9.2

6.5K 269 12
                                    

BEING in the hospital was suffocating for Chase. Pakiramdam niya ay sumisikip ang kanyang dibdib. Isa pa ay bumabalik sa kanya 'yung pakiramdam nang unang beses na magising siya sa isang ospital pagkatapos ng kanyang aksidente. Granted that the hospital was not nearly as nice as this hospital. Isang maliit at lumang ospital lang ang napagdalhan sa kanya noon.

"Kuya, hindi ka naman nakikinig sa akin eh," biglang wika ng kapatid niyang si Lucille. Kanina pa ito nagkukwento sa kanyang tabi pero talagang hindi niya magawang magfocus sa pakikinig dito.

Right now, the only thing Chase wanted the most was to see Bree. Nakailang silip na siya sa kanyang relo dahil masyado nang matagal simula nang lumabas ito kasama si Max.

"Kuya, okay lang ba sa'yo?"

Lucille looked so hopeful. Kaya wala nang nagawa si Chase kundi ang tumango. "Sige."

"Yes," itinaas pa nito ang kanang kamao.

Napakunot na doon si Chase. "Wait, what exactly did I agree to?"

"Um-oo ka na, Kuya. Hindi mo na pwedeng bawiin ang pagpayag mo na matulog ako sa apartment mo."

Sasagot pa sana si Chase nang makita niya sa gilid ng kanyang mga mata ang pagpasok ni Bree sa waiting area kasama si Max. He tried not to stare at her. Oh how he tried so hard but failed miserably. Sa pangalawang pagkakataon nang gabing iyon ay napatunayan niya na pagdating kay Bree ay walang epekto ang lahat ng training niya sa Navy. Ang unang beses ay nang basta na lang niya itong halikan sa kanyang kusina kanina.

Pero agad na nalimutan niya ang pagkastigo sa sarili nang salubungin din ni Bree ang kanyang tingin at bigyan siya ng isang tipid na ngiti. Normally, Chase would smile back at her. Pero para bang may nagbago sa paraan ng pagngiti at pagtingin nito sa kanya ngayon. Hindi naman mahirap intindihin kung ano ang nagbago doon. Napaka-expressive kasi ng mga mata ni Bree ngayon. Samantalang dati ay para bang palaging guarded ang expression nito. It suddenly occurred to Chase that Bree was trying to express what she was expecting from him. Ine-encourage siya nito na lumapit. And before he could think better of it, he was already standing and making his way toward her. Ni hindi niya pinansin ang pagtawag sa kanya ni Lucille. Nang oras na iyon ay mayroon lang siyang nag-iisang misyon: ang makalapit kay Bree.

"PUPUNTA lang ako sa restroom," narinig ni Bree na wika ni Max pero duda siyang gagawin talaga nito iyon. Alam niyang lumayo lang ito dahil nakita nitong palapit sa kanila si Chase.

"Hey," tanging wika ni Chase pagkaupo sa tabi niya.

"Hey," panggagaya dito ni Bree.

Chase shifted on his seat so that he could look at her sideways. "Kumusta ka na?"

Tumaas ang isang kilay ni Bree. "Bakit ako ang kinukumusta mo hindi naman ako ang nasa delivery room?"

Nagkibit ng balikat si Chase. Pagkatapos niyon ay namayani ang katahimikan sa pagitan nila. Noon napansin ni Bree na parang hindi normal ang paghinga nito.

"Chase, okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Bree.

"Bakit ako ang tinatanong mo hindi naman ako ang nasa delivery room?" Pero kahit nang-aasar ang tono nito ay hindi pa rin nagbabago ang irregular na paghinga nito.

Ipinatong ni Bree ang kamay sa braso nito. "Nahihirapan ka bang huminga?"

Kumunot ang noo ni Chase pero hindi ito nagsalita. Sanay na siya sa ganoong ugali nito kaya itinuloy na lang niya ang pagtatanong.

