Alaala Mo

42 13 7
                                    

Nang ako ay iniwan mo,
Tila nagunaw 'king mundo.
Panahon na kasama ka,
Lagi kong inaalala.

Nuon 'pag walang magawa,
'kaw ang laging ginugulo.
Makahanap man ng iba,
'kaw pa rin ang nasa puso.

Pangarap na nakabaon:
Maibalik ang kahapon.
Nais kang makita muli
Kahit kaunting sandali.

Ang kaibigan ng tao--
Pag-ibig mo'y 'di naglaho.
Kung magbigay kasiyahan,
Habang buhay tatandaan.

Through PoetryWhere stories live. Discover now