hinahalukay ang tyan ko.

Inabala ko ang kamay ko sa pag hawak sa mga bulaklak. Mahinang halakhak ang narinig ko mula sa kanya. Nairita ako sa tawa nya kaya sinimangutan ko ito.

Nakasimangot akong tumingin dito pero tinawanan lang ako ng unggoy. Hindi ko maalala kung san ko sya nakita pero pakiramdam ko talaga matagal ko na syang kilala.

"Kung wala ka ng kailangan pwede na ba ako pumasok? Actually natutulog pa ako eh. NAGISING ako sa katok mo."

"Ganun ba sorry kung naka istorbo ako. Sige aalis na ako magpahinga kang maigi para kay baby." Nakangiti nitong sabi sabay hawak sa ulo ko at inilapit sa kanya at hinalikan ako sa noo. Nabigla ako sa ginawa nya. Biglang kumabog ang dibdib ko at parang napaso sa ginawa nya pakiramdam ko ay nag akyatan lahat ng dugo ko sa ulo.

Bago pa man ako makareact ay naglalakad na ito papalayo sa akin at patawid na nang kabilang kalsada.

Napahawak ako ng wala sa loob sa aking noo kung saan nya ako hinalikan. Wala sa loob kong isinara ang pinto at napasandal sa pinto.

"Anong nangyari?" Wala sa loob kong natanong habang hawak ko ang binigay nyang bulaklak.

EMRICK

Crimson LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon