4.3

6.8K 184 0
                                    

SANDALING iniwan ni Chase si Bree para ayusin ang apartment nito. Ginamit niya ang makakapal na karton na pinaglagyan ng mga bago niyang gamit sa apartment para ipantapal sa bintana ni Bree. Pagbalik niya sa kanyang apartment ay agad na nagbrew siya ng kape. Isa iyon sa mga bagay na palagi niyang namimiss noong nakadeploy pa siya. Pwede na ding sabihin na iyon lang ang natatanging luho niya. Kaya naman kahit halos walang laman ang apartment niya ay mayroon naman siyang magandang coffee maker.

"Chase?"

Hindi siya sumagot pero nilingon niya si Bree. Nakaupo ito sa pang-isahang sofa habang yakap ang isang throw pillow na pinakuha nito kanina mula sa apartment nito.

"Alam mo bang bago pa kita makilala ay inis na inis na agad ako sa'yo?"

Hindi nanaman sumagot si Chase. Wala naman kasi siyang ideya kung ano ang dapat na isagot. Pero mukhang hindi naman niya kailangan magsalita dahil nagpatuloy lang si Bree.

"Hindi naman kasi ako pwedeng mainis kay Lacey dahil buntis siya. Kaya sa'yo ko na lang ibinuhos ang inis ko."

Sa wakas ay natapos din ang binu-brew niyang kape. Nagsalin si Chase sa dalawang mug at tahimik na nilapitan si Bree. Nang iabot niya dito ang isang mug ay saka niya napansin ang expectant na tingin nito na parang hinihintay nitong magsalita siya.

"Bakit ka naiinis?" napipilitang tanong ni Chase.

Tila iyon lang ang hinihintay ni Bree para magkwento. "Ganito kasi 'yan," at iyon na nga ang simula ng mahaba at magulong eksplanasyon ni Bree.

"You see, nang humingi ng favor sa akin si Lacey para mag-inquire sa unit na ito, hindi ko naman ine-expect na ako talaga ang mag-aasikaso ng lahat. Pagkatapos kong mag-inquire ay ako na din ang nakipag-usap sa may-ari tungkol sa mga terms. Hindi naman kasi pwedeng bumiyahe si Lacey nang mag-isa kaya ako din ang nagsupervise nang i-deliver dito ang mga furniture. Tapos yung furniture shop ay mali pa ang nadeliver. Nung tumawag ako kay Lacey para siya sana ang makipag-usap, kasi siya naman talaga ang nakausap ng mga magdedeliver, hindi ko naman siya makontak. Mayroon daw siyang checkup noon. So I ended up returning all the furniture."

"Hmm," tumango-tango si Chase. "Kaya pala ibang furniture ang naabutan ko dito."

Pero hindi pinansin ni Bree ang komento niya. "So anyway nalaman ko na nasa policy pala ng shop na kapag ni-return ang furniture ay irerefund na lang ang buyer tapos cancelled na ang transaction. Hindi ko pa rin nakausap si Lacey dahil natulog daw agad pagkauwi sabi ni Justin. At 'yang kapatid mong 'yan ha, he's not very helpful. Alam mo ba kung ano ang sinagot niya sa akin nang sabihin ko sa kanya ang problema?"

"Ano?" Chase asked half-heartedly.

"Ako na daw ang bahala." Exaggerated na itinuro pa ni Bree ang sarili. "Ako nanaman. So ayun, dahil aminado din naman akong may kasalanan ako sa pagkaka-cancel ng transaction ay ako na ang naghanap ng bagong furniture shop. Pero online lang ako bumili. Wala na kasi akong time para mag-ikot pa sa mga furniture shop. And oh, your brother gave me your credit card details by the way."

Tumango lang si Chase saka humigop ng kape. Hindi naman talaga niya ginagamit ang kanyang credit card. Hindi kasi siya sanay na gumagastos ng malaki. He had some money alright. Ang Kuya Justin niya mismo ang naghahandle sa mga personal finances niya. Chase never really bothered with it. May tiwala siya sa kuya niya at alam niyang aalagaan nito ang pera niya. Nagulat pa nga siya nang ipakita nito ang statement of accounts niya nitong nakaraang buwan lang. He never imagined that he had that much money to his name.

"Chase, nakikinig ka ba?"

Tumango muli si Chase. "Oo, so what happened next?"

"So ayun na nga, um-order ako ng furniture sa online shop. Nang madeliver na itong sofa ay saka ko narealize na napaka-misleading ng mga pictures sa online shop."

Tumango nanaman si Chase.

"Kaya pasensiya ka na kung ganito ang kinalabasan ng sala set mo. Ang plano ko kasi ay bumili ng isang malaking sofa saka ako bibili ng isang simpleng sala set. Yung mga upuan sa sala set ay pwede mong ilagay sa ibang parte ng bahay. Tapos yung sofa ang para dito sa sala."

Tipid na napangiti si Chase. That actually explained a lot. Kaya pala nagkaroon siya ng maliit na sofa, mahabang living room table, at masyadong mababang mga upuan.

"So nung nag-order ako ng bedframe ay yung pinakamalaki na ang in-order ko. 'Yun ang ibinilin sa akin ni Justin nang ipaalam ko sa kanya ang kapalpakang nagawa ko sa pagbili ng sala set."

"I like it," hindi sinasadyang nasabi ni Chase.

"Ang alin?" may pagdududang tanong ni Bree.

"The bed. I like it."

"Oh, okay," pagkatapos ay bigla itong nag-iwas ng tingin. At kung hindi nagkakamali si Chase ay namula pa ang pisngi nito. Pero agad din itong umayos ng upo at ipinagpatuloy ang pagkukwento.

When First Impressions Don't Last (COMPLETE) - Published under PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon