8

6.7K 338 13
                                    

MABILIS na mabilis pa rin ang pagtibok ng puso ni Bree pero pinilit niyang balewalain iyon. She just suddenly felt like she needed some space.

"Bree," narinig niyang tawag ni Chase pero nagpatuloy lang siya sa paglalakad.

Hindi naman sa gusto niyang umiwas kay Chase dahil nagsisi siya sa nangyari. The truth was that she liked everything about the kiss. Kung siya lang ang masusunod ay ayaw na niyang matapos pa iyon. At iyon ang bigla niyang ikinatakot. Kaya hindi niya pinansin ang muling pagtawag sa kanya ni Chase at basta na lang binuksan ang pinto ng apartment nito.

"Bree?" takang-tanong ng napagbuksan niyang si Justin.

"I should have known," wika naman ng isang boses babae mula sa likod ni Justin. Parang kaboses iyon ni Max.

Hindi nakasagot si Bree. Gulat na pinanood lang niya ang dahan-dahang pagkunot ng noo ni Justin habang nakatingin sa kanya. Agad na napamura siya sa isip. Hindi na niya kailangan pang makita ang sarili sa salamin para malaman na kitang-kita sa itsura niya ang ebidensiya ng mga pinaggagawa nila ni Chase kanina lang.

"Pasok kayo," wika ni Chase na nakalapit na pala sa kanila.

Then Bree almost sagged in relief when Chase pulled her behind him. Kaya nagkaroon siya ng kaunting pagkakataon para ayusin ang sarili habang pumapasok sina Justin at Max. Pagkatapos ay dahan-dahang isinara nito ang pinto at humarap sa kanya.

"Okay ka lang ba?" Kitang-kita ang pag-aalala sa mga mata ni Chase.

Alam ni Bree na may iba pang ibig sabihin ang tanong nito at hindi na siya nagkunwaring hindi niya iyon naiintindihan. Ngumiti siya at tumango. Pero parang hindi pa iyon sapat kaya humawak siya sa dibdib nito at sumagot ng, "Oo." Natatakpan pa rin siya ni Chase kaya hindi nakita nina Justin at Max ang ginawa niya. At hindi din nakita ng mga ito nang gumanti ng ngiti si Chase na parang nakahinga ito ng maluwag sa sinabi at ginawa niya.

Nang humarap sila kina Justin at Max ay bumalik na ang pagka-sundalo nito. Seryoso ang mukhang inalalayan siya palapit sa dalawa.

"Kumain na ba kayo?" tila bale-walang tanong ni Chase sa dalawa.

Mukhang may ibang gustong sabihin si Max pero ang sinabi lang nito ay, "Hindi pa."

Napangiti si Bree. "Kung ganoon ay sumabay na lang kayo sa amin." Pagkatapos ay nagpatiuna na siya sa pagpunta sa kusina.

"I think I'm actually hungry. Hindi na kasi ako nakakain simula nang dalhin sa ospital si Lacey," wika ni Justin.

Biglang sumeryoso si Bree. "Nasa ospital si Lacey?"

"Oo," si Max ang sumagot. "Manganganak na yata siya kaya kanina pa kita tinetext. Pero ni isang reply ay wala man lang akong natanggap."

"Bakit hindi ka nalang tumawag?" nakakunot nang tanong ni Bree.

"Tumawag din ako kani-kanina lang nung papunta na kami dito ni Justin. Pero hindi mo naman sinasagot ang cell phone mo."

Pinanlakihan ito ni Bree ng mga mata para pagtakpan ang biglang pag-iinit ng kanyang mga pisngi. Bigla ay naalala niya ang parang background music na narinig niya kanina habang—ah, damn! Maipapahiya yata niya ang sarili kapag hindi pa siya tumigil. Kaya bumaling na lang siya kay Chase. Kitang-kita niya ang tipid na pag-angat ng isang sulok ng mga labi nito. Sigurado siyang alam nito kung ano ang iniisip niya. Ngunit sa halip na patulan ito ay inilahad na lang niya dito ang kanyang kanang kamay. Muling umangat ang isang sulok ng mga labi ni Chase bago ipinatong doon ang kanyang cell phone.

Sa mga sumunod na sandali ay nagkunwa si Bree na kinakalikot iyon para makaiwas kay Max. Mukhang naawa na si Chase sa kanya kaya ito na ang nagsalita.

When First Impressions Don't Last (COMPLETE) - Published under PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon