Mag-isa ulit, sa wakas
pagsara ng ilaw,
unti-unting nahuhulog ang mga luha
lahat ng masasakit na ala-ala'y naaalala.
Palakas ng palakas ang ungol
sa bawat pagkirot ng puso.
Hindi nanaman ako makahinga...
pilit kong pinipigilan ang mga luha,
ngunit ayaw nilang magpaawat.
Ramdam ko na ang antok
Panibagong araw nanaman ang haharapin
kinabukasan.
Pekeng ngiti nanaman ang ilalabas
Hanggang kalian kaya ako magpapanggap?
Nakakapagod na ring maging pagod, minsan. :>:
YOU ARE READING
Through Poetry
PoetryJust things in my mind. Cover by @jamaicee Thnx, fren :>>