"Chase, seryoso ako, okay ka lang ba?"

"I hate hospitals."

Hindi inaasahan iyon ni Bree kaya hindi siya agad nakasagot.

Si Chase naman ay biglang tumikhim saka sumandal sa kinauupuan. "Naaalala ko kasi 'yung unang beses na magising ako pagkatapos ng aksidente."

"Aksidente?"

Tipid na tumango si Chase. "Nakwento ko na sa iyong isa akong Seabee at kami ang in charge sa pagtatayo ng kahit na anong istrukturang kailangan ng grupo namin. So if our commanding officer wants a bridge, we would move heaven and earth just to build a bridge."

"What if you are in the middle of nowhere? Saan kayo kukuha ng mga materyales?"

"Kahit pa nasaan kami ay gagawa at gagawa kami ng paraan para makagawa ng tulay."

"Really?"

"Yes," sagot ni Chase saka biglang ngumiti na para bang naaalala nito nang oras na iyon mismo ang ikinukwento nitong pagbubuo nila ng tulay. Parang nagtransform nanaman ito sa harap niya. Paano ba naman kasi ay kitang-kita sa mukha nito ang pagmamahal at pride sa trabaho nito.

Maliban kay Chase ay wala na siyang ibang kilalang sundalo. And at that moment, she was truly impressed by his dedication.

"You love being a Seabee," komento ni Bree.

Tumango nanaman si Chase. "Simula pa noong bata ako ay gusto ko nang maging sundalo. But I did not want to be just another set of hands who could shoot and return fire during a shootout. Kaya tinapos ko ang kurso ko. I'm actually an architect by profession, but I think I was born to be a Seabee. Anyway, isang araw ay may ini-scout kaming campsite. Syempre bago kami magtayo ng base sa isang lugar ay kailangan muna naming i-secure ang area. I encountered a trap during my perimeter search. Tumilapon ako sa isang bangin. Sabi nila ay mahigit anim na oras daw bago nila ako naretrieve. Hindi ko alam kung totoo 'yun. I was only awake for four hours." Then Chase's voice dropped into a whisper. "Apat na oras 'yun na nakahiga lang ako doon sa malamig na lupa. Hindi ako makagalaw dahil sa takot na baka tuluyan na akong mahulog sa mas malalim na parte ng bangin. Pero hindi din talaga ako makakagalaw kahit pa gustuhin ko. I broke my leg and I was sure that I also broke a couple of ribs. Moving hurts like hell."

Napalunok si Bree sa narinig saka nag-iwas siya ng tingin. Pakiramdam niya ay naeexperience niya nang mismong oras na iyon ang mga ikinukwento ni Chase. Huli na nang maalala niyang nakatingin pala ito sa kanya. Hindi niya agad naitago ang takot sa kanyang mukha.

"Let's just talk about something else," bigla na lang ay wika nito.

"Ha?" napabaling siya kay Chase pero nakayuko na ito. Sinundan niya ang tinitignan nito at nakita niyang nakahawak na pala siya ng mahigpit sa kamay nito.

"I don't want to bore you with my stories."

Umiling si Bree. "Hindi naman ako nabobore."

Mukhang tatanggi pa si Chase pero hindi nito naituloy dahil sa pabalibag na pagbukas ng pinto sa waiting area. Awtomatikong lumingon sila doon at isang mukhang haggard na haggard na Justin ang tila wala sa sariling naglalakad ang bumungad sa kanila.

"My wife successfully delivered our baby boy," iyon lang ang nasabi ni Justin bago tila slow motion na bumagsak ito sa sahig.

"Shit!" narinig pa niyang wika ni Chase bago ito nagmamadaling lumapit sa kuya nito.

_____________________

Salamat sa pagbabasa. Be sure to vote for this part if you liked it.

- Kensi

When First Impressions Don't Last (COMPLETE) - Published under PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon