s a l a m i n / r e p l e k s y o n

3 3 0
                                    

Ilang linggo, buwan, o taon ka na ba nag-iipon
ng mga tanong na alam mong malabo nang masagot?
Ilang ulit na bang puso'y nadurog at itinapon?
Ilang linggo, buwan, o taon ka na bang malungkot?

Ika'y aligaga, tulala, at nagmistulang sira.
Mga pangako'y napako nang siya'y biglang naglaho.
Ang nabubuhay sa mundo'y pitong bilyon at higit pa,
ngunit bakit s'ya pa rin laman ng utak mong magulo?

Ika'y napatitig sa taong nasa iyong harapan.
Ika'y nawalan ng boses sa labis na pagkagulat--
matang kumikislap noon, ngayo'y wala nang emosyon.
'Kay nagmistulang kalansay sa labis na kapayatan.

Dali-daling kinuha mga larawan at posporo;
sa unang pagkakatao'y nais na s'yang pakawalan.
Kasabay ng pagsunog mo sa inyong mga litrato
ang hudyat ng iyong paglimot sa inyong nakaraan.

Through PoetryWhere stories live. Discover now