3.2

8.1K 200 7
                                    

"CHASE?" Pinanood ni Bree ang alertong pag-angat ng ulo ni Chase nang tawagin niya ito. Malayo pa lang ay namukhaan agad niya ang mala-sundalo nitong tindig habang nakatayo sa reception area ng opisina nila.

"Ano'ng ginagawa mo dito?" tanong ni Bree nang tuluyan na siyang makalapit dito.

"May pinapabigay si Mama sa'yo," sagot ni Chase saka iniangat ang hawak na lunch box.

Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa mukha ni Chase na halatang hindi komportable sa reception area nila at sa hawak nito. Natigil lang siya nang makarinig ng pagtikhim mula sa kanyang likuran. Ang kaopisina niyang si Rej ang nalingunan niya. Pinanlakihan niya ito ng mga mata pero hindi naman iyon pinansin ng babae.

"Rej," babala dito ni Bree.

"Yes, Bree? Hindi mo ba ipapakilala ang bisita mo?"

Wala nang nagawa si Bree kundi ang paikutin lang ang mga mata saka ituro si Chase. "This is Chase, kapatid siya ni Justin na asawa ng best friend kong si Lacey." Pagkatapos ay alanganing tumingin siya kay Chase na seryoso pa rin ang ekspresyon. "Ito naman si Regina—aray!"

"Anong Regina?"

"Bakit? Regina naman talaga ang pangalan mo ah," natatawang sagot ni Bree habang hinihimas ang brasong hinampas ni Rej.

"Rej na lang," maagap na wika nito na tinawanan lang ni Bree.

Hindi na siya nagsalita kasi naku-curious siya kung paano magrereact si Chase. At parang gusto niyang magpagulong-gulong sa tawa nang sumagot ito.

"Nice you meet you, ma'am," pagkasabi niyon ay tumango pa si Chase.

Hindi na napigilan ni Bree ang pagtawa nang mapatulala si Rej. "Oh, naipakilala na kita. Bumalik ka na sa loob." Pagkatapos ay nang-aasar pang idinugtong niya. "Ma'am."

"Heh!" sagot ni Rej saka muling bumaling kay Chase. "Bata pa naman ako kaya hindi mo ako kailangang tawaging ma'am."

"Sorry, ma'am," then Chase grimaced, as if he realized too late that he called Rej ma'am again.

Natawa nanaman si Bree. "'Wag mo na kasing ipilit. Sundalo eh," wika niya saka binalewala ang biglang pagkunot ng noo ni Chase.

"O siya, sige na nga," sumusukong wika ni Rej bago muling tumingin kay Chase. "Nice to meet you, Chase." Pagkatapos ay kay Bree naman ito tumingin. "Pinapatawad ko na ang boyfriend mo. Pasalamat siya guwapo siya kahit na mukha siyang haharap sa firing squad."

Napangiwi si Bree sa sinabi ni Rej. Pero hindi na siya nagkaroon ng pagkakataong itama ang akala nito dahil mabilis na itong lumayo sa kanila. Naiwan tuloy siyang nakatayo doon sa harap ni Chase na mukha ngang haharap sa firing squad ang tindig.

"Ahm, pasensiya ka na kay Rej," Bree said awkwardly.

Tumango si Chase saka iniabot sa kanya ang hawak na lunch bag. "Para sa'yo."

"Ano 'to?"

"Pagkain."

Naalala niya ang sinabi nito kanina. "Galing sa mama mo?" Tumango muli si Chase. Sandaling namayani ang katahimikan sa pagitan nila. Maya-maya ay napagtanto ni Bree na wala nang balak magsalita pa si Chase. Kaya napapabuntong-hiningang nagtanong na lang siya. "Bakit daw?"

"For being my neighbor."

Napataas ang kilay ni Bree. Hindi niya alam kung nagjojoke ba si Chase o seryoso ito. "Really?"

Tumango lang ang binata. Pagkatapos ay inilibot nito ang paningin sa kanilang reception area. Bree took this time to study him more closely.

There was an undeniable alertness around Chase. Kapag may dumadaan malapit sa kanila ay pinapasadahan nito ng tingin ang taong iyon. Pagkatapos ay ililibot nitong muli ang paningin sa paligid. Nang dumaan ang kanilang messenger na may tulak-tulak na cart ay lalo pa itong umalerto. Nagtaka pa si Bree nang biglang humawak si Chase sa gilid ng kanang binti nito na parang may kinakapa doon.

When First Impressions Don't Last (COMPLETE) - Published under PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon