10.2

6.5K 256 12
                                    

"AKALA ko nandito pa si Bree," agad na wika ni Chase matapos batiin ang Kuya Justin niya at si Lacey. Kararating lang niya sa ospital dahil masyado siyang madaming inasikaso ngayong araw.

"Kanina pa siya umalis kasama si Max," si Lacey ang sumagot.

"But the car I got for her is still in the parking lot."

Tumaas ang kilay ni Lacey. "So? Baka nagsabay sila ni Max na magtaxi."

Hindi nagustuhan ni Chase ang sinabi ni Lacey lalo na ang klase ng pagtingin nito sa kanya. Pero sa halip na patulan ito ay bumaling na lang siya sa Kuya Justin niya. "Anong oras sila umalis ni Max?"

Sa itsura ng kuya niya ay mukhang ayaw nitong sumagot at makisali sa usapan. Pero binigyan niya ito ng masamang tingin. Mukha namang naintindihan na nito ang gusto niyang iparating dahil bigla itong sumilip sa suot na relo at sumagot.

"More than one hour ago. One and a half hours at most."

Tipid na tinanguan ito ni Chase bago bumaling kay Lacey. "Magpahinga ka na. Aalis na ako." Then he turned to go to the door.

"Pero kararating mo lang," protesta ni Lacey.

Napipilitang muling tumingin dito si Chase. "I need to find Bree."

"Bakit?" Lacey asked with a calculating look.

"Is that a trick question?" nananantyang tanong ni Chase.

"Depende sa isasagot mo."

Pero hindi sumagot si Chase. Bumaling na lamang siya sa kuya niya. Iisa lang ang ibig sabihin ng ekspresyon niya, ikaw na ang bahala sa asawa mo.

"Lacey, hayaan mo na si Chase," natatawang singit ni Justin.

Umiling si Lacey. "I really want to hear what Chase has to say." Pagkatapos ay pinakatitigan siya nito. "Matalik kong kaibigan si Bree kaya siguraduhin mong maganda ang mga sasabihin mo."

Napabuntong-hininga si Chase. Hindi na siya komportable ngayon na ipinapaliwanag ang mga nararamdaman niya. Isa iyong sa mga binago sa kanya ng Navy. "I just need to talk to her."

"Then just text her or call her."

"Ginawa ko na. Hindi siya nagrereply at hindi din niya sinasagot ang tawag ko. Kaya nga dumiretso agad ako dito dahil akala ko ay nandito pa siya."

"Pero siguro naman ay pwede mong ipagpaliban pa ng ilang minuto ang paghahanap kay Bree. Dito ka na lang muna at ipaliwanag sa akin kung ano ba talaga ang intensiyon mo sa kaibigan ko."

Muling napatingin siya sa Kuya Justin niya. Nagkibit lang ito ng mga balikat na parang ipinararating nito sa kanyang bahala na siya at hindi siya nito tutulungan.

"Lacey, gabi na. Kailangan mo nang magpahinga. Babalik na lang ako bukas."

"Pero baka nasaktan mo na ang kaibigan ko bukas. That would be too late already, right?"

Ngayon ay sigurado na si Chase na hindi nag-e-expect ng sagot si Lacey. She was being sarcastic and she was not even trying to hide it.

Chase immediately felt the weight of the situation. Kaya pinilit niyang mag-isip kung paano ipapaintindi kay Lacey na malinis ang intensiyon niya sa kaibigan nito.

"Hindi mo siya kailangang protektahan mula sa akin, Lacey. Wala akong balak na saktan siya. At kung mangyayari ang lahat ayon sa plano ko, gusto kong ako na ang magte-take over sa trabaho ng pagprotekta sa kanya."

Nang tipid na ngumiti at tumango si Lacey ay nakahinga na ng maluwag si Chase.

"Thank you," wika niya saka tipid na tinanguan si Kuya Justin bago lumabas ng hospital room.

CHASE had a long day. And it was bound to get longer. Pagdating niya sa apartment building nila ay dumiretso agad siya sa unit ni Bree. Kumatok muna siya ng dalawang beses hanggang sa napilitan na siyang gamitin ang susing ibinigay nito sa kanya. Wala ito sa loob.

Agad na kinabahan si Chase. Inilabas niya ang cell phone at tinext si Lacey para ipadala sa kanya ang numero ni Max. Habang hinihintay na magreply ito ay hindi siya mapakali. Nandoon parin siya sa apartment ni Bree at palakad-lakad sa sala nito.

Noong isang araw pa natapos ang huling session niya sa theraphy. Kaninang umaga naman ang schedule niya para kausapin ang kanyang doktor. Inaasahan na niyang mabibigyan siya ng clearance para bumalik sa trabaho at ganoon nga ang nangyari. Pero yung excitement na inaasahan niyang maramdaman ay hindi nangyari. Siguro kung kahapon niya nakausap ang doktor niya ay iba ang magiging reaksiyon niya. Hell, he would have felt excited if he found out the news anytime before last night.

Yeah, last night. Wala sa sariling napangiti si Chase nang maalala ang mga nangyari kagabi. At hindi ang pagkapanganak ng bago niyang pamangkin ang tinutukoy niya kundi ang halik na namagitan sa kanila ni Bree. Well, he would probably always remember their first kiss. Siyempre sa tuwing ise-celebrate ang birthday ng pamangkin niya ay ise-celebrate din nila ang first kiss nilang dalawa.

Nakakatawang isipin na binago ng isang halik ang lahat-lahat sa buhay ni Chase. Kanina paggising niya, sigurado siya na hindi na siya ang dating Chase. He was a changed man now. At kanina nang makausap niya ang kanyang CO pagkagaling niya sa ospital, pakiramdam niya ay isang malaking parte ng buhay niya ang iiwan niya sa pagbalik niya sa serbisyo. At ang lahat ng realisasyon niya ngayon ay dahil lang sa isang halik. It was really funny how one kiss could change a life, specifically his life.

Naputol ang pag-iisip ni Chase nang tumunog ang kanyang cell phone. Itinext na sa kanya ni Lacey ang numero ni Max na agad naman niyang tinawagan.

"Max, kasama mo ba si Bree?" agad na tanong niya.

"Ha? Sino 'to?"

"Si Chase, kasama mo ba si Bree?" muling tanong ni Chase.

"Hindi, bakit sa akin mo siya hinahanap? Hindi ba ikaw ang kapitbahay niya? Naghiwalay na kami kanina paglabas sa ospital."

Mahinang napamura si Chase. "Nandito ako sa apartment niya ngayon at wala siya dito."

________________

Salamat sa pagbabasa. Be sure to vote for this part if you liked it.

- Kensi

When First Impressions Don't Last (COMPLETE) - Published under PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon